Chapter 2

10.8K 294 1.3K
                                    

          

               Chapter 2:

 

 

Inilapag ni Ervine sa harap ni Siege ang isang folder. Mataman lang siyang tumingin doon at pagkatapos noon ay tumingin siya sa kanyang kaharap. Seryoso ang mukha nito.

"Isa iyang mission order. Para sa'yo..." wika lang nito.

"Okay..."

Binasa niya iyon at hindi pala basta-basta ang mission order. Isang unit ang pamumunuan niya at isasabak sila sa isang lugar para sa isang rescue operation. Nakidnap daw ang isang kontrobersyal na Religious Leader ng isang grupo ng mga rebelde..

"Kanino nanggaling ang mission order?" tanong niya.

"Sa itaas. Siege, medyo duda ako diyan. Huwag mo na lang tanggapin. Hindi ako naniniwala na nakidnap talaga ang baliw na iyon. May nasagap akong update na may sarili itong private army at ginagamit nito ang binuo nitong sekta para makakalap ng pera at alam mo na..."

"I'll take the risk. Malay mo, may matuklasan tayong traidor sa mga sangay. Lalo na sa ilang nakakaitaas na nasa pamahalaan. Matagal na akong may duda sa kanila at pagkakataon na ito para pabagsakin sila. Magagamit mo ako kung saka-sakaling may mangyari sa operation na ito."

"Siege... May trauma na ako sa nangyari kay Cleric. Hindi ko maaatim na mawalan pa ulit ng kaibigan." tutol ni Ervine.

"Masamang damo ako. Hindi ako mabait kagaya ni Cleric kaya hindi ako mamamatay ng maaga kagaya niya."

Huminga ng malalim si Ervine.

"Fine. Siguruhin mo lang na babalik kang buhay. Kung hindi, kahit patay ka na... Papatayin pa rin kita."

Tumawa lang siya sa sinabi ni Ervine.

"Deal." nakangiti niyang sagot.

Samantala, abala sa pag-eempake si Amber nang pumasok ang nanay Adriana niya sa kanyang silid.

"Saan na naman ang punta mo?" tanong nito.

"Bakasyon ng kaunti, Ma. Relax-relax din kapag may time." nakangiti niyang wika.

"Bakasyon o gagawa ka ng sarili mong imbestigasyon para sa bagong kaso na hawak mo? Kakalap ka ng ebidensiya. Anak, tigilan mo iyang ginagawa mo. Mapapahamak ka niyan eh."

Nauwi sa ngiwi ang kanyang ngiti. Guilty siyang humarap sa kanyang nanay.

"Ma, kung hindi ko ito gagawin... Tuluyan nang mawawala sa mga maliliit na magsasaka ang lupain nila. Mapupunta lang doon sa baboy-lunatic na may kulto or what so ever ang kanilang lupain. At papatayuan lang niya iyon ng templo niya para pagkalapan ng pera sa mga nauuto niya na naniniwala siya ay sugo ng langit. Puwes, patutunayan ko na sugo siya ng impiyerno. Humanda siya sa akin!"

"Anak! Hindi kita pinapayagan sa binabalak mo." mariing wika ng kanyang Ina.

"Ma, nangako ako sa libingan ni Papa na magiging magaling akong abogada. And here I am! At ipinangako ko din na walang makukulong na inosente at maaapi na walang pera. Malaki na ako at marami nang kayang gawin... Unlike before... Wala man lang akong nagawa para kay Papa. Bata lang kasi ako noon, walang alam... Kaya nga kahit na abogada na ako, hindi ako tumitigil sa pagbabasa ng libro tungkol sa mga batas. Kailangang malaman ko ang lahat ng pasikut-sikot noon para mawalan ng lusot ang mga taong mapagsamantala."

MEN IN ACTION 4: SIEGE JONSONWhere stories live. Discover now