Kabanata 7

0 1 0
                                    

Kabanata 7

ALGER

Hindi ko na muling narinig ang boses ni mama na tinatawag ang aking pangalan. Malayo na ako sa kanya at pababa na din ako ng escalator na tinakbo ko nalang pababa. Kaunti lang naman ang sumakay roon ngunit hindi maiwasan ng mga itong ako'y pagtinginan.

Mabilis ang aking pagkilos dahil ayokong mawala na naman sa aking harapan ng ikatlong beses ang weirdong babaeng nagnakaw ng aking unang halik.

Panay lamang ako palinga linga dahil sa tingin ko nawawala ang dalawa sa akin. Sa tingin ko ay nakatakas na naman o di kaya ay lumabas. Pero sa tingin ko naman ay hindi pa. Mukha lang naman akong nag jojogging sa aking ginagawa habang panay tingin sa kung saan saan dahil nga sa may hinahanap ako.

"Aww!" Natigilan ako at napayuko ng tingin ng may narinig akong hiyaw sa aking harapan. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansing may babae akong nabangga. Nakatingin ito ng diretso sa akin na tila ba nawala sa sarili. Napailing ako  at tiyaka kumilos upang patayuin ito. Yumukod ako ng kaunti at hinawakan ang kamay ng babae tiyaka hinila patayo.

"Sorry." Paghingi ko ng paumanhin sa babaeng nakatitig lamang sa akin. Napansin kung mas matangkad pa pala ito sa akin pasekreto kung tiningnan kung hanggang saan lang ba ako sa kanya.

Taga tainga! Hanggang tainga lamang ako ng babae. Napaatras ako ng mapansing pakurap kurap ang dalawang mata niton parang alitaptap lang.

Tinalikuran ko siya dahil hindi naman siya ang ang kailangan kung bigyan ng atensyon kundi ang isang babaeng may kulay pulang dress na nakalugay ang buhok kasama ang  isang gwapong lalaking may magandang pangangatawan.

Kinapa ko ng sandali ang phone na nasa aking bulsa. Napabuga ako ng hangin at kaagad na inopen iyon.

Napataas ang aking isang kilay, hindi na ako nagulat ng magsidatingan ang maraming text na galing sa kay Mama. Hindi ko na iyon inopen at ibinalik na sa aking bulsahan.

Natuon ang aking tingin sa isang Clothing Boutique. Napanguso ako habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan ng Boutique. I bit my lower lips habang palinga lingang tinungo ang Boutique.

Napangiwi ako ng kinawayan ako ng isang bakla. Malaki ang ngisi nito at medyo namumula ang pisngi. Para itong tangang pinakurap kurap ang kanyang dalawang mata. Ang side bangs naman nito ay hinawi at inilagay sa likuran ng kanyang tainga. Ngumiwi ako at napalunok ng bigla na lamang itong nag korean heart sa akin.

"Seriously?" Mahina kung bulong sa aking sarili. Sinasayang lang ng mga ito ang atensyon ko. Nawawala ako sa totoo kung pakay. Kumaway ako... Kinawayan ko siya at nginitian. Nasasayang ang aking oras at tiyaka tinalikuran ito at nakasimangot na tinungo ang Boutique.

Nang makarating ako ay pumasok kaagad ako sa loob ng Boutique. Ang aking isang kamay ay nasa loob ng aking bulsa. Habang ang isa naman ay nasa aking tabi at nakakuyom.

"Hi sir good--" Napatingin ako sa staff na nasa aking tabi at nakangiti ng malaki. Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang pagsasalita at ako naman ang siyang nagsalita.

"Walang Good sa Afternoon kaya huwag mo akong e-great. If magtatanong ka kung bakit? Kung bakit walang good sa afternoon. Dahil iyon sa wala akong mood at nasayang lamang ang oras ko sa kakahanap sa dalawang taong mukhang magkasintahan. Una isang weirdong babaeng may suot simple red dress at nakalugay ang buhok na hanggang baywang. Pangalawa ang lalaki naman ay--" Naputol ang aking pagsasalita ng bigla na lamang akong hindi patapusin ng Staff.

Napataas ang aking isang kilay ng gawin iyon ng babae.

"Hala! I think alam ko na Sir kung sinong--" hindi ko din siya pinatapos para kwits lang kaming dalawa

The Badass CommanderWhere stories live. Discover now