MDA-XXXIX (The Book of Tommy)

225 46 9
                                    

Jaydee's Pov

Nagising ako nang biglaang may magpakita na namang babae na nakasuot ng makalumang damit at pugot ang ulo sa aking panaginip.
N

apabangon ako ng mabilis at habang nagkukusot kusot ako ay napatingin ako sa aking paligid , hindi ako maaaring magkamali sapagkat narito ako ngayon sa Villa Aguinaldo which is sa kwarto ng aking ama dati.


Nang makatayo ako ay napahawak ako sa aking ulo saka hinanap ang aking cellphone upang icheck kung may tawag or message ba akong natanggap galing kay amanda. Sobrang sakit ng ulo ko na tila bay parang mabibiyak na sa sobrang sakit nito , nakakita naman ako ng tubig sa may baso at ininom ko na iyun dahil feeling ko sobra akong dehydrated sa hindi malamang dahilan.


Panay lang ako ikot sa loob ng kwarto na ito sapagkat hindi ko talaga mahanap yung cellphone ko , sinubukan ko naman tignan sa may kama ngunit wala din pati sa mga bag na nandirito.

"Ackk! Nasaan na ba iyun?" Naiinis na sabi ko sapagkat kanina pa ako naglilibot ng tingin dito sa kwarto na ito.

Isang aklat naman ang pumukaw ng aking atensyon na nasa may dulo at tagong lugar , nakapaloob iyun sa baul na hindi nasirado kung kaya'y unti unti akong nagpunta doon sa sobrang kuryusidad ko. Naupo na ako upang mapantayan ko iyun saka hindi ako mangawit kakaupo , pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang libro na sobrang lumang luma na.


Ang pangalan ng libro ay The Cursed of Helena Sta. Rita na isinulat ni Lolo Tommy na ama ni Lolo Thomas.
N

apaisip naman ako sapagkat ni minsan ay hindi ito nabanggit sa akin ng aking ama? Isa din palang manunulat ang ama ni Lolo Thomas kung kaya'y may pinagmanahan din ang aking natatanging talino sa pagsusulat ng libro. Akmang bubuksan ko na yung libro upang basahin nang biglang may yapak akong narinig na patungo sa aking silid , dali dali ko nang itinago ang libro na iyun sa aking likuran.


At tsaka nanumbalik sa aking higaan , nabigla naman ako nung may makita akong orasan dito sa may tabi ko at nakalagay doon ay alas onse na ng umaga at tsaka January 17 na ngayon which is mahigit tatlong linggo na ang nakakalipas sa huling natatandaan ko.

December 31 ang kaarawan ni therese at January 1 ay naroon kami sa Villa Crisostomo tatlo ni amanda at gabb.
N

apabalik naman ako sa wisyo nang biglaang bumukas yung pintuan at iniluwa ang pinsan kong si Nami na may dala dalang tray ng pagkain at gulat na gulat nung makita akong gising na.


"Ackk! Sa wakas ay nagising kana jaydee! Kamusta ang iyong pakiramdam?" Tanong niya sa akin at akmang aalis na muli upang magtawag siguro kila Lolo thomas nang senyasan ko siya.

"Anong araw na ngayon Nami? At nasaan ang aking cellphone?" Tanong ko sa kanya na ikinapagtaka niya din siguro.

"January 17 na ngayong araw jaydee? At tatlong linggo kang tulog sa hindi malamang dahilan , ang sabi ng doctor ay na over fatigue ka daw kung kaya'y bumagsak ang iyong katawan" pagpapaliwanag niya sa akin nanlaki naman ang aking mata dahil sa sinabi niya napatayo akong muli at kinuha ang aking bag.

MY DEAR AMANDA S1Where stories live. Discover now