Kabanata 8

774 64 3
                                    

"Wala namang lumabas na kung ano!" reklamo ni Jamilla.

"Tulog muna ako.." wika ni Dino at pumasok na sa kwarto. Humikab ako, inaantok na rin ako. Napag-pasyahan namin na matulog na lang. Talagang pinag-papasalamat ko at wala akong napaginipang masama! Nagising kami ay dahil sa sigaw ni Dino.

"Guys!"

Napatakbo kaming lahat palabas. Nanlaki ang mata ko sa nakita, may ginto sa gitna.. marami. Lumapit ako doon at hinawakan iyon. Totoo ba 'to? Baka peke..

"It's real gold!" sigaw ni Vincent. Shit.

"Ito ba ang prize natin? Ang dami nito!" sigaw ni Lance, nagnining-ning ang mata niya. Humarap siya kay Kalil. "Hindi nasayang ang pag-patay mo kay Paolo! Worth it!"

Nandidiri ako sa lumalabas sa bibig niya. Do killing is something to be proud of? How could they.. Lumapit ako kay Bobby na naka-upo sa kusina, nag-kakape.

"Coffee?" alok niya sa akin. Umiling ako. Hindi ako masyadong mahilig sa kape. Napansin ko parang wala siyang pake doon sa ginto sa gitna. Maya-maya ay lumapit na sa amin sina Dino, kasama niya si Vincent, Nery, Yuan, at Peppa.

"That gold.. hindi niyon matutumbasan ang buhay ni Dani." sabi ni Vincent. Nalungkot ako nang maalala si Daniella. This two could be a perfect couple.. but they're an example of right person, wrong time.

"Tingin n'yo may susunod pa na game?" tanong ni Nery.

"Baka wala na.. may prize na diba?" sagot ni Dino. Tumango ako doon. Sana nga wala na.

"Thirteen na lang tayo." wika ni Yuan.

"Yeah. At natatakot na ako sa iba nating kaklase.. hindi ko sinabing si Kalil 'yon ah, pero parang ganun na nga.." sabi ni Peppa. Kalil is really creepy now.

Before this game start, when we're just a normal college student, we're all friends.. and I didn't know we will kill each other in order to survive.

"I never thought we can kill each other." I said. Bumuntong hininga si Yuan.

"Expect the unexpected." he said. Ako naman ang bumuntong hininga dahil doon. Kumain na muna kami pagkatapos niyon. Ang daming pagkain sa refrigerator! As in! Iba't-ibang pagkain ang nadoon. May desserts pa! Tapos beer! Pero kahit gaano kaganda rito may kulang. Bintana! Wala ring orasan..

Anong oras na kaya? Umaga ba o gabi? Napakarami naming kinain kasi sabi ni Dino baka raw last na kain na namin 'yon, dahil sa takot na mamatay ay talagang lahat ng pagkain ay naubos namin. Ngayon ay narito kami sa pinakang bukana ng silid kung saan naroon ang mga ginto, pabilog kaming umupo, kumuha na rin ng beer tig-iisa.

"Sana matapos na ang lahat ng ito.." Dino said. Lumagok ako sa beer na hawak. Tinuro ni Lance iyong mga ginto.

"Tingin n'yo atin na 'yan?" he asked. I rolled my eyes. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya! Matapos niya at ni Kalil patayin si Paolo!

"Maybe?" wika ni Jamilla. "Maybe not." dugtong niya.

Biglang tumayo si Bobby at itinaas ang beer niya. "Let's get drunk! Forget everything that happened!" he screamed. I smiled, thats right!

Tumayo rin ako at itinaas ang beer na hawak. "Let's party!" sigaw ko, maya maya ay nag-sitayuan na rin silang lahat. Nagpakasaya kami. Nag-pakalasing.

"Alam ko.. nandidiri na kayo sa akin ngayon." sambit ni Kalil. Nakahiga na kaming lahat ngayon sa lapag. "Pero.. nagawa ko lang naman 'yon dahil gustong gusto ko mabuhay. May kapatid ako, nasa hospital siya.. ako lang ang nag-babantay sa kaniya.. paano na kung mamatay ako?"

Gusto kong maiyak sa sinabi niya.. lahat kami may purpose mabuhay. Lahat kami? May purpose ba ako mabuhay? Wala na akong pamilya..

"Gusto kong sabihin na 'okay lang, naiintindihan ka namin' pero.. naisip mo ba na may purpose ring mabuhay si Paolo?" tanong ni Jamilla. Nagulat ako nang marinig siyang umiyak. "Alam mo bang gustong gusto na kitang patayin? Si Paolo.. boyfriend ko siya... pinangako niya sa akin na mabubuhay siya para sa akin, para sa amin ng magiging anak namin.. pero pinatay mo siya."

Napatayo si Peppa dahil sa narinig. "Buntis ka!?" tanong niya. Pero mas lumakas lang ang pag-iyak ni Jamilla dahil doon.

"Nakakaawa ako no?" tanong ni Jamilla. "Baka sa susunod na game mamatay na ako.. pati ang baby ko."

Tumayo na rin ako sa pag-kakaupo at lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa akin.

"No.. we will protect you!" Humarap ako kila Yuan. "Right, guys?" wika ko. Pero lahat sila ay umiwas ng tingin. Why..?

Biglang tumawa si Jamilla. "Still acting kind, Leriah? Hindi mo ba ma-realize na sa ganitong sitwasyon walang tutulong sayo? Kahit kaibigan mo pa!"

Nakita kong tumungo si Yana dahil doon. Bumalik na ako sa hinihigaan ko kanina, kalapit nina Dino. Sacrificing.. kung may mangyayaring masama kay Dino, I know myself I'll definitely sacrifice for her.. but will she do the same? Can she sacrifice for me? I shooked my head. What am I thinking?

"Leri.." Dino opened widely her arms. I sat beside her and hugged her tight.

"I love you bff." she said. I laughed. She's the sweetest!

"Hindi ka nahihiyang mag- I love you?" tanong ko. She cupped my face, and shooked her head.

"Anong nakakahiya don?" she asked. "If you love a person, express it! Well uh... before it's too late?"

I hugged her tight again. Sinubsob ko ang ulo ko sa leeg niya. "I love you bff!" sigaw ko. Bahagya siyang natigilan pero maya-maya ay naramdaman kong hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"Ang corny n'yo naman!" Peppa said while laughing. Lumapit siya sa amin at sumama sa yakap. "Love you pretty ladies!"

"Hoy ano yan?! Bakit hindi kayo nang sasama?" sigaw ni Bobby at lumapit sa amin. "Kayong tatlo nagsosolo kayo!"

Biglang tumawa si Nery. "Ang bobo mo talaga Bobby!"

"Papayag ka non Bobby?" tanong ni Yuan. Natawa ako doon, eto talagang si Yuan pasimuno! Biglang sinapak ni Bobby si Nery pero pabiro.

"Sana ganito na lang ulit lagi." biglang sabi ni Yuan na nagpatahimik sa amin. Ngumiti ako sa kawalan.

"You ruined the mood Yuan!" Peppa said. Nery sat beside her. Inakbayan niya si Peppa.

"Hoy Nery! Dumidiskarte ka ha!" sigaw ni Bobby at tinanggal ang kamay ni Nery na naka-akbay kay Peppa. Siya naman ang umakbay kay Peppa. Nakakatawa sila! Ganitong ganito kami noon. Kulitan, kwentuhan, tawanan, aral.. sana nga makabalik na kami sa dati naming buhay.

DO YOU WANT TO PLAY A GAME?Where stories live. Discover now