"CS Nineteen"

10 2 0
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Rainbow Ocean Pov,

Natapos ang klase nang hindi ko sure kung may naintindihan ako o wala basta ang alam ko hindi ko makalimutan yung ngiti ni ulan

Nakakapikon naman kasi ngiti ng ngiti bungiin ko kaya ito

Napailing nalang ako sa naisip ko pero nagulat ako ng bigla akong hawakan ni vivian sa mukha

"B-bakit?" Utal na tanong ko dito "wala ka bang sakit?" Tanong naman nito dahilan para kumunot ang noo ko sa sinabi nya

"Wala naman bakit?" Tanong ko sa kanya pero napailing lang ito "wala kasi kanina kapa tulala pero baka gutom lang yan tara na kumain tayo tutal lunch naman na!" Tumango nalang ako dahil oo nga pala lunch na nga pala kasi simula nga kanina huhuhu tulala ako hindi ko napansin yung papalit palit ng teacher

"Oyyy ocean walanghiya bakit ngayon mo lang pala kami naaccept two months narin nung huli ka naming in-add!" Parang batang sabi ni kervy dahilan para matawa ako

"Hindi kasi ako nag oopen talaga ng facebook account ko madalang kanina ko lang uli sya naopen after five months malay ko bang nag add kayo!" Pabirong sabi ko pero yung tatlo nakatulala lang sakin. Yep maging si ulan mukhang hindi rin sya makapaniwala

"Ikaw lang ata ang babaeng kilala kong ganyan hindi mahilig sa internet!" Sabi ni kervy at inakbayan ako kaya naman napabusangot ako

Putulin ko kaya braso nito

"Pre kung ako sayo nalayo na ako kung ayaw mong mabangasan ng mukha!" Tuwang tuwang sabi ni joseph at nagulat ako dahil sumunod ito bigla at humingi ng tawad kay ulan kaya naman agad akong tumingin sa kanya pero ganun uli sya cold stare and poker face kaya naman tumingin nalang uli ako sa harap

Weird

Pagdating namin sa cafeteria ay agad kaming humanap ng pwesto na pang anim na tao and luckily nasa tabi na naman ng bintana ang upuan namin

"Just like the first day!" Sabi ni vivian kaya naman natawa kami and as usual ambait nung tatlo dahil sila na ang umorder ng pagkain namin

Habang wala sila ay naisipan namin na magkwentuhan muna

"Oyy girl napapansin mo ba si sir usher kanina?" Tanong ni vivian sakin kaya naman kumunot ang noo ko "no why?" Simpleng sabi ko sa kanya

"Sabagay you're spacing out kanina but girl grabe sya kung makatitig sayo!" Sabi nya kaya naman maging si gracia na busy sa kakacellphone ay natigil at nagsalita "ayy true girl akala ko ako lang ang nakapansin!" Sabi ni gracia kaya naman kumunot ang noo ko sa sinasabi nila

"Hindi kaya dahil napansin nya na I was spacing out? Kaya ganun sya tinitignan ako?" Sabi ko pero yung dalawa ay napailing lang

"Hindi girl may iba sa tingin nya parang ano yung malungkot na nangungulila ganun?" Sabi nya kaya naman napaisip ako

Imposible kaya? Pero hindi matagal na syang patay

Napailing nalang ako sa naisip ko because that would be so imposible na ang isang patay ay pwedeng mabuhay

"Baka naman I remind him of someone!" Sabi ko kaya naman bigla silang nagkainteres "paanong you remind him of someone?" Tanong ni gracia

"Secret lang ahh but if I look at sir usher I saw him like he is my jayshin!" Sabi ko dahilan para manlaki ang mata ng dalawa "oo nga oo nga! Napansin ko rin yun, sabi na kanina kasi na nagl-lesson sya habang nakatingin ako sa kanya iniisip ko na parang nakita ko na sya!" Sabi ni gracia na parang akala mo nakadiskubre nang isang napakalaking bagay

"Pero sa tingin nyo? May connect kaya sila?" Tanong ni vivian "I dont know all I know before is bago mailibing si jayshin may nakita akong lalake na sa pagkakatanda ko ay kuya nya kasi yun din ang sabi nila tita sakin dati!" Paliwanag ko

"Hindi mo ba matandaan ang mukha ng kuya nya?" Tanong ni gracia kaya naman umiling ako "noong buhay pa si jayshin ay hindi nya naipakilala sakin ang kuya nya dahil nasa ibang bansa ito para doon mag aral at the same time magmanage ng company nila and nung libing ni jayshin I never saw his face lagi syang nakatalikod sakin or basta hindi kami nagkakasalubong ng landas!" Mahabang paliwanag ko

"Sigu-" hindi na natapos ni vivian ang sasabihin nya ng dumating yung tatlong kasama namin

Inayos muna nila yung mga pinabili namin at yung mga kakainin nila

"So what's the commotion ealier napansin namin na you are all serious!" Sabi ni joseph kaya naman ngumiti ako "napagusapan lang namin si sir usher kanina kasi napansin nyo ba kung paano sya tumingin kay ocean?" Sabi ni gracia kaya naman tumingin sakin yung dalawa si kervy at joseph. Si ulan kasi busy kumain

"Ahh yeah kanina patingin tingin sya kay ocean!" Sabi ni kervy kaya naman kumunot ang noo ko "see I told you cean!" Sabi ni gracia pero di ko pinansin yun

"Hindi kaya may gusto sayo si sir usher?" Biglang tanong ni vivian dahilan para maubo ako pero aalma na sana ako kaso nagulat ako ng biglang yung katabi ko binagsak yung kutsara nya sa plato nya

"Patay" rinig kong bulong ni kervy "b-bakit?" Kanda utal na tanong ko kay ulan pero tinignan lang ako nito at nagulat ako ng makitang masama ang tingin nito sakin

"Nothing Im done!" Sabi nya at mabilis na umalis kaya naman nagtatakang napatingin ako sa kaibigan nila na sumenyas lang ng ewan pero napansin ko yung makahulugang ngiti nila pero sa halip na punahin yun ay kumain nalang ako kahit na gulong gulo ako bakit nagkaganun bigla si ulan












Rain Pov,

Damn! Shit! Putangina!

Dali dali akong umalis sa cafeteria ng marinig ko ang biglang sinabi ni vivian kay rainbow

Fuck! Hindi sya pwedeng magkagusto kay rainbow

Nakakuyom ang kamao ko na umalis sa lugar kung nasaan silang lahat. Alam kung nagtataka sila bakit biglang naging ganun ang reaksyon ko but the hell I care

Naisipan ko munang pumunta sa rooftop para magpahangin mas mahilig kasi ako sa mataas na lugar kapag alam kong frustrated ako sa mga nangyayari at habang naandito ay hindi ko maiwasang isipin yung sinabi ni vivian

Hindi kaya may gusto sayo si sir usher?

Agad na nagkuyom ang kamay ko dahil sa biglang pagpasok ng tanong nayon ni vivian

Hindi pwede! Hindi pwede si bahaghari kay usher hindi ako papayag

Agad akong nag isip ng pwedeng paraan para hindi makalapit si usher kay bahaghari at hindi ko narin naisipan na pumasok sa sumunod na klase dahil baka hindi ako makapagpigil at makasapak ako gantong mainit ang ulo ko














Captivating SmileWhere stories live. Discover now