"CS Six"

13 2 0
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Rainbow Ocean Pov,

Pagkatapos namin kumain ay dumeretso narin kami sa room pero hindi naman kami nagmamadali mabagal parin ang lakad namin sadyang nagpapababa lang kami ng kinain

"Ocean san nga tayo pupunta bukas?" Biglang tanong ni gracia sakin kaya naman napakunot ang noo ko dahilan tuloy para mapatingin sakin silang lahat. Nasa hallway parin kasi kami gawa ng oo nga sinabi kong mabagal pero hindi ko rin sukat akalain na para kaming pagong

"Bukas na nga napaka excited jusko!" Naiiritang sabi ko kaya naman napa ahh nalang sya bago tumango tango

"Bakit saan kayo pupunta?" Curious na tanong ni joseph kaya naman napatingin kami sa kanya

"Ewan ko dyan kay ocean biglang nag-aya!" Sabi ni vivian kaya naman napa ismid ako

Sumbong pa

"Pwede kaming sumama?" Tanong naman nito kay vivian kaya naman napatingin sila saking lahat

"Personal kasi sorry, sa susunod siguro kapag well prepared na ako!" Nakangiting sabi ko kaya naman tumango tango sila

Lumakad naman ako palapit kay ulan na kanina pang tahimik

"Uyy ulan musta?" Tanong ko dito at dinanggi pa ang braso nito kaya naman napayuko ito bago tumingin sakin

Sorry naman sa maliit kong height noh

Kaso akala ko sasagutin ako pero tinignan lang ako nito tapos ay tumingin na uli sa kalsada kaya naman napanguso ako

Mapanis sana laway mo hmp

Bumalik nalang ako sa tabi ni vivian ng nakasimangot parin kaya naman ang gaga tumingin sakin kaso yung tingin nya parang nanunukso

"Mukha kang tanga vi!" Sabi ko sa kanya kaya naman sumimangot sya bago ako tignan ng masama

"Ang sama mo di kalang pinansin ni rain eh!" Sabi naman nito kaya naman tinignan ko lang sya bago bumelat

"Pero ano nga crush mo?" Mahinang sabi ni vi sapat lang para kami lang ang makarinig

"No!" Maikling sabi ko bago naunang pumasok sa room namin since nasa harap naman na kami ng room ng magtanong sya

Nang pag upo ko ay sya namang paglapit din nila kaya naman sabay sabay narin silang naupo sa pwesto ko at itong isa ay mukha akong walang balak tigilan kakakulit

"Pero ano nga bakit di mo crush?" Pangungulit nito kaya naman bored ko lang syang tinignan bago ngumiti ng tipid

"Let's just say na gusto ko lang syang maging kaibigan because I love someone else!" Ngingiting sabi ko kaya naman napasinghap ito bago nanlalaki ang matang tumingin sakin

"Oh my ghad! Oh my ghad!" Hysterical na sabi nito kaya naman napatingin sa kanya sila gracia dahil para syang tanga at ako naman ay natawa sa reaksyon nya

Parang hindi ako tao na pedeng magkagusto sa itsura nito tsk

"Anyare sayo vivian? Mukha kang tanga dyan!" Derektang sabi ni gracia kaya napahagalpak ako ng tawa

"Pake mo gracia di gumaya ka!" Bugnot na sabi ni vivian kaya naman napailing nalang ako

Kahit kailan talaga itong dalawang ito di na nagkasundo

Captivating SmileWhere stories live. Discover now