MDA- ll (Writer J)

796 65 6
                                    

Ishiro's Pov

Kasalukuyang nakaupo lang ako sa may desk ko at hawak hawak ang aking diary habang nakatingin sa litrato ng aking ina at ama na namayapa na. Ang diary ko ang nagsilbing kasangga ko sa buhay , kasi sa pasimpleng pagsulat ko lamang ng mga nagaganap sa buhay ko ay tilay nabibigyan ako ng motibasyon para magpatuloy sa buhay.


Napabuntong hininga na lamang ako at kinuha ang aking ballpen sa may pencil box ko at tsaka inayos ang aking pagkakakaupo sabay tumingin sa may labas ng bintana , magsisimula na muli akong magsulat ng tula upang mawala ang lungkot na aking nadarama sa tuwing naaalala ko ang aking mga magulang na pumanaw na.

Sa Inyong Paglisan ako'y naiwan ,
Hindi ko inasahan na aking matututuhan ,
Lahat ng pangangaral niyo sa akin ay hindi na ako magbubulagbulagan.

Mahal kong ina at ama
Pangako ko sa inyong dalawa
Salarin sa inyong pagkamatay
Aking parurusahan.

Naputol naman ang pagsusulat ko nang biglaang may narinig akong katok na nanggagaling sa may pintuan ng aking kwarto.

Naiinis man ngunit tumayo na ako at tsaka pinagbuksan ang pintuang iyon , bumungad naman sa akin ang isang babaeng hindi ko akalaing makikita ko dito ngayon sa aking pamamahay.

Bihira siyang mapadpad dito nang hindi nagpapasabi sa akin sapagkat alam ko naman na marami siyang ginagawa at lalo na sa pag eenroll muli para sa ikalawang taon niya ng kolehiyo sa Philippine Normal University.

"Therese? Anong dahilan kung bakit ka napadpad dito ngayon? Hindi ka man lang nagpasabi sa akin na darating ka. Ano ang iyong sadya binibini?" Tanong ko sa kanya saka napatingin sa hawak niyang papel at may dala din siyang pagkain dahil naaamoy ko iyun.

"Nabalitaan ko na gusto mo na namang magpaliban at huwag na mag aral ngayong taon Ishiro? Kung kaya'y naparito ako upang ibigay sa iyo itong slip para sa kwalipikasyon bilang estudyante ng Philippine Normal University! Magandang opportunidad ito upang makapagsimula ka ng panibagong buhay Ishiro" ibinigay niya sa akin yung papel na tinutukoy niya at binasa ko naman iyun.

Isa itong slip para sa kwalipikasyon at iskolarship which is hindi ko naman na kailangan dahil may pera naman ako upang makapag aral ako.

Successful pa din naman ang mga business na naiwan sa akin nila ina at ama na aking pinagpapatuloy at pinag iingatan hanggang sa ngayon.

"Maganda man ang inaalok mong pribilihiyo ngunit aking tatanggihan iyan therese , batid kong sa tulong ng iyong ama na mayor ng bayang ito ay makakapag aral akong muli at mawawala yung mga hindi magandang record ko sa dating school ay hindi ko nais na mangyari iyun." abala kasi ako sa pagmamanage ng aming business at dahil doon wala na talaga akong oras pa para mag aral kung kaya't hindi na ako nag nananais pang mag enroll sa kahit anong unibersidad.

"Ishiro naman? Alam kong dismayado ka pero sa tingin ko ito na yung oras mo para mag move forward kana sa buhay? Hindi magiging masaya sila Tita at Tito nito kapag nakikita ka niyang ganyan? Kailangan mong isipin ang kinabukasan mo" Palingat lingat ang paningin niya sa kwarto ko na hindi ko nagugustuhan sapagkat wala pa talagang nakakapasok dito maliban sa kanya na biglang pumasok lang ng walang paalam.

Aminado naman akong nasasanay na ako sa ganitong pabiglaang pagpunta ni therese ngunit nakakailang pa din ang mga tinginan na ibinibigay niya sa akin na tila bay nang aakit.

MY DEAR AMANDA S1Where stories live. Discover now