Chapter 10

14.3K 581 196
                                    

 

 

 

 

 

          Chapter 10:

"Sir, na-trace ko na sa satelite ang kampo ni Gener Umali." wika ni Archie sa kanila.

Iniharap nito sa kanila ang laptop.

"Iyang mga gumagalaw diyan na red spot ay mga kalaban." dagdag pa nito.

"Galing mo, Techno Boy." comment ni Gin.

Lumapit si Ervine kay Siege at saka ngumiti.

"Ikaw na ang magsagawa ng plano para sa pagsugod sa Gener Umali na iyan. Bibigyan ka namin ng chance na makaganti sa ginawa nila sa Unit mo. Bibigyan natin sila ng karampatang Justice." seryosong wika ni Ervine.

Siege grin evil at tumingin sa mga kasama niya. Naglabas na siya ng malaking blue-print ng kampo.

"Kagaya ng nakikita niyo sa screen ng laptop ni Archie, nasa main gate ang sentro ng mga bantay. Itong mga sulok ng mataas na pader, walang tumatao doon. Kampante sila sa mataas na pader. Here's my plan..." umpisa ni Siege.

Matamang nakikinig ang lahat sa kanya.

"Maghahati tayo sa apat na grupo. Aatakehin natin sila sa lahat ng anggulo. Palilibutan natin sila. Sa main gate, kailangang may maging decoy. Magpapahabol siya para masundan siya ng mga kalaban saka sila ihuhulog sa isang ambush. Ang Team A ang gagawa noon at sila ang unang aatake, dahil doon matutuon ang lahat ng atensyon sa kanila. Habang nakatuon ang buo nilang atensyon sa Team A ay saka naman papasok ang Team B. Pasasabugin nila ang kaliwang pader para makagawa ng daan. Ang mga naiwan sa loob ng kampo, sa Team B, mapupunta ang kanilang atensyon... And then, magkasunod na ring papasok ang Team C at Team D, sa magkabilang gilid naman sila. Malilito na sila at hindi na nila malalaman ang kanilang susugurin. Ang Team C at D ang papasok sa loob ng gusali para magsagawa ng rescue operation. Watch over ang gagamitin naming tactic. Aalalayan namin ang isa't-isa, Team C ang unang papasok at kasunod ang Team D... At kapag na-rescue na ang mga hostage ay saka naman magsasagawa ng malakihang Air Strike sina Rock at Rouge. Sisirain na nila ng tuluyan ang kampo kasama ng Private Army. Gusto kong malibing doon ang baliw na Gener Umali na iyon." mahabang paliwanag ni Siege

"Ang lupit.." comment ni Chase.

"Kaya nga, halatang ang tindi ng galit mo sa Baboy na iyon." comment din ni Aeon.

Napahalukipkip siya at napangiti sa lahat.

"Siyempre, igaganti ko kasi si Darling. Nagpromise ako sa kanya."

"Ay sus!" bulalas na lang ni Clear.

Nagreact na rin maging ang mga Junior Agents pero nauwi rin sa tawanan ang lahat. Mula sa chopper ay tatalon sila pababa sa kanilang mga destinasyon. Magpa-parachute sila.

Ilang sandali pa ay narating na nila ang lugar. Nagsuot na sila ng kanilang mga parachute at pumuwesto. Unang tatalon mula sa chopper ang Team A. Sa pangunguna  iyon ni Ervine kasama sina Velvet, Gin, Nexus, ang mga Junior Agent na sina Rain at Dawson ( Dawn ). Sa Team B naman ay sa pangunguna ni Aidan, Sky, Chase, Junior Agents na sina Gael, Constantine, at Prince. Team C ay sina Clear, Venom, Aeon, Junior Agents na sina Trace, Armond at Brad. At lastly ang Team D, sa pangunguna ni Siege, Clide, mga Junior Agents na sina Rupture, Archie, Faust at si Gray. Sina Rouge at Aidan ang magsasagawa ng pinakahuli at pinakamatinding atake. Ang airstrike.

MEN IN ACTION 4: SIEGE JONSONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon