Chapter 7

8.7K 280 59
                                    

 

 

 

        

 

             Chapter 7:

 

 

Panay ang sulyap ni Amber sa likod ni Siege. Prente itong nakaupo sa harap ng bonefire habang pinapatuyo ang kanilang mga damit. At habang ginagawa niya ang bagay na iyon, panay ang buntung-hininga niya. Parang hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.

"Alam mo bang nakakailang kapag tinitingnan ka ng palihim?" biglang wika ni Siege.

Lumingon ito sa kanya at pasimple siyang nagbaling ng tingin sa ibang direksyon.

"Ano bang sinasabi mo?" wika niya.

Maang-maangan effect lang.

"I feel your stare... Hindi ko ba nasabi sa'yo na malakas ang pakiramdam ko? Alam na alam ko kung may nakamasid sa akin."

Pasimple niyang hinila ang suot niyang t-shirt para matakpan ng kaunti ang kanyang mga legs. Nakatingin kasi si Siege sa mga legs niya at nginisian siya nito. Ginantihan siya sa ginagawa niyang pagsulyap ng palihim sa buo nitong katawan.

"Nice legs..." pilyo nitong wika.

Tumingin siya pabalik dito, akala nito di siya gaganti ah?

"Nice body..." pilya niyang wika.

Hindi naman niya sinabi ang bagay na iyon dahil nagbibiro siya. Totoo naman talaga na maganda ang katawan ni Siege. Papasa na nga itong model eh. Maganda na nga ang mukha plus the perfect body... Equals a total package for an enduring view just to please the sinful eyes...

"Go ahead, magpakasawa ka."

Tumawa siya ng mahina.

"Magpapakasawa talaga ako sa tingin."

Sutil naman na sinapo ni Siege ang kanyang dibdib at pagkatapos noon ay pilyo siyang tumingin kay Amber.

"Mabuti na lang pala hanggang tingin lang. Lagot pala ako kapag nagkataon. Paano na pala ang maganda kong katawan? Kawawa naman ako."

Tumawa si Amber at ganoon din si Siege. Matapos iyon ay isang awkward na katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Napahalukipkip si Amber at matamang tumingin kay Siege. Hindi na ito nakatingin sa kanya.

"Seryosong tanong, Siege... May hobby ka ba?"

Tinanong niya ang bagay na iyon para mayroon silang ibang pag-usapan. Lumingon si Siege sa kanya. Tumayo ito at naupo sa kanyang tabi. Sumandal ito sa dingding ng yungib at napahalukipkip.

"Marami akong hobby. Kapag wala ako sa opisina ng Men in Action, nasa isang operation ako kagaya nito. Pero madalas, nasa training camp ako. Nagtuturo sa mga pasaway na junior agents at trainees... Pero ang paborito ko talagang past time, tumugtog ng piyano."

Amuse siyang napatingin kay Siege... Tumingin ito pabalik sa kanya at kinunutan siya nito ng noo.

"Hindi ka ba naniniwala sa akin?"

"Naniniwala naman ako, doon sa mga nauna mong sinabi... Pero iyong huli, parang hindi ko ma-imagine."

Sinimangutan siya ni Siege at nagsalubongang mga kilay nito sa sinabi niya. Itinaas nito sa ere ang mga kamay.

"Wala na bang karapatan ang mga kamay kong gawin ang bagay na iyon porke't tinagurian na silang mga deadly weapon?" sarkastiko nitong tanong.

Natigilan siya at guilty na tumingin kay Siege. Hindi naging maganda dito ang comment niya. Hinawakan niya ang mga kamay nito at naiinis itong tumingin sa kanya.

MEN IN ACTION 4: SIEGE JONSONWhere stories live. Discover now