Fourty-Four

10 2 0
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Rainbow Ocean Pov,

Dalawang araw lang naman akong nasa hospital pagkatapos nun ay nadischarge narin ako which is good dahil ayoko rin umabsent ng matagal at andito naman ako ngayon sa school habang nakikinig sa teacher namin na nakakaantok

"Ok class that's all for today you may now take your lunch break!" Sabi nito kaya naman napangiti ako at narinig ko naman ang hiyawan ng ilang kaklase ko

"So tara na gutom na talaga ako!" Napatingin kami kay kervy ng magsalita ito kaya naman agad akong tumayo at nakapameywang na humarap sa mga ito "hoy kayo nga pala kervy, grace, vivian, joseph tigil tigilan nyo ang kalandian kapag oras ng gala ahh naiintindihan ko na gusto nyo isat isa pero pls lang parang awa nyo na wag sa mall!" Stress na sabi ko habang kunwari ay hinihilot pa ang sentido ko at nakita ko naman ang pamumula ng mukha nung dalawang babae habang yung kumag na dalawa ay ngingiti ngiti

"Tara na hon tigilan mo nayang kakasermon mo" sabi ni ulan kaya naman tinarayan ko lang ito

Ito naging magkabati lang uli kami para ng tuko hindi umaalis sa tabi ko lalo nung dalawang araw na nasa hospital ako todo alaga talaga kaya naman tuwang tuwa sila mommy at daddy, pati nga si mama evelyn eh pati mga kaibigan ko tinutukso pa ako sus edi wow

Marupok kasi ako pasensya na hmp

"Hon locker lang ako!" Paalam ko sa kanya pero mukhang balak pa ata akong samahan kaya pinigilan ko ito "Hep ok lang kaya ko sumama kana sa kanila!"

"But-" aangal pa sana ito ng pigilan ko "no buts kervy isama nyo na itong tuko na ito at pupunta lang akong locker" sabi ko naman na agad sinaladuhan nya kaya naman tumango ako at tumingin kay ulan

"Wag na magtampo babalik agad ako promise!" Sabi ko bago patakan ito ng halik sa labi na ikinangiti nya agad

Sus gusto lang makaisa

"Ok fine but pls take care hmm" sabi nya bago sya sumama kila kervy kaya naman ngumiti ako at tumango

Agad narin naman akong nagpunta sa locker room kasi kukunin ko yung isang book ko naalala ko nga pala na naandito yun sa locker samantalang halos baliktarin ko na kwarto ko kanina makita lang yun

Math book pa naman baka sakalin ako ni prof kapag nawala ko yun

Pagdating ko sa locker wala man lang katao tao jusko ano ba naman toh dinaig pa hunted place nitong locker

Napailing nalang ako sa naisip ko at agad hinanap ang locker ko, since nasa medyo dulo ito at syempre wala ring tao mabilis ko lang naman itong narating unlike kapag may okasyon sa school dinaig mo pa nasa divisoria kapag pupunta ka dito 

Pagdating ko sa locker ay nangunot ang noo ko nang mapansin na may bahid ng pula yung gilid ng pinto ng locker ko pero ipinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil agad ko rin namang binuksan yung locker na syang pinagsisihan ko ng husto

"AHHHH!" Isang tili nalang ang nabitawan ko bago ako napaupo at nahirapan huminga dahil sa nasaksihan ko

Isa itong ulo ng pusa na talaga namang nakakatakot dahil bukas ang mga mata nito at nakatingin sakin pagbukas ko ng pinto

Kahit nanghihina at nanlalabo ang paningin ay agad akong umalis dun dahil hindi ko na kaya ang nakita ko lalo na at ang sangsang din nang amoy nito ngunit halata mo na bagong putol lang ito base sa itsura nito

Hindi ko maiwasan na paglandasan ng luha dahil sa awa sa pusa at takot para sa sarili ko dahil pangalawang beses na ito

Hindi ko alam kung sinong may galit sakin dahil wala akong natatandaan na nakaaway ko dahil oo at mataray ako pero hindi ko ni minsan nagawang makipag away ng husto nasusungitan ko pero hindi ko inaaway magkaiba yun

May mga ilang estudyante na ang napapatingin sakin marahil ay dahil sa itsura ko na bukod sa putlang putla ay nahihirapan narin akong huminga dahil sa pag iyak ko na dahilan ng pagsikip ng dibdib ko

Isa lang ang talagang nararamdaman ko ngayon. Yun ay ang takot

Pagdating ko sa canteen ay halos libutin ko ang paningin ko kahit na sobrang labo na nang paningin ko

"ULAN!" Malakas na sigaw ko sa canteen dahilan para matahimik yung mga tao na naandun, wala na akong pakielam kung pagalitan ako dahil hindi ko talaga sya maaninag

Mukhang hindi pa nakikisama ang katawan ko dahil unti unting bumibigay ang tuhod ko sa pagkakatayo at nang babagsak na ako ay saktong may taong sumalo sakin

"Hey what happen?" Narinig kong tanong ng taong mahal ko kaya naman lalo akong napaiyak "l-locker!" Tanging nasabi ko dahil hindi ko na talaga kaya at parang dinuduyan ako ng pagkahilo at bago pa man ako muling makapagsalita at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman








Rain Forest Pov,

Sunod sunod na mura naman ang pinakawalan ko nang mawalan ng malay si bahaghari

Damn kakaalis mo lang ng hospital mukhang ibabalik na naman kita

Agad ko syang binuhat at dali daling dinala sa clinic upang malaman ko kung ano nga ba ang nangyari sa kanya

Sobra sobrang pag aalala ang naramdaman ko ng bigla itong sumigaw sa canteen ng hindi ko namamalayan lalo na at nang makita ko sya na malapit nang matumba mabuti nalang at mukhang mabilis ang reflexes ko dahil bago pa man sya matumba ay nasalo ko sya pero ganun nalang ang labis na pag aalala ko nang makita ko itong umiiyak at sobrang putla ng mukha nito na akala mo ay nakakita ng multo

"Dude what happen?" Tanong ni kervy habang naandito kami sa clinic. Ok naman daw si bahaghari nawalan lang sya ng malay dahil daw siguro sa pagod pero antayin daw magising para mas malaman kung ano ang nangyari sa kanya

"Before she passed out she told me the word locker!" Nanggagalaiting sabi ko kaya naman nagkatinginan sila "diba galing dun si ocean? Hindi kaya nandun ang sagot?" Bigla ay sabi ni vivian kaya naman napaisip kami. Oo nga ok naman sya kanina bago kami maghiwalay hanggang sa nagpaalam sya na pupunta nang locker pero pag balik nya ay ganun na ang nangyari sa kanya

"Kervy joseph go to girls locker room hanapin nyo ang locker ni rainbow!" Mabilis na utos ko "number 26 ang locker nya makikita nyo rin naman sa pinto ang pangalan nya buong buo naka calligraphy pa!" Sabi ni gracia kaya naman tumango ang dalawa at nagpaalam na muna

Tinignan ko naman uli si bahaghari na mahimbing na natutulog mabuti nalang at nakapaglakad pa sya dahil kung dun sya nahimatay ay hindi ko na alam ang gagawin ko

Pangalawang beses na ito na may nangyaring hindi maganda sa kanya. Kailangan ko nang kumilos








****

Captivating SmileWhere stories live. Discover now