"CS Four"

18 2 0
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Rainbow Ocean Pov,

Pagpasok ko sa loob ay kakaunti palang kami at mukhang may mga kanya kanya na silang close dahil kanya kanya narin sila ng mundo kaya naman dumeretso nalang ako sa may bandang dulo at naupo sa may tabi ng bintana dahil paborito ko ang pwestong ganto dahil walang masyadong gulo

Habang nag iintay ako sa magiging guro namin ay pumasok isa isa ang mga magiging kaklase ko at nagulat ako ng sa pinaka huli ay pumasok yung dalawa kung kaibigan tapos ay kasunod nilang pumasok si Rain, Kervy at Joseph

Nang makita nila ako ay agad kumaway sakin si Gracia kaya naman napangiti ako bago kumaway pabalik. Dali dali naman silang lumapit sakin at isa isang naupo pati yung tatlong lalake naupo sa likod namin

"Biruin mo yun pare pareho tayong nandito!" Sabi ni vivian kaya naman napatango ako

"Trueee hindi na mahihirapan mangopya si gracia dahil kaklase tayo!" Pang aasar ko kaya naman natawa si vivian habang si gracia ay napasimangot

"Hoy ocean napaka sama ng ugali mo hindi ba masarap ulam nyo?" Bugnot na sabi nito kaya naman natawa ako

"Ang sarap syempre!" Nakangising sabi ko kaya isang irap naman ang natanggap ko kaya naman sabay kaming natawa ni vivian

"Mag aaral na akong maigi noh may inspirasyon na ako eh!" Sabi nya kaya naman namilog ang mata ko

"Shit sabi na ehh sino sa kanilang tatlo?" Tanong ko patukoy ko sa tatlong nasa likod namin

"Heh ewan sayo ocean!" Inis na sabi ni gracia kaya naman natawa ako bago tignan ang mga nasa likod ko and to my surprise ulan is staring at me

"Hi boys!" Bati ko sa kanila at nakita ko naman na napangiti si kervy

"Yun oh kala namin di mo kami papansinin eh!" Sabi nya kaya naman sabay silang natawa ni joseph pero yung isa nakatingin na sa labas ng bintana.

Hindi talaga uso sa kanya ngumiti legit yun

"Pede ba yun? Eh kaibigan ko kayo!" Ngingising sabi ko

"Ay sakit di pa naamin na friendzone na" sabi ni joseph at sabay silang natawa ni kervy kaya naman natawa ako

"Bakit sinong na friendzone?" Curious na tanong ko at sabay naman silang napatingin kay ulan kaya naman napatingin din ako sa kanya at nahuli ko syang nakatingin sakin pero ng magtama ang tingin namin ay agad syang umiwas ng tingin

"Luh? Sinong nag friendzone sayo ulan?" Tanong ko pero ang loko tinarayan lang ako

"ULAN?!" Sabay na tanong ni kervy at joseph kaya naman nagulat ako at napa atras ng kunti kaya naman napalingon samin si gracia at vivian

"Ano ba kayong dalawa makasigaw kayo?" Sabi ni vivian kaya naman nag peace sign agad yung dalawa

And I was about to answer them ng kulbitin ako ni gracia kaya naman napatingin ako sa kanya at nang magtama ang tingin namin ay ngumuso sya sa harap kaya naman agad akong napalingon at nakita ko ang teacher namin na nakamasid lang samin

"Good morning everyone!" Baritonong sabi nito kaya naman namangha ako. Infairness ang gwapo ng teacher namin. No doubt maraming magkakagusto dito

"GOOD MORNING SIR!" Masiglang bati namin pero syempre mas masigla yung mga babae unlike lang sakin na tama lang

"My name is Sir Usher and I will be your teacher in Calculus, I hope you will learn something from me and I hope this year would be fun!" Nakangiting sabi nya kaya naman napangiti ako, may kamukha sya kaso ayokong banggitin uli ang pangalan nya

Captivating SmileWhere stories live. Discover now