CINDERELLA X
𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 | 𝟏𝟓
KALEIGN
"Anong kundisyon?" tanong ni Mr. Castañeda rito.
Mula sa kinaroroonan niya ay nag lakad ito papunta sa direkyon namin at ganon na lamang ang panlanlalaki ng mata ko ng hablutin niya ang kamay ko at pinaharap sa kanilang lahat.
"Ibigay niyo sakin ang babaeng 'to." pahayag niya. Sa bilis ng pangyayare at dala narin ng pagkabigla ay hindi ako nakaimik. Tila nabato ako sa kinatatayuan ko.
"Nababaliw kana ba, Vyx?" I heard Miss Victoria exclaimed sabay hablot ng kamay ko mula kay Daevyx. Tila doon lang ako natauhan. Damn, that the hell is happening?
Nakita kong ngumisi si Daevyx. Ngayon magkaharap sila ni Miss Victoria na nagsusulatan ng tingin.
"Why? Hindi ba ako pwedeng makipaglaro sa alaga mo? Gusto niyo akong bumalik sa Lockes-Heart di ba? Kaya dapat bigyan niyo ako ng libangan dun, at siya ang napili ko."
"You can toy with other people, Vyx! But not with her! Please not this girl." Ramdam ko ang galit ni Miss Victoria dahil narin sa higpit ng hawak nito sa kamay ko na hindi parin nito nagawang bitawan.
"That's exactly the reason why I want her! Kasi alam kong ikakagalit mo ng husto.... Victoria." isang malademonyong ngisi ang binigay ni Daevyx sa ina.
"So, that's my deal, now if you're not going to give me what I want, wag na rin kayong umasang babalik pa ako sa eskwelahang yun. And by the way, idespatsa mo na rin pala tong mga babaeng ni recruit mo dito. Masyado nang marumi ang palasyo para magdagdag kapa ng basura."
•••
"HOW was it? Masarap ba?" Sunod sunod na tanong ni Miss Victoria. We're having our dinner right now.
Siya ang nagluto kasi nasa dayoff ang mga cooks today. Dalawa lang kaming kumakain ngayon kasi matapos ang pangyayare sa lobby kanina ay agad ding umalis si Mr. Castañeda at hanggang ngayon ay hindi parin ito bumabalik.
"It taste good." wika ko na ikinagiti niya.
"Really? I'm so glad you like it." then she give me a hug. Hindi na ako nagulat. Medyo nasanay narin ako sa mga ganyang kilos ni Miss Victoria. Well, It's been a month. Isang buwan na akong nakatira sa mansion. Yes, isang buwan. Funny it may sound pero hindi ko inakalang nakatagal ako ng isang buwan sa bahay na to.
"You know what, I really missed this." she said as we've started eating.
"Missed what?" I asked.
"Yung ganito, yung maghahanda ako ng dinner para sa anak ko."
Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Nang lingunin ko siya ay prente parin naman siyang kumakain. Ilang minuto ko siyang tinitigan bago ako nag salita ulit..
"Your son ....ano ngaba talagang nangyare sa kanya?" I asked hesitantly.
Mula sa kanyang pinggan ay nagbaling siya ng tingin sa dereksyon ko.
"You mean...Bakit siya nagkaganon? It was a long story, Kali." I suddenly saw glint of sadness in her eyes.
"Eversince he started his rebellion ay hindi na rin siya sumasabay kumain samin." hindi ako nagsalita at nanatili lang na nakinig sa kanya.
"Hindi siya naglalagi dito. Madaling araw yun umaalis ng mansyon at hating gabi umuuwi, minsan nga hindi." I could sense glint of bitterness in her voice. Bigla tuloy akong naguilty. It's true. Sa loob ng isang buwan ko ngang pamamalagi sa mansion ay mabibilang ko lang sa daliri na nakita ko siya. It was just that night na naligaw ako sa kwarto niya na muntik niya na akong patayin, the incident in the library, that day when he confronted me at tinawag akong basura at pinaka huli yung kanina. Four times. That's it.
YOU ARE READING
Cinderella X - (Completed)
Teen FictionKaleign Aria Romero, a hater of fairytales and an avid basher of disney princesses, most especially that one with blonde hair and blue gown. She used to live in fairytales when she was younger but she was slapped by reality when she turned eighteen...