Kabanata 2

1.4K 101 16
                                    

"The game will now begin.. this way please."

Lahat ay napatingin sa pinanggalingan ng tunog. Sa likod namin. May napakalaking screen. May arrow.. nakaturo sa ibaba. May pinto doon. Lahat ay tulalang pumunta doon. Nanginginig na binuksan ni Vincent ang pinto. Pumasok kaming lahat. Twenty-nine na nalang kami.. Sa loob ay isang kwarto.. nasa isang kwarto kami.. may screen sa harapan. Napansin ko rin na may lamesa doon. May mga goggles. Hindi.. hindi isang ordinaryong goggles..

Bumukas ang screen. May nakasulat doon. 'One goggle for each of you'. Lumapit kami doon sa lamesa at isa-isang kumuha niyon. Anong gagawin namin dito? At anong.. game?

May boses na lumabas sa screen. "Please put the goggles on." Sinunod namin ang sinabi niyon. Sinuot ko ang goggles.

"Anong..gagawin namin?" tanong ni Dino.

"You will play.. sili-silihan."

"What? Are you fucking with us!?" sigaw ni Bobby.

Biglang umilaw ang pader sa harapan. Biglang.. may mukha naming lahat doon. Sa taas ay may nakalagay na twenty-nine players. 

"Siguradong alam ninyo ang larong sili-silihan.. so now.. here's the instructions.."

Naiba ang nasa screen, video iyon. Sili at tubig. Pero parehas silang may goggles.

Ang alam ko ang sili-silihan.. may isang sili and rest are all water. Kapag nahawakan ka ng sili, magiging sili ka na rin. Pero pwede ka pang maging tubig.. kapag hinawakan ka ng tubig. Kung sino ang tubig siya ang panalo.

"Sigurado alam ninyong lahat kung paano laruin ang sili-silihan.. pero.. ito ay iba.. kapag naka-eye contact mo ang sili.. sili ka na rin.. pero kapag nahawakan ka ng tubig, magiging tubig ka na rin, pero paano kapag nahawakan ka ng sili?"

Napalunok ako. Shit. Mag-lalaro ba talaga kami?!

"Kapag nahawakan ka ng sili.. mamamatay ka." iyon pa rin ang boses sa screen.

"What the hell.." bulong ni Jeremy.

"As if naman totoong mamamatay kami! Don't joke around!" sigaw ni Yana.

"That goggles you're wearing can explode." Shit. Just fucking shit! Lahat ay natahimik dahil doon. "Itong screen na may mga mukha ninyo ang magsasabi kung sino ang sili at kung sino ang tubig.."

"But before we start.." biglang may lumabas na mga armas sa lamesa. May kutsilyo doon, baril, itak, at kung ano-ano pa. "You can choose here.. whatever you want, you know, for your own safety."

Tumingin ako sa pader na may mga mukha namin. Twenty-nine players.. Leriah, Dino, Yuan, Peppa, Bobby, Nery, Vincent, Yana, Jeremy, Crystal, Jamilla, Jamille, Lance, Levi, Serra, Sofie, Rein, Franz, Neil, Paolo, Kalil, Kate, Daniella, Andrea, Francis, Gio, James, Andrew, Andrei.

Walang kumuha ng armas ni-isa sa amin. Hindi namin sasaktan ang isa't-isa!

"So.. do you understand the game?" Huminga ako nang malalim. Madali lang naman ang laro. Kapag may sili pwede naman namin iyong hawakan para lahat kami ay tubig na. "Okay.. you will have one hour to play this game.. the game begins..now."

Nag-iba ang paningin ko. Humarap ako kay Dino. What? Nade-detect niyon ang mga kasamahan ko! May lumabas na timer sa screen na malaki, kalapit niyong mga mukha namin. 59:60.

Shit. Sino ang sili? Tumingin ulit ako doon sa screen. Nanlaki ang mata ko! Si Yuan! Siya ang sili! May nakalagay doon sa mukha niya sa screen na sili! Titignan ko sana siya pero may humila sa akin. Si Dino.

"Bakit ka titingin sa kaniya!?" tanong niya sa akin. "Alam mo naman na kapag nakipag-eye contact ka sa sili, magiging sili ka rin!" sigaw niya sa akin.

