PROLOGUE

2.4K 95 10
                                    

Sa isang bayan ng Villa Esmeralda naninirahan ang isang dating batang manunulat na nagngangalang "Ishiro Jaydee Garcia " na mas kilala ng lahat na Master J.

Nagsimula siyang bansagang Master J dahil sa angking galing niya sa pagsusulat ng mga tula , nobela at mga kwento na hindi mo aakalaing magagawa ng isang pitong taong gulang na bata lamang.

Natigil siya sa pagsusulat noong namatay ang kanyang ama at ina sa hindi malamang dahilan na hanggang ngayon ay inaalam niya pa din.

Isang araw ay napadpad siya sa palengke upang maghanap ng bago niyang maipapananim sa kanyang hardin ay matatagpuan niya ang isang babaeng magiging dahilan upang mamulat siya sa reyalidad at mahanap ang mga kasagutan sa tanong niya.

Maria Amanda Isidto , isang pangalan ng binibining muling nagpatibok ng puso ni Master J na akala niya ay mananatiling na kay Therese Pinlac na matagal niya nang hinahangaan , Isang anak ng respetadong Mayor sa kanilang bayan na si Mayor Gustavo Pinlac.

Sa isang relasyon na tutol ang lahat lalo na at hindi angkop sa mga pananaw ng mga mata ng tao ang relasyon na meron sila Ishiro At Amanda. Mapa langit at isang nasa lupa.

Darating ang isang hamon na maaaring maging malaking hadlang sa pagmamahalan nilang dalawa , The Cursed of Sta. Rita na tungkol sa libro ng yumaong kalolo lolohan ni Ishiro.

Mahirap paniwalaan ngunit mayroong nakapaloob sa libro na maaaring maganap sa hinaharap , masalimoot na pangyayari ay hindi maiiwasan at ang pagtagas ng dugo ay dadanak sa lupa kung saan itinakda ang tamang panahon ng pag alay.

Makakaya kayang baguhin ni Master J ang sumpa na ibinigay sa apat na henerasyon ng mga Garcia? Na sanhi upang mamatay lahat ng mga minamahal ng mga unang anak, unang apo , unang apo sa tuhod at unang apo sa talampakan na naaayon sa libro?

May iilang personalidad din ang magiging balakid para maisakatuparan ang naging kasumpaan ni Helena , Sino-sino sila? Sa patuloy na pagbasa ng bawat kabanata ay unti unti niyo silang makikilala o mahuhulaan.

Panghuli ay makakaya kayang lagpasan ng pagmamahalan nila Amanda at Ishiro ang magiging malaking hamon sa hinaharap? Maililigtas kaya nito si Amanda sa paparating na kapahamakan? O mapipigilan niya kaya ang pagdanak ng dugo sa kanilang bayan at pamilya?  Ating alamin sa mga susunod na kabanata.......

Genre of the Story: Romance , Thriller , Horror , Fiction, Mystery , Tragedy.

A/N: More typos and errors on the upcoming chapters.

DOP: 12/07/21

MY DEAR AMANDA S1Where stories live. Discover now