Paunang Salita

11 1 0
                                    

Simula

ADRASTHEIA

Nakatingala sa asul na kalangitan habang nag iisip kung paano dumating sa punto na bumalik ako sa mundo kung saan hindi pamilyar ang mga itsura ng mga tao sa akin.

May  mga pananamit ang mga itong kakaiba sa mundong aking pinagmulan.

Ang mga babaeng aking nadaraanan na may mga makakapal na mga kolorete sa kanilang mga mukha. Kulang na lang ay pati ay ang ibang bahagi ng mga katawan nito ay isali.

Ang hangin na aking nalalanghap ay hindi kasing sariwa sa hangin sa kung saan ako nagmula. Ang tubig na muntikan ko ng mainom na nasa gilid mismo ng aking dinaraanan ay peligroso ang amoy at may mga maliliit na kulay abo,itim at kulay puti na sumasayaw sayaw habang nagtatampisaw sa maruming tubig.

Bihira lamang ako makakita ng mga puno at mga bulaklak sa bawat daan na aking dinaraanan. May mga bulaklak nga pero parang hindi napapangalagaan ng mabuti at nararamdaman ko iyon dahil sa itsura ng mga ito na tila ba ay umiiyak habang nagmamakaawang ako'y gumawa ng isang paraan upang bumalik ang dati nitong sigla.

Ang mga batang marurungis at nagtatakbuhan na nanghihingi ng makakain sa mga taong kanilang dinaraanan ay pamilyar na sa akin dahil may ganito din sa mundo kung saan ako pinanganak at lumaki. Pero ang mga batang walang mga magulang at inabandona sa Hadrianus ay may mga tagapangalaga. Ang mga naatasang gawin iyon ay ang mga tagapagpangalaga  na kailangang  mahalin at pahalagahan ang mga bata at ilayo sa mga bagay na hindi kaaya-aya.

Ang mga pagkaing hindi pamilyar  sa aking paningin ay nakakapandiri. Mayroon ngang may mukhang masasarap ang itsura pero hindi ko maiwasang isipin na ang mga iyon ay delikado at nakakalason.

Napabuntong hininga na lamang ako habang inalis ang tingin sa kalangitang nagsisimula ng dumilim. Nawawala na ang haring araw at natatakpan ito ng madidilim na mga ulap. Sa tingin ko ay uulan. Saan ako sisilong kapag nagkaganun.

Kung sana... Hinayaan na lamang nila akong isakripisyo ang aking sarili hindi ako darating sa puntong ganito.

Dahil ako ay isang Komander.

Ang sabi nila napakahina ko pa masyado at ang kaalaman kung nalalaman ay hindi pa sapat. Hindi ko pa kayang panagutan at ipagtanggol ang nasasakupan gamit ang aking dalawang kamay.

Pero bakit?

Nagawa kung bitagin at pugutan ng ulo ang hari ng kagubatan.

Nagawa kung patumbahin ang dambuhalang nilalang na bigla bigla nalang sumusugod mag-isa sa Kaharian ng Handrianus.

Nakayanan kong humawak ng totoong espada sa edad na diyes. Nag-aral akong gamitin ito sa tulong ng isang kaibigang isa ding kabalyero. Naging isa akong magandang modelo sa ibang mga estudyante pati na din sa aking guro.

Naging isa akong Komander ng mga Asul na Kabalyero sa edad na dise siyete.

Tatlong Kaharian na ang nagawa kung pabagsakin kasama ang iba pang mga kabalyero ng Hadrianus.

Pero iba ang pagkakakilala nila sa akin at hindi ang totoong ako.

Dahil nga mapaglaro ang kapalaran at nagawa pa kaming kaharapin ang isang malaking peligro nangyari ang isang bagay na matagal na nilang inilihim sa akin.

Pero iyon ay ang kailangan ko pang alamin.

Biglaang dumating sa punto na naging blangko ang aking isipan habang nakatingin sa mga taong nakahandusay sa sementadong daan.

Ang mga dugo ay nikulob ang buong daan ng kulay pulang  kulay nito at siyang nangangamoy  na tila parang binubulong sa aking tainga ang aking kapabayaan.

The Badass CommanderWhere stories live. Discover now