Chapter 5

9.2K 274 99
                                    

               Chapter 5:

 

 

Naalimpungatan si Amber ng maramdaman niya ang hangin sa kanyang leeg. Lilingon sana siya pero nakita niya sa gilid ng mga mata niya ang mukha ni Siege. Mahimbing ang tulog nito sa kanyang tabi at nakapulupot sa baywang niya ang braso nito. Nakaunan siya sa balikat nito.

"Sorry, nakita kita kasing hindi komportable kaya nag-volunteer na akong maging unan. Besides, nakita kitang nilalamig kaya heto... I'm giving you warmth." husky nitong wika.

Mali siya ng akala, di naman pala ito tulog. Damang-dama niya ang mainit nitong hininga sa kanyang leeg hanggang sa kanyang punong-tenga. Kung lilingon lang siya tiyak na magpapang-abot ang kanilang mga labi. Huminga siya ng malalim, hindi naman siya nakadadama na nanamantala ito sa sitwasyon. Sa katunayan, naging komportable nga siya.

"Thank you." mahina niyang wika.

"Welcome... Go back to sleep, you need a rest."

"Okay..."

Muli siyang pumikit at agad naman siyang nakatulog. Magaan ang pakiramdam niya. Mukhang hahanap-hanapin niya ang yakap nito kasi masarap sa pakiramdam...

Madaling-araw palang kinabukasan nang gisingin siya ni Siege. Agad naman siyang bumangon at nagpunta sa may ilog para maghilamos at magmumog. Agad siyang nagbalik sa kinaroroonan ni Siege na busy sa pag-iihaw ng kamoteng-kahoy. Sabaw ng buko ulit ang nagsilbi nilang tubig. Nang matapos sila sa pagkain ng almusal ay agad na silang lumakad.

Medyo malayo na rin ang nalalakad nila at lumiliwanag na ng bigla siyang matigilan sa paglalakad. Bigla kasing nanigas ang muscles sa kanyang kaliwang-binti.

"Aww...!" di niya napigilan ang pag-ungol.

Ang sakit kasi ng binti niya dahil sa cramps. Di tuloy siya makalakad. Napatigil naman si Siege sa paglalakad at napalingon sa kasama niya. Mabilis siyang bumuwelta pabalik ng makita niyang namimilipit sa sakit si Amber dahil sa cramps nito sa binti. Nangyari iyon dahil napasubo sa matinding lakaran ang dalaga. Hindi ito sanay.

"Are you okay?"

Napakagat sa kanyang labi si Amber at alanganing tumingin sa mukha ni Siege.

"Y-Yeah... Huwag kang mag-alala sa akin, kaya ko naman ito. Go ahead, susunod na lang ako."

"Hindi ka okay."

Yumuko si Siege at inilislis niya ang pantalon ni Amber. Minasahe niya ang binti nito. Sobra na iyong naninigas, malamang, kanina pa ito nagtitiis.

"Mukhang kanina pa nag-cramps ang binti mo."

"I'm okay, trust-Awww!"

Pinisil kasi ni Siege ang binti niya kaya napaungol siya ng malakas.

"You are not fine."

Nagpatuloy sa pagmamasahe sa kanyang binti si Siege. Medyo nawawala na ang pagkaka-cramps noon pero namanhid naman ang binti niya. Mas lalo lang tuloy siyang mahihirapang maglakad.

"Sa tingin ko, okay na ito."

Ibinaba nito ang dalang baril, isang M16 armalite. Maging ang backback nito ay ibinaba at iniayos paharap. Tumalikod ito sa kanya.

"Come on, sumakay ka sa likod ko. Bubuhatin kita."

"HA?!" gulat niyang wika.

Ilang beses siyang napakurap habang nakatitig siya sa likod nito. Napailing siya at napangiwi.

MEN IN ACTION 4: SIEGE JONSONWhere stories live. Discover now