Chapter 4

9.9K 298 104
                                    

              Chapter 4:

 

 

Dapit-hapon na ng huminto sina Siege at Amber sa paglalakad sa gubat. Tumigil sila sa may tabing ilog.

"Tired?" untag sa kanya ni Siege.

"Ahm... Hindi."

Pero ang totoo niyan, nangangatog na ang mga tuhod niya sa sobrang pagod. Halos buong araw na silang naglalakad ng walang hinto.

"Hindi mo kailangang magsinungaling sa akin. I understand. Magpahinga ka muna dito, kukuha lang ako ng makakain natin para sa hapunan. Kailangan natin ng lakas para bukas, mahirap na."

"Sige, ayos lang ako dito."

Naupo siya sa gilid ng puno at sumandal siya doon. Naglakad palapit sa kanya si Siege at yumuko. Nanlaki ang mga mata niya ng bigla siya nitong halikan sa kanyang labi. Smack iyon.

"That's for goodluck!" mabilis nitong turan.

Napabuka ang labi niya at tulirong napatingin dito. Isang nakakalokong ngiti ang iginanti nito sa kanya. Nakalayo na ito ay tuliro pa rin siya. Hindi niya namalayan ang sandali kasi mukhang hindi lang ang utak niya ang huminto kundi maging ng oras. Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang labi at parang nadama tuloy niya ang labi nito na kanina ay dumapo doon.

"Oh my!" bulalas niya.

Napaungol nalang siya dala ng frustrations kasi ang bilis ng tibok ng puso niya at alam niyang hindi iyon dala ng pagod na kanyang nararamdaman. Medyo matagal-tagal din naman siyang naghintay, nakadama na siya ng pagkainip at matinding pag-aalala. Pero nawala iyon ng matanawan niyang paparating na ito. Napangiti siya at nakahinga ng maluwang. Akala niya, mamamatay na siya sa pag-aalala. Madilim na ng mga oras na iyon.

"Darling, sorry ah? Medyo natagalan ako. Tanong ko lang, mapili ka ba sa pagkain? Vegetarian ka ba?" bungad ni Siege.

Inilapag niya ang apat na pirasong buko at ang kanilang pagkain na binalot niya sa dahon ng saging. Mahirap ng mabigla ang kasama niya kapag inilantad niya iyon agad.

"Hindi naman ako mapili sa pagkain at hindi rin naman ako vegetarian." casual na sagot ni Amber.

"That's good to hear. Hindi naman pala ako mahihirapang pakainin ka." relief na wika ni Siege.

Pagkatapos noon ay nanguha siya ng mga kahoy sa paligid na gagamitin nilang panggatong. Nang marami na ang kanyang naipon ay tumingin siya kay Amber na prenteng nakaupo at nanonood sa bawat kilos niya. Ngumiti siya dito ng matipid.

"Come here, darling. Kailangan ko ng tulong mo para sa hapunan natin." tawag ni Siege.

"Ahm, okay."

Tumayo na si Amber at pinagpagan ang puwet niya. Huminga siya ng malalim at naglakad palapit kay Siege. Curious siyang tumingin sa makapal na dahon ng saging na dala nito. Nakabalot doon ang kung ano at iyon daw ang kanilang hapunan.

"Ano bang gagawin ko?"

"Ah, hahawakan mo lang naman itong maigi para mabalatan ko at matanggalan ng mga laman-loob bago ko ihawin."

Napanganga siya at nanlaki ang mga mata ng marahan nitong buklatin ang mga dahon ng saging. Nalantad sa kanya ang laman noon... Isang malaking sawa na tinanggalan ng ulo! Nasapo niya ang kanyang bibig at tulirong tumingin kay Siege. Isang mahinang tawa ang kumawala rito at naiiling na napatingin sa kanya.

MEN IN ACTION 4: SIEGE JONSONWhere stories live. Discover now