Chapter 1

20.7K 416 3K
                                    

   MEN IN ACTION

  series 4: SIEGE JONSON

 

 

                 Chapter 1:

 

 

Inis na napakamot sa kanyang batok si Siege habang nakatingin sa mukha ng kaibigang si Velvet. Nasa parking lot sila ng isang mall.

"Hoy! Ano pa kasing inaantay mo dito? Kanina pa tawag ng tawag si Ervine! Halika na, mahuhuli na tayo doon sa blood letting." untag niya.

"Apurado ka naman! Wait ka lang, aasikasuhin ko lang ang isang importanteng business. Sandali lang ito, promise!" nakangisi nitong wika.

"Business..." naiinis niyang tuya.

Alam naman nilang lahat na kapag nababanggit nito ang salitang "business" eh babae ang ibig-sabihin noon. Kung hindi lang sana niya naisipang maki-hitch dito, malamang nasa Blood letting na siya ngayon. Bakit kasi tinamad pa siyang magmaneho? Napasandal siya sa kotse at napamulsa sa kanyang pantalon. Maya-maya pa, dumating ang isang magandang babae. Napabuntung-hininga siya. Wala talagang kupas ang Velvet na ito. Mataman siyang napatingin sa mga ito.

"Please, don't do this to me!" nagsusumamong wika ng babae.

"Malinaw na ang usapan natin na tapos na ang lahat. Isa pa, sa simula pa lang, sinabi ko na sa'yo na "No strings attach". Alam mong hindi seryoso ang mga namamagitan sa atin. Malinaw din sa'yo na kapag ayaw ko na... Ayaw ko na. Hindi na ako masaya. Lately kasi, masyado ka nang nakakasakal. Ayaw ko na, that's final." casual na wika ni Velvet.

Great, ngayon nakikita niya ang scene kung paano ito magdespatsa ng girlfriend. Hindi naman sa nagmamalinis siya... Pero hindi niya ugaling magpaiyak ng babae kahit na anong uri pa ito.

"Velvet, please... I love you. Hindi ko kaya kapag nawala ka."

"Makakamove on ka rin. Marunong ka namang makipaglaro sa tinatawag na game of love. Namuhay ka ng maraming taon na wala ako sa buhay mo. Kaya huwag kang mag-alala, makaka-survive ka."

Akmang tatalikod si Velvet pero humirit pa ang babae.

"Please... Magpapakamatay ako!" mariin nitong banta.

Casual lang na napatingin dito si Velvet.

"Go ahead, I'll support you. Kung diyan ka masaya. Kaya naman kitang ipalibing. Total, naligayahan ka naman na sa piling ko kaya puwede ka na ngang mamatay. Ha ha ha ha!"

"You JERK!!!..."

Sinugod ng babae ng malakas na sampal si Velvet. Pagkatapos noon ay nagwalk-out na. Natawa si Siege at nasapo ang baba. Nakangisi pa ang damuho ng lumapit sa kanya. Balewala lang dito ang lahat.

"Sa tingin ko, kulang ang natamo mong sampal. You bastard!" natatawa niyang wika.

Nanatili ang nakakalokong ngisi ni Velvet. Tumingin ito sa kanya at pagkatapos ay bumaling ng kaunting sulyap doon sa ex-fling nito.

"Ayos na sana ang isang iyon kung hindi lang obsessed. But anyway, hindi naman siya importante kaya huwag na nating pag-usapan. Tara na sa Blood Letting!"

Tumawa pa ng mahina ang loko bago nito binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob. Napapailing naman na umikot si Siege at sumakay sa tabi ni Velvet.

MEN IN ACTION 4: SIEGE JONSONWhere stories live. Discover now