Pagmamahal o Kabutihan

1 0 0
                                    

         Sadya ngang makapangyarihan ang pagmamahal sapagkat pinupunan nito ang lungkot sa buhay ng isang tao. Pinaparamdam nito na hindi ka nag-iisa, na may karamay ka, na mahalaga ka at ipinapakita na ang mundo ay masaya, ngunit minsan dahil ang pagmamahal ay labis na makapangyarihan ito rin ang nagiging dahilan ng labis na sakit sa isang indibidwal na hindi basta-bastang nawawala at nakakalimutan. Kung labis na pagmamahal ang ibinigay o tinanggap ng isang indibidwal nangangahulugan rin ito na mas malubha ang epekto nito sa kanyang buhay sapagkat siya ay umasa, nagpahalaga, naglaan ng kanyang oras at pagsisikap, at higit sa lahat siya ay nagmahal o minahal. Ang isipin na ang isang indibidwal na minahal o nagmahal sa iyo ay nagkaroon ng pagbabago sa kanyang pakikitungo o sa kanyang damdamin para sa iyo ay maaaring ikabago ng iyong pangaraw-araw na pamumuhay at ng iyong personalidad, ito'y nakadepende sa uri ng pagmamahal na iyong naranasan o ibinigay, sa tagal ng isang pagsasama, at kung paano nangyari ang pagbabago na maaaring dahil sa isang tao, sa isyung pinansyal o sa pamilya, at maaaring dahil sa personalidad, pamumuhay, o sa nararamdaman mismo ng isang tao.

        Datapwa't lahat ng mga indibidwal ay naghahanap ng pagmamahal dahil sa kanilang personal na kadahilanan, lahat rin ng tao ay nakakaranas na masaktan, umiyak, at maiwan sapagkat hindi ito maiiwasan kahit pa gaano katindi o katibay ang isang pagmamahalan, kahit pa gaano sila kaingat o kasigurado, at kahit pa hindi nila ito hinahangad ito'y mangyayari parin dahil ito ang sistema ng buhay. Ang pagmamahal ay natural lamang sa pagkatao ng bawat indibidwal gayundin ang kabutihan. Gayunpaman ang kabutihan ay minsan napagkakamalang pagmamahal dahil mahirap itong kilalanin, kaya't ang simpleng kabutihan na ipinapakita ng isang indibidwal ay minsang binibigyang kahulugan bilang isang pagmamahal na nagdudulot sa isang tao na umasa na siya ay mahalaga at pinapahalagahan ngunit kalaunan ay nagbubunga ng tampo at pag-aawayan kung siya ay nakakita ng isang hindi kaaya-ayang gawain, pagkakamali, o desisyon dahil siya ay nagbigay na ng pamantayan sa maling enterpretasyon at dahil ang inaakala niyang pagmamahal ay isa lamang pagkakamali o hindi pagkakaunawaan.

         Sa kabilang banda, kung ang isang tao man ay ninais na huwag masaktan o umasa ang maaaring wais na desisyon at pag-iisip ay huwag basta-bastang magbigay ng kahulugan sa pakikisama sa iyo ng isang indibidwal kundi ay tanggapin ito bilang isang mabuting pakikitungo at pagmamalasakit lamang sapagkat kung dumating man ang araw na sila'y nagbago hindi ka masasaktan dahil wala silang obligasyon na maiiwan o pangako na masisira.

       Sa mabuting pag-aanalisa kung inaasahan ng isang indibidwal ang panghabang buhay na pagmamahal magiging mahirap sa kanya ang pagtanggap kung siya'y niloko, iniwan, ipinagpalit, o kung nabigo ang kanyang pamantayan sa kanilang pagmamahalan, sapagkat ang katotohanan ay walang perpekto at panghabang buhay na pagmamahalan dahil ang tanging mayroon lamang sa mundo ay magandang pagsasama at ito'y nagiging panghabang buhay kung mayroong respeto, tiwala, pang-unawa, at kabutihan sa bawat isa.

PagtuklasWhere stories live. Discover now