Kabanata 15

599 54 0
                                    

"35 minutes and 30 seconds.."

"What!?" sigaw ni Jamilla nang makalapit kami doon.

"Diba kanina sakto lang naman ang pintura? Sabay sabay pa tayong nagbuhos! Kalkulado na natin lahat! Mananalo na tayo, matatapos na natin itong laro!" sigaw din ni Kalil, halatang galit na ito.

Lumapit kami kay Yuan na nakatayo na lamang sa isang sulok at malalim ang iniisip. Kinalabit ko ito at tinanong.

"What happened?"

Bumuntong hininga siya at hinilot ang kaniyang sentido. Naramdaman kong sumunod sa akin si Peppa at Dino. Hindi sila naguusap at naghihintay lang nang sasabihin ni Yuan.

"Nung umalis kayo kanina.. tuwang tuwa na kami dahil mananalo na tayo and when were about to put that freaking paint on the falls.. kulang na.." tumigil muna siya sa pagsasalita at bumuntong hininga na naman. "Iisa na lang iyon nang puntahan namin.."

"Paanong nangyari iyon? E diba sakto lang naman iyon kanina?" tanong ni Peppa.

"Tingin nyo may nag nakaw?"

Napatingin kami kay Bobby na kakadating lang. Basa pa ang pang ibaba niya dahil galing siya sa may bandang sapa.

"Saan ka galing?" tanong ni Dino.

Bahagya siyang natigilan sa tanong. "Ah.. kina Vincent kasi parang may napapansin daw siya baka raw may nag nakaw.. nung pintura."

Tumango-tango si Dino. May nag nakaw? Pero sino naman iyon? Matapos naming magbuhos kanina ng pintura ay mga lalake nalang ang naiwan doon dahil sabi nila tatlo nalang naman daw ang pintura doon at kaya na nila iyon. Ibig sabihin isa sa mga lalake ang nagnakaw niyon? Pero bakit?

Lumapit kami kay Vincent na malalim ang iniisip, nakatulala lamang siya at parang natauhan lang nang makita kami sa harapan. Lumapit na rin sina Jamilla sa amin. Kumpleto na kaming lahat. Doon kami umupo sa wala masyadong tubig, mabato doon.

Tumikhim si Neil para basagin ang katahimikan. "What now?"

"Baka naman mapagkasya natin iyong isang pintura.. para matapos na natin ito." wika ni Yana. Sumangayon sa kaniya si Rein.

Biglang tumawa si Kalil ng mahina. "Tingin nyo ba kakasya ang isang pintura doon? Masyadong malawak ang falls na ito at alam kong alam nyo na tatlo pang pintura ang kailangan natin." sabi niya.

"He's right.." sambit ni Vincent. Pabalik balil lang ang tingin ko sa kanila. "Kalkulado na natin iyon diba? Hindi natin matatapos itong laro kung iisa na lang ang pintura. Sabihin nating ilagay natin iyang pintura sa mga parte na hindi pa nalalagyan ay kulang pa rin. Hindi naman tayo pwedeng magmakaawa sa kanila na pwede na 'yon."

"Eh bakit ba kasi nagkulang? Kumpleto naman iyon kanina diba?!" napapalakas na ang boses ni Jamilla. Hindi ko rin siya masisisi dahil buntis siya, emosyonal.

"Yeah.. iyon din ang pinagtataka ko.. we even counted it before we start. 25 paints, the first time we used it, 1 for each means 11 paints, then second 1 for each again means 11 paints. In equal we used 22 paints, dapat meron pa tayong 3 paints." mahabang sambit ni Yuan.

"Which means may isa talaga sa ating traydor? Or baka mastermind?" natatawang tanong ni Neil. Dahil doon ay napatingin sila kay Peppa at sa akin. Huh? Akala ko.. okay na..

Naramdaman ko ang paghawak ni Peppa sa kamay ko at bumulong siya sa akin. "It's okay.. we did not do anything wrong.." she said. Tumango ako.

"Kung may nagnakaw man ng pintura ay dapat lalake iyon.." sambit ni Dino.

"What?" naka-kunot noong tanong ni Neil.

"Nung pina-alis nyo kami kanina ay tatlo pa ang pintura doon.. sabi niyo kayo ng mga lalake ang gagawa dahil tatlo nalang naman iyon.." bumuntong hininga si Dino at muling nagsalita. "Which means you boys are the only one left with the paints.."

"22 minutes and 60 seconds.."

"Fuck." bulong ni Bobby. Bigla siyang tumayo kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. "Uupo na lang ba tayo?"

Napatungo sila dahil sa sinabi niya.

"Then what are we going to do? Mamamatay din naman tayo kahit anong gawin natin.. damn it." sambit ni Neil.

"Kung ikaw gusto mong mamatay huwag mo kaming idamay!" sigaw ni Bobby dito. "Ano?" Tumingin siya sa amin. "Maghihintay na lang ba kayong mamatay ng hindi man lang gumagawa ng paraan?"

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. "I..will help you.. let's try at least." mahinang sabi ko habang nakatingin sa kaniya. Tumango siya. Sabay kaming tumingin kila Yuan.

Yuan smiled. Tumango naman si Dino, si Peppa ay ngiting-ngiting nag thumbs up. Napatingin kami kina Jamilla, Yana, Rein, Vincent, at Kalil nang sabay sabay silang lumapit sa amin. Napangiti ako dahil doon. Ang natitira na lang ay si Neil na nagiiwas ng tingin. Inakbayan siya ni Kalil kaya wala siyang nagawa kung di sumama sa amin.

In the end were all still friends.. maraming nangyari, lungkot, panghihinayang, at dumating sa punto na gusto mo na lang mamatay. Pero walang may kasalanan sa aming lahat, walang may gusto ng lahat nang nangyayari sa amin. Lahat kami ay biktima.

Binuhat ni Bobby ang natitirang pintura kumuha siya ng kaunti at binuhos sa may parteng wala pang kulay, kinalat niya iyon doon. Tumulong kaming lahat at naglagay din sa mga parte na wala pang pintura. Nang maubos ang pintura ay tinignan namin ang kinalabasan. Kung titignan mo ay kulay pula na talaga ang lahat ng falls, at kung sino man ang makakakita ay aakalain na dugo iyon.. bloody falls.

Pero kung tititigan ng maigi ay mayroon pang part na walang kulay. Napaupo kami sa may sapa. Ang iba ay humiga pa hindi pinapansin na may tubig.

Natatawang umiling si Vincent. "At least we try our best to get here, right?" Kahit tumatawa siya ay kita mo pa rin ang lungkot sa mga mata niya. "Tang ina, sayang ang pagiging dean lister ko.. nag aral lang pala ako para mamatay sa larong 'to."

Sinuntok siya ni Yuan ng pabiro. "Pre, hanga ako sayo at least mamamatay kang dean lister!"

Tumitig si Vincent kay Yuan. "Pre.." sambit niya. Natatawa ako sa kanila!

"Pre.." sabi naman ni Yuan.

Natatawang binasa ni Vincent si Yuan sa mukha. "Kadiri ka bobo."

"10 minutes and 27 seconds.."

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now