"CS Seven"

12 2 0
                                    

/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Rainbow Ocean Pov,

Pagkarating namin sa bahay ay agad akong bumaba at nagpaalam kay papa bago dumeretso sa loob ng bahay

Pagpasok ko dumeretso muna ako sa kusina since I want to drink some milk at nadatnan ko naman dun si mommy na nakain ng eww spicy food

"Hi mom!" Bungad na bati ko pagdating ko sa kusina and I kissed her on the cheeks

"Oh ang aga nyo umuwi sweetie" sabi naman nito sakin kaya naman napatingin ako sa kanya bago buksan yung ref

"Dinissmiss po kami ng maaga since its our first day panay introduce lang then yung magiging lesson lang namin buong semestral!" Paliwanag ko sa kanya pagkakuha ko nung milk ko at kumuha narin ako ng baso sa may drawer sa taas bago nagsalin

"Ganun ba gusto mo?" Tanong nya patukoy sa spicy food kaya naman sinamaan ko sya ng tingin

Parang di nanay kung mag alok ahh

"Mom!" Warning ko kaya naman natawa ito

"Sorry sorry I just want to tease you!" Sabi nya kaya naman napairap ako. I have an allergic to spicy food last time na nakakain ako ng spicy food ay dineretso ako sa hospital dahil naparami ako ng kain so nahirapan ako huminga tas namantal buong katawan ko then ayun nag collapsed ako buti nalang ay naagapan dahil kung hindi baka daw hindi na ako umabot ng ilang araw

But I really love to eat spicy ewan ko ba kung bakit may allergy ako dun kaya nga kapag bet ko kumain kahit alam kung bawal ay may katabi akong gamot ko for my allergy so incase of emergency

Alam din ng mga kaibigan ko yun na allergy ako sa spicy, spinach and peanuts kaya naman hanggat maari if they are sharing some foods to me wala ng mga may halong allergies ako

Nagpaalam nalang ako kay mommy na aakyat muna ako pagkatapos kung uminom ng gatas kaya naman tumango nalang ito dahil busy ito sa pagkain

Pagkaakyat ko sa kwarto ay nilapag ko muna yung bag ko sa may study table ko tapos ay dumeretso ako sa closet ko at kumuka ng white tshirt then shorts tas pumasok na ako sa banyo para makapaglinis ng katawan

After ko maglinis ng katawan at makapagbihis ay lumabas muna ako ng kwarto para kumuha ng pagkain

Pagbaba ko ay dumeretso na ako sa kusina at naabutan ko si mommy na naghuhugas na ng plato

"My after mo dyan gagawin mo?" Tanong ko sa kanya kaya naman nilingon nya ako

"Hmm papasok muna ko sa kwarto namin ng daddy mo then manonood ng kdrama!" Sabi naman nito kaya naman napairap ako sa hangin bago buksan yung freezer namin dito. Dalawa kasi yung ref namin yung isa simple ref lang yung isa naman is yung kabilang side mula taas hanggang baba freezer

"Adik kana sa kdrama my!" Sabi ko dito kaya naman natawa ito

"Gwapo ni Ji Chang Wook eh!" Sabi nya kaya naman kumunot ang noo ko

Sino yun? Sumbong ko kaya ito kay daddy

"Oh sya maiwan na kita dyan sa kwarto muna ako tawagin mo ko kung may kailangan ka!" Sabi bigla sakin ni mommy kalagitnaan ng paghahanap ko ng pagkain na pwedeng iluto sa freezer kaya naman saglit akong tumigil sa paghahanap at nilingon ko sya

"Ok my" maikling sabi ko. Tapos na pala sya maghugas ng plato. Kaya maman ayorn lumayas na

Pag-alis ni mommy ay tiyaka naman ako kumuha ng fries at hotdog then ham narin pagkatapos ay sinara ko narin yung freezer

Kumuha muna ako ng kutsilyo para mahiwa yung hotdog into two pieces tapos ay yung ham din ganun at syempre ang french fries ko

Nilagay ko sa deep fryer yung french fries ko pati narin yung hotdog tapos yung ham sa air fryer ayoko silang pagsamahin dahil baka mag iba lasa

Pagtapos ko magluto ay naglagay ako ng dalawang slice ng bread sa toaster pagtapos ay kumuha ako ng cold chocolate drink then dumeretso akyat ako sa kwarto ko

Pag akyat ko saktong nakita ko na tumunog yung phone ko kaya naman tinignan ko kung sino yung caller at nakita ko na si vivian ito

*Vivian Calling*

Oh vi napatawag ka- sagot ko dito sa kabilang linya

Ayun nga gaga ka kanina ko pa gustong tumawag kaso kasi si mommy ang ligalig - sabi nya kaya naman natawa ako

Bakit ano bang problema mo?- tanong ko naman dito

Gusto ko sanang magtanong if may kilala lang designer ng damit kasi magpapagawa daw si mommy- sabi naman nito kaya naman napakunot ako ng noo

Meron akong kilala kaso nasa england sya right now since dun sya nakadestino- sabi ko naman dito kaya naman napabuntong hininga ito

Ganun ba sige salamat- sabi naman nito sakin

No worries- reply ko naman bago nagpaalam at patayin ang call

Pagpatay ng call ay kinuha ko na muna yung notebook ko na nasa bag and since nasa study table ko ito ay dun ko sya kinuha bago maupo saglit sa upuan para sagutan saglit yung assessment na binigay nung isang teacher namin

After ko masagutan ay tumayo na ako at binuksan ko nayung tv at maupo na sana ako sa kama para manood ng netflix kaso hindi pa nakakalapat pwet ko sa kama ko ng tawagin ako ni mommy

"Bakit my?" Tanong ko dito pagkabukas ko ng pinto sakto naman kasi na kadarating nya lang

"Wala magpapaalam lang sana ako na aalis muna ako para puntahan ang daddy mo!" Nakangiting sabi nito kaya naman napangiwi ako bago tumango

"Ow ok mom take care!" Sabi ko naman dito bago humalik sa pisnge kaya naman umalis na ito

And finally masosolo ko narin ang oras ko. Kaya naman nagdecide ako na maghanap na ng movie at mag umpisa ng manood since lalamig na yung mga pagkaing niluto ko

Kalagitnaan ng panonood ko ng tumunog ang cellphone ko kaya naman tinignan ko kung sino yung caller kaso unknown naman dahil number lang

Yes?- sagot ko pagpindot ko ng answer button

Ocean- sabi naman nung nasa kabilang linya kaya naman nangunot ang noo ko dahil boses ito ni gracia

Oh who's this?- tanong ko parin para makasiguro ako

Gracia toh gaga- sabi naman nito kaya naman napatango ako

Oh ngayon nagpalit ka ng number?- tanong ko dito

Hindi no nakigamit lang ako ng phone ni mommy kasi nalowbat ako eh gustong gusto na kitang tawagan kanima pa- sabi naman nito kaya naman kumunot ang noo ko

Bakit para saan?- tanong ko naman dito at narinig ko ang pagtikhim nito

Kasi ano hehe saan tayo pupunta bukas need ba ng formal outfit?- tanong nito kaya naman napasampal ako sa noo ko

Hindi na kahit simpleng damit lang dahil hindi naman party ang pupuntahan natin- medyo bugnot na sabi ko at mukhang naramdaman nya iyon kaya tumawa

Ok ok chill sige bukas nalang byeee- sabi nya kaya naman pinatay ko na ang tawag. Tatawag lang para doon siraulo talaga

Pagtapos nung tawag ay pinagpatuloy ko na ang panonood ng movie hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras


Captivating SmileWhere stories live. Discover now