CHAPTER 28

143 26 7
                                    

Dedication| This chapter is dedicated to KrishMarieGatab
Hello naccchie! Thank you so much for reading my story! Naappreciate ko yung comment mo, thankyou din for letting me know na nagbabasa ka ng story ko. I hope you keep on supporting me and my stories. God bless!



CINDERELLA X
𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 | 𝟐𝟖



KALEIGN



ISANG unggol ang kumawala sa bibig ko ng makaramdam ako ng pagpitik sa sintido.

Mas lalong sumakit ang ulo ko ng may naamoy ako sa paligid.

Mabaho...

Amoy sigarilyo at amoy

.... kalawang.


Kahit namimigat ang talukap ko ay pinilit ko parin iyong idilat. Isang yerong kisame ang sumalubong sa kumukurap kurap ko pang mga mata.

Nilibot ko nanlalabo kong paningin...

Magulo ang paligid...maraming mga kahoy, sirang gamit at nakatambak na mga pira-pirasong yero ang nagkalat.

Parang isang lumang warehouse o mas mabuting sabihing isang maruming junk shop ang kinaroroonan ko ngayon.

Mahina din akong napapaubo dahil sa alikabok.

Kahit masakit pa ang ulo ay pinilit kong bumangon dahilan para makaramdam ulit ako ng pagkirot sa sintido, balak ko sanang sapuhin ang ulo ko pero hindi ko nagawang iangat ang kamay ko. Doon ko lang napagtanto na nakagapos ang dalawa kong kamay sa likod at pati narin ang paa.

Fuck! Anong nangyare sakin? Nasaan ba ako! Bakit ako nandito?!

Pinilit kong alalahin ang mga nangyare. Basi sa natatandaan ko ay nakita ko si Vyx sa daan habang may kausap sa loob ng isang Van. Nang balak ko nang umalis ay may nakatutok nang baril sa ulo ko..... pagkatapos ay wala na akong maalala sa kasunod na mga nangyare.

Hindi pa ako nakakahupa sa gulat ng makarinig ako ng mga boses sa di kalayuan. Pinilit kong gumapang para silipin iyon at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Si Vyx!

Nakaupo ito sa isang upuan, nakagapos ang dalawa nitong kamay sa likod at may tatlong kalalakihan sa harap nito.

Walang awa nilang binubugbog at nilalatigo ang nakagapos na si Daevyx.
Wala na itong damit pan-itaas kaya naman ay kitang-kita ko ang malaking sugat nito sa katawan, gasag na ang mukha at halos maligo na rin ito sa sariling dugo.

 Wala na itong damit pan-itaas kaya naman ay kitang-kita ko ang malaking sugat nito sa katawan, gasag na ang mukha at halos maligo na rin ito sa sariling dugo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"ANO?! AKALA KO BA MATAPANG KA? LUMABAN KA!"

"PAKAWALAN NIYO KO RITO AT MAGLABAN TAYO NG PATAS! TANGINA NIYO! MGA DUWAG!!!!!"

Cinderella X - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon