CHAPTER 63

57 8 1
                                    

[ A/N: You can play the song "Princesses Don't Cry" by AVIVA while reading this para mas feels ang eksena.]

𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 63

𝓚𝓪𝓵𝓮𝓲𝓰𝓷

THE NIGHT is calm at tanging ang mga tunog lang ng kulisap sa paligid at mga kaluskos ng dahon sa puno na nililipad ng hangin ang tanging maririnig.

Insomnia strikes me again at gaya ng lagi kong ginagawa kapag hindi ako makatulog ay pumupunta ako sa balcony para magpahangin.

Prente akong dinadama ang katahimikan nang mapapiksi ako dahil sa bigla pagsumulpot ng isang bulto sa gilid ko. Sumadal siya sa railings ilang metro ang layo mula sakin.

Daevyx....

Hindi makapaniwalang nagbuga ako ng hangin habang nakatitig sa kanya. At parang biglang piniga ang puso ko ng maalala ko ang eksenang nakita ko kahapon sa gymnasium.

The sight of him... kissing that girl.

Marahas akong nag-iwas ako ng tingin at akmang aalis na 'ko nang bigla niyang hawakan ang braso ko dahilan para mapatigil ako sa paghakbang.

Kunot-noo akong napatitig sa kamay niyang nasa braso ko bago ako napatingala sa mukha niya kung saan sumalubong na naman sakin ang magaganda niyang mga mata.

"I'm sorry..." anas niya na mas lalong kumunot ang noo ko at hindi makapaniwalang tumitig sa kanya.

"What did you say?" 

Hindi ko napigilang mapamura. Damn!  Did I heard it right? Is he really saying sorry now? Sa tinagal-tagal ko rito sa masyon ay ngayon ko lang narinig kanya ang salitang yan.

Bumuga siya ng hangin at napatingala bago ulit ako nilingon."I'm sorry for what I did to you back then. I was just drunk that night and I didn't intend to do it." Pagpapatuloy niya saka binitawan ang kamay ko at muling sumandal sa railings.

Mula kinatatayuan ko ay naglakad ulit ako palapit sa railings at sumadal Doon isang metro ang layo mula sa kanya.

I get it. He's saying sorry about that night he almost raped me.

Bahagya akong tumikhim bago nagsalita. "Hindi ko masasabing pinapatawad na kita sa ginawa mo pero at least you said sorry now." aniko ng hindi lumilingon sa kanya at natoon lang ang paningin sa labas ng balcony.

Muli namang namayani ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa siya ulit ang bumasag nun.

"About Avianca... yeah she's cool." he said out of the blue.  Hindi pa ako tuluyang nakakalingon sa kanya ng magsalita siya ulit.

"I like her..." tila bombang sumabog iyon sa gilid ng ulo ko.

My mind suddenly went blank. For a couple of seconds I felt like I was being stabbed in the chest. But then a weak smile came to my lips. 

"Really? Good for you then!"  Pinilit kong pasiglahin ang boses ko pagkatapos ay mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Finally! Nakanap ka na rin ng babaeng maipapakilala mo sa lolo mo na hindi na kailangan ng pagpapanggap pa." aniko ng hindi lumilingon sa kanya pero pinilit kong ngumiti upang iwinaksi ang kakaibang kirot na bigla nalang sumibol sa dibdib ko.

Shit.

"I suddenly got sleepy, I think gotta go now." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis ko siyang tinalikuran at malalaki ang hakbang na umalis palayo sa balcony at bumalik sa kwarto ko.

Cinderella X - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon