MDA-XIX (Rejection)

263 37 2
                                    

Ishiro's Pov

Naglalakad lamang ako sa may labasan ng aming village nang makasalubong ko ang sasakyan na pamilyar sa akin , hindi ako pwede magkamali , sasakyan ito ng aking Tiyo Manuel.

"Ano ang kanyang ginagawa rito? May binabalak na naman ba siyang iba ah?" Komento ko sa aking isipan at tsaka binilisan ang aking paglalakad.

Napahinto naman ang sasakyan at tsaka bumukas ang windshield nito , bumungad ang nakangiting si Romeo sa akin. Hindi talaga ako natutuwa na makita siya kahit saang lugar sapagkat nakakainis ang kanyang mukha , mukha ng taong walang matinong gagawin.


"Dong?" Tawag niya sa akin ngunit nagsimula akong maglakad muli at dinedma lamang siya.

Ayoko siyang kausap dahil hindi talaga siya matino kumbaga walang magandang naidudulot yung mga lumalabas sa kanyang bunganga at kagaya din siya ng kanyang ama na gahaman sa pera at gustong kamkamin ang lahat ng pag aari ni Lolo Thomas.

Narinig ko naman na bumaba siya sa kanyang sasakyan at tsaka nagsimulang habulin ako , hinawakan niya ang aking kamay kung kaya'y hinawakan ko din iyun at unti unti ko siyang binali na sanhi upang dumaing siya sa sakit.

"Aahh!! Jaydee masakit!" Singhal niya sa akin binitawan ko naman siya kaagad gayung nakakaawa siya saka itinulak papalayo sa akin.

"Don't you ever lay your dirty hands on mine romeo?!" Nanlilisik ang matang sigaw ko sa kanya , napatawa naman siya ng mahina saka tinaas ang kanyang kamay na tila bay sumusuko na.

"Oh sorry? Chill ka lang naman jaydee! Para namang hindi tayo magkadugo kung kamuhian mo ako." Nakangising turan niya pa , hindi ko nagugustuhan ang kanyang mga ngitian ngayon. Parang hinahamon lang niya ako sa isang labanan.

"Kung ako sayo Romeo? Maghanap ka ng taong kakausap at sasabayan ang pagiging tarantado mo. Huwag ako romeo , baka masaktan ka lang sa akin." saad kong muli saka naglakad na papalayo sa kanya , humabol naman siyang muli sa akin.

"Saglit lang? May nais lang akong sabihin sa iyo." Dagdag niyang muli na dahilan upang mapabuntong hininga na lamang ako.

"Hindi ako interesadong malaman iyun Romeo? Kaya tumigil kana habang nagtitimpi pa ako" walang emosyong sagot ko sa kanya saka akmang maglalakad nang muli nang magsalita na naman siya.

"Lumipat na kami ng PNU! At doon ko na ipagpapatuloy ang aking midterm hanggang sa ako ay makagraduate ng kolehiyo" diretsahang pagkukuwento niya, napaharap naman ako sa kanya na may samot saring reaksyon gayung gulat na gulat ako sa aking narinig.

"Ano na namang kalokohan ang pumasok sa isipan mo?" Gulat na gulat na turan ko.

"Magkasama kami ni Nami doon. Nais din nila Dad at Lolo Thomas na makasama ka namin kaya sana bumalik kana sa mansyon" Masayang sabi niya saka pangiti ngiti lang sa akin. Alam ko na ang mga ngitiang yan.

Nais nilang kuhanin muli ang aking loob ngunit hindi ko sila papayagan na gawin iyun , the damage has been done ika nga nila.

"Ano na naman ang binabalak niyong gawin ah? Bakit ba hindi na kayo tumitigil na gambalain ako?" Malakas na sigaw ko sa kanya , hindi na talaga sila tumitigil sa walang sawang pagpasok nila sa buhay ko kahit ayaw ko naman na silang maging kapamilya.

MY DEAR AMANDA S1Where stories live. Discover now