Oo nga.. Humarap ako kay Dino. Na-detect siya niyong goggles ko.

Dinola Hermies, twenty-two years old. Tubig.

"Yuan! Pumikit ka, hahawakan kita para maging tubig ka na rin!" sigaw ni Crystal. Pumikit ako at nag-dasal. Please.. help us..

Minulat ko ng kaunti ang mata ko at tinignan sila. Sa katawan lang nila ako nakatingin. Papalapit na si Crystal kay Yuan. Nang mahawakan ni Crystal si Yuan ay tumingin agad ako sa screen sa unahan. Hindi na sili si Yuan! Pero...

"What.. bakit naging sili ako?" mahinang tanong ni Crystal.

"Nakalimutan ko pa lang sabihin.. kapag hinawakan ng tubig ang sili, magiging tubig ang sili, pero ang humawak na tubig naman ang magiging sili. Mag-kakabaliktad lang. Pero kapag hinawakan ka ng sili, mamamatay ka." sabi noong boses sa screen. Natatawa pa iyon. What's funny..

Tumingin ulit ako sa malaking screen na may mukha namin. Si Crystal ang sili at si Yuan naging tubig. So.. kapag nakipag-eye contact ka sa sili, magiging sili ka, pero kapag hinawakan ka ng sili mamamatay ka. Napalunok ako. So.. hindi namin pwedeng iligtas ang sili.

"Oh my God!" umiiyak na si Crystal. Nakatitig lang ako sa kanila. Si Yuan naman ay papalayo nang papalayo kay Crystal, habang nakapikit. Akmang hahawakan ni Crystal si Yuan pero tinawag siya ni Jeremy.

"Crystal! Wag!" sigaw nito. Napatingin sa kaniya si Crystal, and then, their eyes met. Dahil doon nakakuha ng tiyempo si Yuan para tumakbo palapit sa amin ni Dino. Tumingin ako sa screen sa harapan. Dalawa na ang sili. Si Crystal at Jeremy.

"What the hell! Damn you Crystal! Bakit ka tumingin sa akin!?" sinugod ni Jeremy si Crystal at kinuwelyuhan. "Papatayin kita!" Kumuha siya ng kutsilyo doon sa lamesa na punong-puno ng armas. Oh my God! This can't be true.. sinaksak ni Jeremy si Crystal.. sa mata.. sa puso.. sa tiyan.. Shit. Napalunok ako sa nakita. Tumingin ako sa screen.

Twenty-nine players, One dead. One sili. Twenty-seven tubig. Tapos ang timer.. 50:20.. naka-ten minutes agad!

Napa-upo si Jeremy matapos patayin si Crystal. Nakatulala na siya. "Hindi..hindi ko siya pinatay.. hindi.." bigla siyang tumingin sa banda namin. Hinawakan agad ako ni Dino at tumakbo.

"Tang ina! Si Yuan ang may kasalanan nito! Si Yuan ang pumatay kay Crystal hindi ako!" sigaw ni Jeremy. Tumakbo siya palapit kay Yuan. Pero.. bigla siyang natumba.. may... itak na nakasaksak sa likod niya. At nasa likod niya ay si Gio. Nakatulala siya, pero maya-maya ay biglang ngumiti.

"Wala ng sili... ligtas na tayong lahat..." sambit niya. Natulala ako sa sinabi niya. Tumigil na si Dino sa pagtakbo. Kalapit na namin ngayon sina Peppa. Kaming lahat ay nasa isang gilid. Ang naiwan lang sa gitna ay si Gio at ang nakahandusay na katawan ni Jeremy at Crystal. I should be sad right now.. but I feel relieved.. kasi wala ng sili..

Ang sama mo Leriah! Namatay ang dalawa mong kaklase! Binalot na naman kami ng katahimikan. Tumingin ako sa screen para tignan ang timer. Hindi pa rin iyong tumitigil. 39:40.. Pero hindi iyon ang umagaw ng pansin ko!

Twenty-nine players, two dead, one sili, twenty-six tubig. One sili... may isa pang sili! Tinignan ko ang mukha naming lahat sa screen. Si Gio! Siya ang sili!

"Nakalimutan ko ulit sabihin... kapag pinatay mo ang sili, ikaw ang magiging sili."

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now