Kabanata 20

568 55 7
                                    

Lahat kami ay natahimik dahil sa sigaw ni Yana. Tumunog ulit iyong ilaw sa itaas. Picture naman ni Kalil ang may nakasulat, 'dare'.

"I can't do that.." sambit ni Kalil. "Please, Yana. Iba na lang, wag lang yon."

"Noong pinatay mo nga si Paolo parang ang galing-galing mo pumatay. Tapos ngayon para kang maamong tupa?" lumapit si Yana kay Kalil at dinuro. "Kung hindi mo kaya, mag pass ka. Try it."

Napalunok si Kalil at tumingin kay Bobby na nakahawak sa daliri na pinutol.

"Fuck. I never thought I would do anything to survive.." humarap siya sa aming lahat. "I am sorry. Kung ano man ang magawa ko o gagawin.. sana maintindihan niyo.."

Tumakbo siya doon sa padulasan at kumuha ng kutsilyo na mahaba. Napaatras si Bobby dahil doon. Dali-dali siyang nanakbo at hinabol naman siya ni Kalil. Nakapasok na sila sa kabundukan hanggang sa hindi na namin sila nakita pa.

"Good dog." ani Yana.

Ang natitira na lang dito ay walo. Ako, Peppa, Dino, Yuan, Neil, Rein, Vincent, at Yana. Nakangising humarap si Yana sa amin. "Hm. What should I do with you all now?"

"This is not funny Yana." sambit ni Vincent.

"Yana.. don't do this. You're a great person.. sinasakop ka lang ng galit.." mahinang wika ni Rein.

Tumawa si Yana. "Truth or Dare, Rein?" tanong niya. Kinakabahang napaatras si Rein. "Oh? Akala ko ba great person ako? Bakit ka kinakabahan?"

"T-truth.."

"Hmm." Umaktong nagiisip si Yana. "Ikaw ba ang nagnakaw nong ginto?"

Naalala ko nong bago kami maglaro ng Pinoy Henyo may mga ginto doon sa kwarto namin at bigla nalang nagkulang iyon.

Napaatras siya dahil sa tanong Yana. Humarap siya sa aming lahat. Pinagpapawisan. Umiling siya.

"Hindi. Hindi ako ang nagnakaw. "

Tumunog na naman ang ilaw sa itaas.

Winner
Alyana Cruz

Loser
Rein Asoeta - liar
Kalil Rectsa - dare
Peppaline Valdez
Neil Javier
Dinola Hermies
Leriah Cervantes
Bobby Fernandez
Vincent Fredo
Yuan Santos

Liar ang nakalagay kay Rein.. Siya ang nagnakaw noon sa ginto. Naalala ko takot na takot ang mukha niya noon. Bakit? Bakit parang lahat kami ay may sikreto sa isat isa?

"Anong gagawin sa sinungaling?" tanong ni Yana.

"You're the one to decide!" Tumawa iyon ng malakas.

"I have a good idea!" tila nagningning ang mga mata ni Yana. "Dahil sinungaling ka.." kumuha si Yana ng kutsilyo at lumapit kay Rein. "..dapat putulin ang dila mo!" tumawa siya ng malakas sa point na nakakakilabot na.

"Tahimik ka lang din naman, bakit di nalang putulin ang dila mo para hindi ka na makapagsalita!"

Lumapit si Yuan doon at hinarangan si Yana. Tinaasan lang siya ng kilay ni Yana. "Wow. Knight shining armor yan!?"

"Why are you being like this? Wala kaming kasalanan sa lahat ng nangyayari dito! Hindi mo dapat kami idamay sa galit mo!"

"Really, Yuan?" tumawa si Yana at pinunasan ang luha na naglalandas sa pisngi niya. "Nung pinatay ni Neil si Jamilla.. bakit hindi nyo tinulungan ink Jamilla? Bakit pinanood nyo lang?à Tapos ngayon.. kkgkakkoaq

Tinulak ni Yana si Yuan at lumapit sa umiiyak na si Rein. "Now.. let me punish the liar."

Tumakbo si Rein at kumuha ng kutsilyo, itinutok niya iyon kay Yana. "Huwag.. wag kang lalapit sa akin.."

"This is boring. Just come here. Ano bang gusto mo, maputol ang dila o mamatay?" tanong ni Yana. Umiling si Rein.

"Ikaw ba ang mastermind, Yana?" kusa na lang iyon lumabas sa bibig ko. Nagulat din ako sa tanong ko. Humarap siya sa akin, nakangisi.

Pinaikot-ikot niya ang kutsilyo na hawak. "Hm. Kapag ba sinabi kong hindi.. maniniwala kayo?"

Maniniwala ba kami? No.. ni wala na nga kaming tiwala sa isat isa. Kami ang pumapatay sa isat-isa.

Ngumiti ng malaki si Yana. "Shit. May naisip na naman akong idea! Hoy." Humarap siya kay Rein. "Kung ayaw mong putulin ko yang dila mo.. kill that three bestfriends, Leriah, Dino.. and Peppa."

Lumapit sa amin si Dino at hinarangan kami ni Peppa. Namutla si Rein sa sinabi ni Yana.

"Ikaw, Yuan. Truth or Dare?"

"Truth." kalmadong sagot ni Yuan.

"Hay. Ang boring nyo kalaro. Bakit ba puro kayo truth?"

"Just ask me already!"

Tumawa si Yana at tumingin sa akin. "Si Leriah..o si Dino?"

"What kind of question is that?" tanong ni Yuan. "Si.. Leriah." sagot niya.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Napansin kong nanigas si Dino sa kinatatayuan niya.

"Congratulations, Yuan Santos!"

Winner
Alyana Cruz
Yuan Santos

"Wow. Congrats bro. You're finally free of this game." mapanuya na wika ni Yana.

Si Yuan, tapos na siya. Hindi na siya maglalaro. Ligtas na siya. Humarap siya sa amin. "I won't leave you guys. " Humarap siya sa akin at nginitian ako.

"How sweet.. " humarap siya kay Rein na nakatingin lang sa kutsilyo na hawak. "Hoy. Anong ginagawa mo? Diba inutusan kitang patayin sila?"

"Ikaw Vincent, Truth or Dare?"

"Dare." sagot niya.

Nanlaki ang mata ni Yana na para bang nabigla siya. "Really!? Then.. find Kalil and kill him."

Tumango si Vincent na ikinagulat ko. Ganoon siya kabilis sumangayon!? Kumuha siya ng kutsilyo at humarap sa amin. "I hope.. we will still see each other after this.." aniya, sabay tumakbo na papasok sa gubat.

"What a brave man." puri ni Yana. Biglang napalitan ang emosyon niya ng galit na may kasamang lungkot. Humarap siya sa tahimik lang na si Neil. May tumulong luha sa mata niya. "Truth or Dare?" tanong niya habang nakatingin kay Neil.

"Dare." sagot nito. Nakatingin lang kay Yana. Ngumiti si Yana pero hindi iyon umabot sa mga mata niya.

"I dare you to.. kill me. Javier."

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now