Chapter 9

8.8K 298 101
                                    

             

              Chapter 9:

 

 

Matapos mag-almusal ni Amber ay pinili na lang niyang magkulong sa kanyang silid. Hindi pa niya natatawagan ang Nanay niya. Kasama sa mga nakumpiskang gamit niya ang kanyang cellphone. Napahinga siya ng marahas.

"Nasaan ka na ba, Siege?" usal niya. Napangalumbaba siya at napatingin sa labas ng bintana. Maganda ang tanawing nakikita niya. Malawak na bukid, may ilang kabahayan at maraming puno. Pinuno niya ang kanyang baga ng preskong hangin.

Samantala... Papunta na sa bayan si Siege. Kasalukuyan siyang nakasakay sa tricycle. Habang papalapit sila sa bayan ay nakikita niya ang ilang mga tauhan ni Gener Umali. Naghanda siya ng huminto ang tricycle sa isang checkpoint. Hindi iyon mga pulis o sundalo kundi mga tauhan ng kalaban. Inihanda niya ang kanyang sarili sa pakikipaglaban. Pasimple lang siyang nagmasid pero hindi siya nagpahalata. Tiningnan ang lisensiya ng driver at sinilip siya sa loob. Hindi siya tumingin isa man sa mga armadong lalaki. Ayaw niyang magbigay ng dahilan para makuha ang atensyon ng mga ito. Maraming civilian ang madadamay kapag nakipaglaban siya dahil marami ang nakapilang sasakyan sa kanilang likuran. Muli nang umandar ang tricycle at bahagya siyang nakahinga ng maluwag. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa bayan.

Bumaba na siya sa tricycle at agad na nagbayad ng kanyang pamasahe. Napatingin siya sa paligid. May mga armadong lalaki ang nagroronda doon. Umakto lang siya ng casual para hindi siya maging kahina-hinala. Pumunta na siya sa palengke. Agad siyang naghanap ng payphone na magagamit. Lumapit siya sa isang kargador at nagtanong...

"Manong, excuse me..." tawag niya sa pansin nito.

"Ano po iyon, Sir?"

"Saan po ba may payphone?"

"Doon lang po sa may tapat ng grocery store." wika ng lalaki.

Itinuro pa nito ang lugar. Malapit lang iyon sa bungad ng palengke. Napangiti siya ng matipid sa lalaki.

"Salamat."

"Walang anuman, boss."

Napangiti rin ang lalaki sa kanya. Nagtungo na siya sa grocery store kung saan naroon ang payphone. Agad siyang lumapit doon at naghulog ng pera. Pagkatapos noon ay idinial na niya ang numero. Sumandal siya sa gilid ng telephone booth at pasimpleng nagmasid sa paligid. Apat na beses niyang narinig ang pagring bago nasagot ang tawag niya.

"Hello?" si Ervine.

"Oh, kamusta? Namimiss niyo na ba ako?" bati niya.

Nanlaki ang mga mata ni Ervine pagkarinig niya sa boses ni Siege. Napangiti siya ng maluwang.

"Walang-hiya ka, pare! Tarantado ka, pinag-alala mo kami ng husto. Buwisit ka!" bulalas ni Ervine.

"Whew... Salamat ng marami sa inyong sweet na pag-aalala. But anyway, alam kong alam niyo na lahat kung ano ang nangyayari. Puwede bang paki-explain?"

"Binayaran ni Dr. Keston ang ilang opisyal para sa iyong trap operation. Ginawa niya iyon dahil gusto ka niyang makuha para sa tinatawag na Super Soldier Project. Dikit niya ang baliw na si Gener Umali, at siya ang nagproprovide sa private army nito." mabilis na paliwanag ni Ervine.

Nagtiim ang mga bagang ni Siege matapos niyang marinig ang lahat. Nadamay pa tuloy ang marami sa kanyang mga kasamahan sa unit. Huminga siya ng marahas.

MEN IN ACTION 4: SIEGE JONSONWhere stories live. Discover now