MDA-LI (Suspects)

294 44 5
                                    

Amanda's Pov

Nasa tambayan kami ngayon kasama sila Larry , Myrna , Yzabelle , Coleen at Jem na napapangiti ngiti sa ngayon sa hindi namin malamang dahilan. Wala na kami masyadong pasok kung kaya'y nagba bonding na kaming muli na magbabarkada , tuwing sabado lamang ang aking trabaho sa Restaurant Y' Quirino kung kaya'y sa buong week ay wala na ako masyadong ginagawa.


Natatakot lamang ako sa maaaring maging reaksyon ng aking ina kapag nalaman niya na hindi ako nakipag hiwalay kay Jaydee , ewan ko ba kung bakit ko napiling suwayin ang aking ina ngunit tao lamang ako. Nagkakasala sapagkat pinili ko ang taong magpapasaya sa akin kahit alam kong mali iyun , sa panahon ngayon ay malaking pagkakasala na ang magkagusto ka sa hindi mo kaparehas ng estado. Napatigil naman ako sa aking iniisip nang biglang may pumutol sa katahimikan na bumabalot dito sa Tree house.


"Pansin ko lang kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan Jem? Anong meron ah. Nakita mo na naman ba ulit yung crush mo na anak ng amo ng nanay mo?" Tanong ni Coleen sa nakangiting si jem ngayon na tila bay kinikilig pa habang nakamasid sa paligid.

"Ang pogi niya sobra! Ackkk! Alam niyo ba na may sinabi siya sa akin? Hindi naman sa nag pi feeling ako ah ngunit may aaminin daw siya sa akin bukas! Oum , sa tingin ko magtatapat siya ng pag ibig sa akin?" Kinikilig na pagkukuwento ni jem nabigla naman kaming lahat nang may biglaang lumipad na palad sa kanyang uluhan.

"Hoy jem? Gising!" Pambabasag ni Yzabelle sa nangangarap na si Jem ngayon , napakunot na lamang ang noohan nito at nanlilisik ang mga matang tinignan si yzabelle.

"Masakit yzabelle ah? Hindi kaya masamang mangarap? Tsk! Ang bitter mo talaga. Alam niyo ba na nung araw ng mga puso ay nakatanggap ako ng bulaklak galing sa kanya? So anong ibig sabihin ba nun? Sige nga ipaliwanag mo" Nanlaki naman ang aking mata sa aking narinig maging sila laney din.

"Bulaklak bilang pakikipagkaibigan?" Natatawang aniya naman ni coleen sa may harapan ko natawa na din kaming lahat dahil doon ang lalakas nilang mang asar lalo na sa kaligayahan ni Jem.

"Ang killjoy niyo? Naka anti delulu pills ba kayo ah." Medyo iritableng wika nito sa amin saka napabuntong hininga na lamang.

"Hay nako suportahan na lamang natin si Jem , sobrang loyal niyan sa crush niya" tugon ko naman sa kanila at napangiti na lang si jem sa akin bilang tanda na may nag iisang sumusuporta pa din sa kanya.

"Buti pa tong si amanda? Hay nako pag naging kasintahan ko yun , who you kayo talaga sa akin!" Madiing sabi naman ni jem saka kumuha na lamang ng tinapay sa may mesa , si coleen naman ay kumuha ng baso at tsaka nilagyan ng juice iyun tsaka uminom.

"Kayo ni garcia kamusta?" Tilay malungkot na tanong ni Larry sa akin napatingin naman ako sa kanya saka nakangiting sumagot.

"Maayos naman ang aming relasyon larry. Masaya ngunit hindi na kami masyadong nagkikita muna sa ngayon sapagkat may mahalaga daw siyang pinagkakaabalahan" wika ko sa kanya hindi ko tuloy maiwasang hindi malungkot , bihira na din siyang magreply sa mga text at sagutin ang aking tawag.

Hindi ko tuloy mapigilang hindi mag isip ng kung ano ano , minsan nga nung napadalaw ako upang magmuni muni sa kanya sa labas ng mansyon ay nakita ko na naroon si Therese. Hindi man lang niya sinabi sa akin ang tungkol doon kung kaya'y may pangangamba ngayon na namumuo sa aking puso at isipan na baka isang araw hindi na ako.

MY DEAR AMANDA S1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora