CHAPTER 1

399 26 22
                                    

𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 | 𝟏









"ANG TAPANG-TAPANG MO SA LABAS, PERO SA BAHAY NIYO, ANO KA?!"

Nagpanting sa tenga ko ang sinabi ng babae habang pilit kong hinihila ang hibla ng mahaba niyang buhok. Mas lalo akong nanggigil sa salitang lumabas sa bibig niya kaya nagawa ko siyang ihiga sa damuhan ng field saka ko siya kinubabawan at mas lalo pang sinabunutan.

Panay na ang hiyawan ng mga estudyanteng nakatingin sa amin na tila nag-eenjoy sila sa nangyayare. Samantalang panay rin ang palitan namin ng mura ng babaeng kasabubutan ko.

Laking pasasalamat ko lang dahil hindi pa ako nagtrim ng kuko kaya agad na dumugo ang pisngi niya ng kalmutin ko iyon. Bahagya siyang tumigil ng dahil doon at sinamantala ko naman ang pagkakataon para mas lalo siyang masabunutan.

Nasa kalagitnaan kami ng pagsasabunutan ng biglang umalingawngaw ang isang maawtoridad na boses na kinatatakutan ng bawat estudyante sa buong University. Except from me, of course.

"Dean!" rinig kong sabi ng isang estudyante pero hindi parin ako tumigil at pinagsasampal ko pa ang babaeng nasa ilalim ko. Walang ni isang estudyante o professor ang may nagtangkang umawat sa amin hanggang sa magsidatingan ang sampung security personnel ng school at doon na kami sapilitang pinaghiwalay na dalawa.

Masamang tingin ang pinukol ko sa mga guards na kasalukuyang nakahawak sa braso ko at ngayo'y kinakaladkad ako papuntang Dean's Office.

"Romero! Kelan ka ba magtitino?" bungad na sigaw ng dean ng makarating kami sa office niya. I raise my brows to her. Anong karapatan niyang sigawan ako?

Sunod-sunod ang mabibigat niyang paghinga na tila kinukontrol ang sariling h'wag magalit. "I'm going to talk to your parents." paglalao'y aniya.

"Nasa States si dad." walang gana kong sagot at humalukipkip sa upuan at itinuon ang tingin sa malayo. Nakarinig ako ng tikhim mayamaya pero hindi ko iyon pinansin. Until he spoked.

"Your mom, then." Doon na ako napatingin sa kanya. What did he just said? He wants to talk to my mom? I looked at him with disbelief. Really huh?

"You wanna talk to my mom? Fine! Talk to her, then." Saka ako tumayo at pabagsak na isinara ang pinto. Narinig ko ang pasigaw na pagtawag sakin ng dean pero hindi ako tanga para bumalik pa doon.

Naglakad ako sa hallway and as always, all eyes are on me. What's new, anyway? Lagi namang ganito, pagtitinginan nila ako, pagbubulungan, paguusapan. But I don't care, mag chismisan sila hangga't gusto nila, pagtinginan nila ako hanggang sa lumuwa ang mga mata nila. I don't give a damn. Wag lang nila akong iirapan dahil higit pa dun ang igagante ko sa kanila.

"My God, alam mo ba kanina nagkagulo na naman sa field, may nagsabunutan daw."

"Talaga? Oh em, let me guess, si Kaleign Aria Romero na naman noh?"

"Whoah! Paano mo nahulaan?"

"Well, may iba pa bang badass sa University na 'to maliban sa kanya?"

"Kung sabagay, at ito pa ang sabi ikikick-out na daw siya sa school-"

"Really?" sabat ko sa usapang naabutan ko sa washroom. I saw how their eyes dilated the moment they saw my pretty face. Why so shock poor bitches?

Cinderella X - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon