Kabanata 6

0 1 0
                                    

Kabanata 6

ADRASTHEIA

"Brother Alger!" Hawak hawak ni Salvatore ang aking kamay ng marinig ko ang boses ng isang batang babae. Patakbo itong tinungo ang batang lalaking mas matanda pa sa kanya ng ilang taon na nakatingin parin sa akin at sa kay Salvatore.

"Alger hindi mo man lang chineck ang phone mo tinawagan kita." Alger? Iyon ang kanyang pangalan. Isang magandang pangalan na narinig ko na bagay sa batang lalaki.

Sa tingin ko ay ito ang ina ng batang lalaki at ang kanyang nakakabatang kapatid na kapatid na babae na kumapit sa tela ng damit na suot suot ng Ina.

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Salvatore sa aking kamay. Pinagsiklop na pala niya iyon na wala man lang akong kamalay mAlay.

Pinabayaan ko na lamang ito at ibinalik ang tingin sa tatlo na nakatayo lamang sa malapit namin. Ang ina ay panay salita ang bunso namang babae ay nakatingin sa inang kinakausap ang anak na lalaki. Habang ang batang lalaki naman na ang pangalan ay Alger ay hindi maalis ang tingin sa amin ni Salvatore.

Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata at kunot noo naman niya akong tiningnan at tila ba nanggigil habang nakatingin sa akin. Bumukas ang kanyang bibig at aaksyong magsalita ng tumalikod ako at hinigit si Salvatore sa kanyang kamay. Hila hila ko ito habang siya naman ay nasa aking likuran.

Sa susunod na mga araw nalang ako gagawa ng aksiyon at aalamin ang totoong nangyari sa mga taong nasayang dahil sa pagpapakasarap ko sa pagtulog.

"H-hoy! Ka- aray ma! Ang sakit huwag dito ma!" Rinig ko ang hiyaw nito dahil hindi pa naman kami nakakalayo ni Salvatore. Habang naglalakad ako sa hindi ko alam kung saan ako patungo tiningnan ko muna kung anong nangyari sa likuran.

Kung anong nangyari sa batang si Alger at nanlaki ang mga mata ko ng para itong munting bata ng hawakan ito ng kanyang ina sa kanyang kamay habang nakayuko. Ang batang babae naman ay nakahawak sa ina at panay baling sa panganay na nakasimangot.

"Asawa ko sarap na sarap ka diyan ha." Tumigil ako sa paglalakad ng magsalita si Salvatore.

"Ano?!"

"Napakaganda mo talaga asawa ko. Hindi na ako nagulat kung bakit ka pinagtitinginan ng mga kalalakihan." Inirapan ko siya at inalis ang tingin sa kanya. Parang iyon lang? Bakit nag reklamo ba akong may madami siyang babae?

"Ganda mo." Sabi niya pa.

"Alam ko." Sabi ko naman kaagad dahil alam ko naman na may maipagmamalaki ako. Isa pa kailangan nating tanggapin ang katotohanang may ibubuga ang isang kagaya ko. Lalo pa't isang malaking karangalan na sa akin ang tawaging ganoon.

"Kaya nga nang-iinit ang ulo ko." Napatingin ako sa kanya bakit na naman kaya nang-iinit ang ulo ng isang ito?

"Ano na namang problema mo?" Tanong ko sa kanya dahil parang nasisiraan na naman ito ng bait.

Tiningnan niya ako at pinagmasdan ng mabuti ang aking mukha. Ang mga tingin na kanyang ibinibigay sa akin ay nakakalusaw.

Kung isa lang akong bagay na mabilis matunaw ay wala na ako ngayon.

"Kung sana hindi nalang kita pinasuot ng ganyan hindi ka sana ngayon pagtitinginan."

Pinagtitinginan?

Lumingon ako sa bawat gilid kung saan kami huminto sa paglalakad at nakatayo. Sa aking paglingon nakita ko ang iilang mga kalalakihan na sa amin nakatingin ni Salvatore. Hindi ko na lamang pinansin ang pangit na mga tingin ng mga kalalakihan at ibinalik ang tingin sa kay Salvatore.

The Badass CommanderWhere stories live. Discover now