Chapter 6

9.4K 281 106
                                    

 

 

            Chapter 6:

 

Marahas na inilapag ni Clide ang dalawang malalaking travelling bag sa harap ni Ervine ng dumating ito sa Men in Action building. Napatingin siya sa malalaking bag na dala nito at pagkatapos ay sa mukha ni Clide. Ngumisi siya ng nakakaloko dito.

"Uy, Clide... Anong ibig-sabihin niyan? Pinalayas ka na ba ng hilaw mong bayaw na si Web, ha? Natuklasan na ba niya ang malaking kalokohan mo?" nakangisi niyang tanong.

"Huwag kang mag-alala, hindi pa ako nabubuko ng bayaw ko. Di pa niya alam na kasal na kami ng kapatid niya. But anyway, dala ko na ang mga sweethearts ko at babies ko. Ano, saan ba ang giyera?"

Binuksan ni Clide ang isa sa travelling bag at nalantad sa kanya ang mga highly-powered fire arms... Iyon ang mga tinutukoy nitong sweethearts at babies.

"Huwag kang atat, inaantay ko pa ang iba. Papunta na sila dito at magsasagawa agad tayo ng meeting. Tungkol naman kay Siege, buhay pa ang tarantado kasi hindi siya kasama sa mga bangkay na ipinakita ng mga kalaban. Wala nga lang siyang contact dito sa labas, pero sure akong gumagawa na siya ng paraan para ma-reach niya tayo. Kapag nangyari iyon, giyera na nga. So far, ikaw ang unang dumating."

Naupo si Clide sa sofa at napade-kuwatro.

"Ah, ganoon ba? Magbabasa na muna ako kung ganoon."

Nagbukas ito ng diyaryo at prenteng sumandal.

"Ikaw, hanggang kailan mo balak ilihim ang tungkol sa kasal mo?" untag ni Ervine.

"Hangga't hindi ko naaayos ang gusot sa pagitan namin ng asawa ko. Alam mo naman na kaya ako naging official agent ng Men in Action para hindi ako matanggal bilang bodyguard niya. Aba, kailangan ko ng alibi para nasa tabi niya ako palagi at mabantayan ko na rin siya..."

Napahalukipkip si Ervine at kunot-noong tumingin kay Clide na busy sa pagbabasa ng diyaryo. Silang dalawa lang ni Siege ang nakakaalam sa sekreto nito.

"Alam ba niyang sasabak ka sa giyera? Nagpaalam ka ba sa asawa mo?"

"Ang may alam na sasabak ako sa giyera ay si Web. Hindi ako nagpaalam ng maayos sa Misis ko, baka kasi sabihin niya... Huwag na akong bumalik. Ganoon siya ka-sweet sa akin, alam mo iyon?"

Napakamot sa batok niya si Ervine. Parang siya yata ang na-frustrate sa kalagayan ni Clide. Sira-ulo naman kasi ang isang ito...

"Hindi ka kasi marunong manligaw kaya nagkakaganyan ang status ng married life mo. Isa pa, di ka ba natatakot sa bayaw mong billionaire kapag natuklasan na niya ang sekreto niyo?"

"Hindi. Kapag nagreklamo pa siya, itatanan ko ang kapatid niya. Di niya ako makakasuhan ng kidnapping kasi legal ang kasal namin. Natural lang na kasama ko ang asawa ko nasaan man ako. Isa pa, nasa tamang edad na ang kanyang kapatid kaya hindi na rin kailangan ang consent niya. Kahit na anong yaman niya, wala siyang habol."

"Wow, nagseseryoso ka na talaga, ha? Di tuloy ako makapaniwala na nagawa mong magpakasal dahil lang sa simpleng TRIP..."

"Cut the topic... Ayaw ko na munang pag-usapan ang lovelife ko. Badshot na naman ako kay Misis eh."

Natawa ng mahina si Ervine at napailing. Hindi niya alam kung ano ang kalalabasan ng mga pinaggagawa nito.

MEN IN ACTION 4: SIEGE JONSONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon