MDA-L (Finding the traitor)

201 35 15
                                    

Jaydee's Pov

Kasalukuyang nagmamaneho ako ngayon ng aking sasakyan , magtutungo ako sa Villa Aguinaldo nang sa ganun ay masamahan ko si gabb sa paghahanap kay ella ngunit dadaan na muna ako kay Lolo Thomas , alam kong may alam siya sa libro na ito. Marami akong katanungan na alam kong siya lang ang makakasagot , ang aking ama at ina ay malakas ang kutob ko na ganun din ang nangyari sa kanila ngunit ang nais ko lamang malaman ay kung saan nila inilibing ang mga ito at kung ano ang totoong nangyari sa kanila.


Ano ang ikinamatay nila at sino ang maaaring maging salarin? Napahinto naman ako sa pag iisip nang biglang magtext sa akin si gabb. Wala daw roon si ella at ilang araw na daw siyang hinahanap ng kanyang ina , may sabi sabi din na may nakakitang kumuha sa kanya at ipinasok sa loob ng itim na van. Napaisip naman ako dahil doon at tsaka mas binilisan ang pagmamaneho ko , mabilis din akong nakarating sa Villa Aguinaldo at bumungad na naman sa akin ang mga guwardya.


"Naryan ba si Lolo thomas? Nais ko siyang makausap kung kaya'y papasukin niyo ako!" Wika ko sa kanila napalunok naman ng laway ang ibang guwardya at yung nasa harapan ko ngayon ay matapang na napailing.

"Patawad master j ngunit bawal kayong pumasok sa mansyon..." Natigilan siya sa kanyang sinasabi nang biglang may sumingit sa usapan.

"Papasukin niyo siya" turan ng isang pamilyar na tao at napatingin naman ako rito.

"Pero miss nami? Mahigpit na ipinagbabawal ni Boss Manuel ang presensya ni master j rito sa Villa Aguinaldo at lalo na sa Mansyon" pagdadahilan ng guwardya na nasa harapan ko ngayon lumapit naman si Nami patungo sa akin saka muling nagsalita.

"Hindi bat narinig niyo ang kanyang sinabi? Si lolo thomas ang kanyang ipinunta at hindi si Tiyo Manuel! Kung kaya'y hayaan niyo siyang makapasok , kung mapapagalitan man kayo ay ako ang ituro niyo na nagpapasok sa kanya" matapang na dagdag pa ni Nami at binigyan naman ako ng espasyo ng mga guwardya upang makapasok sa loob.

"Salamat!" Maikling tugon ko sa kanya saka pumasok na sa loob ng mansyon ni Lolo thomas , nagtungo ako kaagad sa itaas sapagkat alam ko na na narooon siya lagi sa kanyang silid at nagmumuni muni sa paligid.

Hindi na ako nag atubling buksan ang kanyang kwarto at laking gulat niya naman nang makita niya ako roon.

"Anong ginagawa mo rito iho?" Takang tanong niya saka tumayo sa kanyang rocking chair habang may hawak hawak na kwintas.

"Alam ko na ang totoo lolo thomas? Kung kaya'y sabihin niyo sa akin kung may nalalaman ba kayo patungkol sa kung nasaan ang mga Sta. Rita?" Diretsong sabi ko sa kanya nanlaki naman ang kanyang mata na napatingin sa akin.

"P-paanong nalaman mo?" Nauutal na sabi niya kinuha ko naman sa aking bag yung libro na isinulat ni Lolo Karding.

Itinaas ko na ang libro nung makuha ko na iyun sa aking bag dali dali naman siyang nagtungo papalapit sa akin saka inagaw na sa akin ang libro.

"Paano at saan mo to nakuha ah? Matagal ko na iyang ibinaon sa lupa at nilimot" Tilay natatarantang sabi niya , hindi ko alam kung bakit parang natatakot siya ngayon sapagkat halata sa kanyang reaksyon.

"Ibinaon sa lupa? Nakita ko ang librong ito sa silid ng aking ama at nakapaloob iyun sa sinaunang baul? At tsaka hindi ka pa ba nagsasawa na itago ang katotohanan lolo thomas. Narito ako ngayon para malaman ang lahat? Paano ko mapipigilan ang sumpa na mapupunta sa aking minamahal?" Nakita ko iyun sa baul , kung sinasabi niyang ibinaon niya iyun sa lupa ay sino ang naglabas nun? Nakakapagtaka ngunit nagkakaroon ako ng kutob na may taong mata din sa bahay na ito.

MY DEAR AMANDA S1Where stories live. Discover now