Kabanata 16

583 63 6
                                    

"10 minutes and 27 seconds.."

Biglang tumayo si Kalil, tumingin kami sa kanya, nagtataka. Lumapit siya sa may dulo kung saan ang tuktok ng falls. Buti na lang ay hindi masyadong malakas ang agos ng tubig kaya hindi kami nadadala.

Nilagay niya ang dalawang kamay sa gilid ng bibig niya at sumigaw. "AHH!!"

Nakailang sigaw siya doon at nang makuntento ay bumalik na sa lapit namin. "Masayang sumigaw kapag may problema.. parang nadadala iyong problema mo sa sigaw mo.. nakakagaan ng pakiramdam."

"That's true.. I.. ganyan din ako kapag may p-problema.." nakayukong wika ni Rein.

Sa aming lahat siya ang pinaka mahiyain. Dati noong nasa school pa kami bihira ko lang siya makausap. Ang alam ko wala siyang ka-close sa section namin. Hindi naman sa hindi kami nakikipag-usap sa kaniya. Naka-ilang beses na namin siyang tinangka na makipag kaibigan pero tipid lang lagi ang sagot niya.

"Sumisigaw ka?" tanong ni Peppa dito. Tumango si Rein kaya nanglaki ang mata ni Peppa. "Legit ba? Kasi ni minsan hindi kita nakitang nagtaas ng boses sa school tapos sigaw pa?"

Nahihiyang tumango si Rein. Tinakpan ko na lang ang bibig ni Peppa nang mag tatanong na naman ito. Mag kabaligtad na mag kabaligtad si Peppa at Rein. Si Peppa ay napakadaldal.

"Sa school lang naman ako tahimik.. hindi kasi ako sanay makipag usap sa ibang tao.. feeling ko kasi huhusgahan ako lagi.." napatungo siya.

Nagulat siya ng bigla siyang akbayan ni Bobby. Namula ang pisngi niya dahil doon. Ginulo ni Bobby ang buhok ni Rein at tumawa.

"This is the first time I heard her talked this much!" natatawa niyang sambit. Lalong namula ang mukha ni Rein at nanigas na siya doon. Hindi na siya nakabago sa kinauupuan niya.

"Wala na ba talagang paraan? Mamamatay na lang tayo dito?" tanong ni Yana.

"Ano pa nga ba? Ubos na ang pintura at may part pa na hindi nalagyan.." sagot ni Jamilla.

"I think may paraan pa.." napatingin kaming lahat kay Dino nang magsalita ito.

"What do you mean?" tanong ko. Tinuro niya iyong screen sa harap na may picture ng walang buhay na katawan ni Nery.

"Diba may nakaukit sa katawan niya na hint? Baka.. nadoon ang sagot to end this game."

"Don't get our hopes up.. " usal ni Jamilla.

Tumayo si Vincent at lumapit doon sa screen. Tinitigan niya iyon ng mabuti.

Kahit may paraan pa para makaligtas kami at matapos ang laro na ito ay paano pa namin iyon magagawa? Oras na ang kalaban namin ngayon hindi ang pintura, hindi ang falls, at hindi ang sarili namin.

"Do you guys think it's referring to blood..?" mahinahong tanong ni Dino. Nanlaki ang mata ko. That's right.. nakaukit ang salitang hint sa katawan ni Nery na puro dugo.. dugo pula.. bloody.. Fuck this shit. Kaya ba may armas sa baba?

"I.. think you're right. And it was written to Nerys dead body.. which means that's the hint. We need dead body to win this game, because of blood.." Vincent said.

"That's why it's called bloody falls.." sambit ko.

Naramdaman ko agad ang hawak ni Peppa sa kamay ko.

"7 minutes and 60 seconds."

Nagkatinginan kaming lahat dahil doon. Walang gumagalaw. Anong gagawin namin? We need blood..

Tumawa si Bobby kaya lumipat ang tingin namin sa kaniya. May kinuha siya sa tagiliran niya at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung ano iyon. Humigpit ang hawak ni Peppa sa kamay ko. May hawak na kutsilyo si Bobby.. bakit siya meron non?

"Bob.." patanong na banggit ni Peppa.

"What?" tanong ni Bobby nang makita na lumalayo kami sa kaniya. "Hey guys.. I'm not gonna do anything wrong.." natatawa na banggit niya.

Nagulat ako nang bigla niyang hiniwa ang kamay niya, lumakad siya palapit sa falls, sa part na wala pang pintura. Pinatulo niya ang dugo galing sa kamay papunta sa tubig na umaagos. Humarap siya sa amin.

"See? Guys.. if we do this, we can win!"

Napalunok ako nang lumapit sa kaniya si Yuan at kinuha ang kutsilyo mula sa kamay ni Bobby at ginawa niya ang ginawa ni Bobby. Kumalat ang dugo nila sa tubig na umaagos pababa.

"I think it's working.." bulong ni Vincent. "Kung lahat tayo ay gagaya sa kanila ay malalagyan natin lahat ng part ng falls na wala pang kulay.."

Dahil doon ay napagpasyahan namin na isa-isa kaming maghihiwa sa kamay. Pero hindi pa kami natatapos ay matatapos na ang oras.

"3 minutes.."

"Damn it! Hurry up!"

Si Bobby, Yuan, Vincent, Kalil, Neil, Yana, at Rein pa lang ang nakakapaglagay ng dugo sa falls. Kaunti na lang ang part ng falls na walang kulay! At kung makapaglagay kami ay matatapos namin ito! Nang ako na ang maghihiwa ay hindi ko na pinansin kung masakit ba at tuloy tuloy akong naghiwa sa kamay at ipinaagos ang dugo sa tubig. Natapos na rin si Dino. Tanging si Peppa at Jamilla na lang ang maglalagay doon.

"60 seconds.."

Aligagang inabot ni Dino ang kutsilyo kay Peppa at dahil sa sobrang kaba ay nalaglag ang kutsilyo sa sapa. Mabuti na lang at malinaw ang tubig na nakita rin iyon. Hiniwa niya ang kamay niya at pinaagos ang dugo sa tubig. Kaunti na lang! Kapag naglagay si Jamilla doon ay matatapos na ito.

Inabot ni Peppa kay Jamilla ang kutsilyo. Nanginginig ang kamay ni Jamilla na kinuha iyon.

"10..9.."

Halos manginig kaming lahat dahil kakaunti na lang ang oras. Napatitig ako kay Jamilla nang hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ginagawa. Nanginginig ang kamay niya at nakatitig lamang sa kutsilyo. Anong nangyayari sa kanya!?

"I.. want to die.." sambit niya habang lumuluha. "Please die with me.. guys.."

"5.."

Dahil doon ay napakaraming mura ang natanggap niya mula kay Neil. "Kung gusto mo mamatay ikaw na lang!" Tumakbo si Neil palapit kay Jamilla na tila hinahabol ang oras, inagaw niya ang kutsilyo kay Jamilla at pinagsasaksak ito. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil doon. Tumakbo si Yana palapit sa kanila para agawin ang kutsilyo at pigilan si Neil. Nagkalat na ang dugo ni Jamilla sa buong falls...

"Game clear! Congratulations 10 players!"

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now