MDA-XXXVIII (Battle of the smartest)

294 48 6
                                    

Author's Pov

Kasalukuyang nakahiga pa din si jaydee sa kama at ilang araw na siyang hindi nagigising simula nung may mangyaring kababalaghan sa Villa Crisostomo. Si Thomas naman ang nakabantay sa kanya at todo panalangin na sana ay magising na ang kanyang apo , sa Villa Aguinaldo niya napiling ipamalagi na muna si jaydee nang sa ganun ay maalagaan at mabantayan niya ito.


"Tay Thomas? Kamusta ang kanyang pakiramdam? Bumaba na ba ang kanyang lagnat." Tanong naman nang bagong dating na si Pablo na may hawak hawak ngayon na bulaklak at tsaka isang basket na may lamang mga prutas.

"Okay na ang pakiramdam niya ngunit hindi pa din siya nagigising. Siguro ay nagpakita ang kaluluwa ni Helena sa kanya doon sa Villa Crisostomo kung kaya'y nangyari ito sa kanya" nag aalalang turan ng matanda saka hinawakan ang mga kamay ng binata.

"Hindi pa ba ngayon ang tamang panahon tay para sabihin sa kanya ang lahat? Labing siyam na anyos na siya at sa tingin ko ay makakaya niya na na malaman ang katotohanan at ang nangyayari sa ating angkan" mahabang wika naman ni pablo sa kanyang ama saka inilapag ang mga dala niya sa may lamesa na malapit sa may kama nito.

"Ipinangako ko sa kanyang ama at ina na hindi ko hahayaang mapahamak siya kung kaya'y nais ko munang itago ito sa kanya hanggang sa makahanap na ako ng tamang tyempo kung paano maitatanggal ang sumpa" naluluhang sabi niya at bakas na bakas sa kanya na hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari ngayon sa kanila.

"Hindi sana mangyayari lahat ng ito kung hindi dahil kay Lolo Tonyo! Napakawalang---" galit na saad nito ,  natigilan naman siya sa pagsasalita nang putulin ng kanyang ama ang kanyang sinasabi.

"Pablo? Wala na tayong magagawa pa sapagkat naganap na ang lahat , kailangan na lamang natin hanapin ang karatig pamilya ni Helena nang sa ganun ay makahingi tayo ng tawad sa ginawa ng ating angkan noon" tumingin siya sa kanyang anak at hinawakan ang mga kamay nito upang kumalma nang kaunti.

"Matagal na natin silang hinahanap tay? Nawala na si Nanay Leonida at pati si Kuya Tan at Ate feliz? Sa tingin ko ay hindi sila titigil hanggang sa maubos na ang ating angkan!" Turan niyang muli sa kanyang ama , napatayo naman si Thomas saka hinawakan na sa may balikat si Pablo.

"Pablo? Asahan mo na hindi na ito mangyayari kay Jaydee. Hindi ko na hahayaan na may mawala pa sa atin! Lahat ay gagawin ko para maprotektahan si jaydee , susuyurin ko ang buong lugar sa pilipinas hanggang sa mahanap ko ang angkan ng mga Sta. Rita!" Seryosong sabi nito , napatango nalang naman si Pablo dahil sa sinabi ng kanyang ama saka tinignan ang mahimbing na natutulog niyang pamangkin.

"Sana nga ama? Sapagkat kung magkataon na si jaydee naman ang mawala ay masasayang lamang ang naging sakripisyo na ginawa ng kanyang ama at ina" tugon nito at tsaka napabuntong hininga na lamang siya.

Amanda's Pov

Ilang araw nang hindi pumapasok si Jaydee simula nung nawalan siya ng malay sa Villa Crisostomo , ni wala din akong reply na nakuha sa kanya kahit na araw araw akong nagtitext sa kanya. Sobra na akong nag aalala sa kanya baka kasi may nangyari nang hindi maganda , nais ko man tanungin si Gabrielle upang alamin ang kanyang kondisyon ngunit hindi ko din siya mahagilap.


Ngayong araw na din ang kaganapan sa Pangkahalatang Quiz Bee at tanging nag rereview lang akong muli para matandaan ko yung ibang mga maaaring gawing pagsusulit. Kaso lang ay hindi naman ako makapag focus sapagkat inaalala ko si jaydee , ackkk! Nakakabagot na , gusto ko siyang puntahan sa kanyang tahanan ngayon upang alamin kung okay lang ba siya ngunit hindi ko naman alam kung saan yung tahanan niya.

MY DEAR AMANDA S1Where stories live. Discover now