Kabanata 11

0 1 0
                                    

Kabanata 11

ADRASTHEIA

"Ah!" Isang malakas na batok ang natanggap ni Salvatore sa akin ng makarating ako sa kung saan siya nakatayo at nakikipag-usap sa kay Alger.

Napahiyaw siya dahil sa natanggap na batok na siyang pinagpasalamat ko sa aking kaloob-looban. Madilim na ang paligid at tanging ang poste na kinabitan ng ilaw na lamang ang nagbibigay ng liwanag sa gabing madilim.

May iilan na mga taong dumaraan. Ang iilan namang mga kalalakihan ay nakaupo sa isang upuang gawa sa kahoy habang umiinom ng alak kaharap ang isang tindahan.

May mga batang nagagawa pang makipaglaro kahit na gabi na. Napakagandang pakinggan ang mga tawa at hiyawan ng mga ito. Ang kasiyahan na lumalabas sa mga bata mapababae man o lalaki ay musika na sa aking tainga. Dahil tanging ang mga bata lamang ang nagpapakalma sa akin sa tuwing nang-iinit ang aking ulo.

Binalingan ko ang batang lalaking natutulog ng mahimbing sa bisig ni Salvatore. Parang gusto ko itong kunin sa kanya at ako na mismo ang kakarga dito. Ngunit pinipigilan ko ang aking sariling gawin iyon.

"Asawa ko paumanhin kong hindi ko nagawang sumunod sa iyo." Para itong isang munting tuta na nagmamakaawa sa aking harapan. Ang boses nitong para akong sinusuyo ay napakagandang pakinggan.

Binalingan ko ang binatilyong si Alger na hindi maalis alis ang tingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at pinandilatan. Napasinghap ito at napahawak sa laylayan ng suot ni Salvatore. Para itong tuko kung makakapit sa kay Salvatore.

Akala ko ba aalis na ang isang ito? Akala ko lang pala iyon na hindi man lang nagkakatotoo.

"Kailan pa kayo naging malapit sa isa't-isa?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Napatingin ako sa kamay ni Salvatore na naglandas sa likod ng batang lalaki. Hinihimas niya ang likod nito. Ngayon ko lang napansin na may pantakip itong nakalagay sa likod nito.

"Kanino yan? Saan galing yan?" tanong ko muli sa dalawa na hindi man lang nagawang sagutin ang una kung tanong.

"Kanina lang, asawa ko! Mabait naman kasi si Alger isa pa napasarap ang kwentuhan naming dalawa. Hindi na kita nagawa pang sundan dahil ang bilis mong maglakad at walang makakasama si Alger kung iiwan ko lamang siya dito ng mag-isa." nakalabing sabi ni Salvatore. Nagmamakaawa ang mukha nitong huwag itong pagalitan. Napapadyak ako gamit ang aking isang paa na siyang ikinalaki ng kanyang mata. Ang isa naman na parang tuko na nakakapit sa kanya ay mas lalong kumapit sa laylayan ng kanyang suot suot na damit.

"Balot! Balot! Balot kayo diyan!" sigaw ng kong sino. Napalingon ako kong sino ang sumisigaw. Nakuha talaga nito ang aking atensyon gamit ang boses niyang napakalakas.

Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi ng mapansing dinumog ito ng iilang mga kababaihan. Napairap ako sabay pinakakuros sa aking dibdib ang aking dalawang kamay saka masamang tiningnan ang dalawa.

Masama kong tiningnan si Alger na masyadong malapit sa kay Salvatore at kulang na lang ay magbihis tuko sa kanyang itsura.

"Pinilit mo siyang makasama kaysa sa akin Salvatore? Paano nalang kung may nangyari sa aking masama kanina?" Mariin kong salita sa harapan ni Alger.

Hindi ba kaya nitong makauwi ng mag-isa sa kanila?

Malapit lang naman ang kanina siguro dito sa kung saan kami nakatayo tapos hindi man lang nagawang umalis ng mag-isa.

Hindi ba nito nararamdaman na ayaw ko siyang makasama. Hindi ba nito nararamdaman na pinipilit ko ang sariling lumayo sa kanya? Sa apat na kalalakihan na sinasabi ni Salvatore na disipulo ko.

The Badass CommanderWhere stories live. Discover now