Kabanata 22

557 55 4
                                    

Hindi na ako nagulat sa sagot niya. Dahil maging ako ay sinubukang kalabanin ni Rein. Ang pinagaalala ko lang ay si Peppa dahil pati siya ay target ni Rein. Buti na lang kasama niya si Yuan..

"Can we survive this?" Tanong ni Dino. Paos ang boses niya. Tumango ako.

"We can.."

"Here." Inabot sa akin ni Dino ang isang kutsilyo. Nag aalinlangan pa akong kinuha iyon. "We need that if we want to survive."

Nagulat kami nang may marinig na ingay. Parang may papalapit.

Hinawakan agad ako ni Dino at bahagya siyang sumilip. "I can't see it.." mahina niyang sabi. "It's too dark."

Kumalabog ang puso ko at naghanda nang marinig na papalapit na iyon. Tumayo na rin ako at nag abang sa kung ano man ang sasalubong sa amin. Nang marinig ko ang kaluskos ng damo ay inilabas ko agad ang kutsilyo. Kumunot ang noo ko nang mapansin na pamilyar ang suot nito. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino iyon.

"Bobby!" gulat din siya na makita kami. Hinila namin siya sa mga bato. Puro dugo ang suot niya. Ang isa niyang daliri ay putol..

"We can't rest. We should leave immediately!" aniya. "Hinahabol ako ni Kalil at baka makarating na siya dito! Madadamay kayo!"

"So if Kalil is chasing you.. Vincent will be here too. Ugh. This is frustrating." wika ni Dino.

"That's why let's hurry up."

Tumango ako. "But you're too injured.. can you still run?" tanong ko. Bumuntong hininga siya at tumango.

"Kakayanin pa."

Nagmabilis kaming tumakbo at minsan ay inaakay pa si Bobby dahil natutumba siya minsan. Ang dami na niyang dugo na nawala. Kapag tumagal ay baka may mangyari ng masama sa kanya.

"Fuck it. Baka masundan tayo ni Kalil dahil sa dugo mo!" sigaw ni Dino.

"You gave me a hard time.. Bobby." malamig ang boses na iyon. Oh shit. That's Kalil. Nasa harapan namin siya. Sa sobrang dilim ay hindi namin siya napansin.

Dali dali kaming nanakbo pero natumba si Bobby. Doon ko lang napansin na may sugat siya sa binti. Tila initak iyon.

"I really don't want to do this.. I just want to live so much..." wika ni Kalil.

"No.. baka may paraan pa Kalil.. don't do this, were friends.." sambit ko.

Tumawa siya. "Friends.. may maitutulong ba iyan kapag nasa ganitong sitwasyon tayo? Friends will just betray us.."

"You're now crazy, Kalil." umiling si Dino. "Tingin mo ba magugustuhan ito ng kapatid mo?"

Ngumisi siya. "No.. but at least I survive, right?"

Sinubukan kong itayo si Bobby habang nag uusap si Kalil. Pero kada itatayo ko si Bobby ay natutumba rin siya. Ang binti niya at paa at may bakas ng pagkaka-saksak. "Si P-peppa.." bulong ni Bobby.

"What? What about Peppa? Are you worried about her? Don't worry.. she's with Yuan.."

How can we get away with this!?

"Sorry Leriah.. Dino.." wika ni Bobby. Mahina ang boses niya. "Siguro ito na ang wakas ko. " tumawa siya. Kusang tumulo ang luha ko. Si Dino ay nakaiwas lang ng tingin.

Napabitaw ako kay Bobby nang itulak niya ako. Natumba ako sa damuhan at pagharap ko sa kanya ay naliligo na siya sa dugo. Nakamulat ang mata niya at nakangiti. Natulala na lang ako doon. Tuloy pa rin ang pagsaksak ni Kalil sa kanya. Nanginginig na gumapang ako palapit pero hinawakan ako ni Dino. May bakas ng luha ang mata niya. Umiling siya sa akin.

Tumunog ang ilaw na nasa itaas.

Winner
Alyana Cruz
Yuan Santos
Kalil Rectsa

Loser
Rein Asoeta - liar
Peppaline Valdez
Neil Javier - dare
Dinola Hermies
Leriah Cervantes
Bobby Fernandez - dead
Vincent Fredo - dare

Tinignan ko ng masama si Kalil na nakaupo na ngayon at nakatingin sa kutsilyo na puro dugo. Ang mukha niya ay puro dugo rin. Paano niya nagagawa yan..

"Sana makatulog ka pa sa gabi Kalil.." sambit ni Dino. Hindi ko kayang tignan si Bobby.. Tumayo ako at kinuha ang kutsilyo na binigay sa akin ni Dino.

Hinawakan ko si Dino at maglalakad na paalis dito. Hindi ko kayang matagalan ang presensiya ni Kalil. Ang katawan ni Bobby.. ang katawan ni Nery.. ang katawan ng mga kaibigan namin na namatay.. Hindi man lang sila nabigyan ng magandang huling alaala. At hindi rin sila nabigyan ng magandang burol..kahit iyon lang.

Tumigil kami sa harapan ni Kalil. "Karma is everywhere.." sabi ko. Ngumiti siya.

"I know.. Are we going to see each other again? After this.."

Ngumiti ako ng mapait. Sana. Pero parang hindi ko yata siya kayang makita pa pagtapos nito. Lalagpasan ko na sana siya pero biglang may lumipad na itak. Muntik na ako don! Nilingon ko si Kalil para makita kung ayos lang siya.. pero..

Nakatingin siya sa akin.. habang may nakasaksak na itak sa leeg niya.

Naglalabasan ang dugo niya na tila gripo iyon. Shit.

"Karma is faster than I thought." wika ni Dino. Puro dugo na ang mukha at damit namin dahil sa dugo ni Kalil na tumatalsik.

Dahil nakasandal si Kalil sa isang puno ay nakatayo pa rin siya. Tumusok ang kaunting tulis ng itak sa kahoy kayat para siyang nakasabit doon. Hindi ko alam ang magiging emosyon ko doon.

Winner
Alyana Cruz
Yuan Santos
Kalil Rectsa - dead
Vincent Fredo

Loser
Rein Asoeta - liar
Peppaline Valdez
Neil Javier - dare
Dinola Hermies
Leriah Cervantes
Bobby Fernandez - dead

"Vincent.." wika ni Dino. Nakatingin siya sa likuran namin. May bulto ng isang lalake doon. Naglalakad iyon palapit sa amin.

"I won.." wika niyon. Nang nakalapit na iyon sa amin ay saka lang nakita ang mukha niya. Ibang iba ang itsura niya kaysa sa dating siya. May mga talsik ng dugo sa mukha niya. Ang kanyang damit ay sira sira. May nakatapal sa braso niya. "I am finally out of this game!"

Tumingin siya sa amin habang nakangiti. "I survive.."

Wala akong emosyon na tumingin sa kanya. Hinila ko na si Dino paalis doon. Hahanapin namin si Yuan at Peppa. Baka may nangyari sa kanila na masama..

"Don't follow us!" sigaw ni Dino kay Vincent. Hindi siya pinansin ni Vincent at patuloy pa rin ito sa pagsunod sa amin. Tumigil si Dino sa paglalakad, dahilan kung bakit din ako napatigil.

"What?" usal ni Vincent. "I won't do anything to you two! Panalo na ako, okay?"

Bumuntong hininga si Dino at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now