SAP 12

1.5K 22 2
                                    

[Ree]

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako kinabahan na harapin ang parents ko. I'm a mean girl, halos laging napapatawag ang parents ko sa school everytime na gumagawa ko ng kalokohan, halos sa araw-araw na kamalditahan ko halos araw-araw din akong pinapagalitan ni mom pero nasanay nalang ako, hindi na ko natatakot o kinakabahan man lang kapag papagalitan na ko, sanay na kong pagalitan, sanay na sanay na. Kumbaga immune na ko, kaya nga hinayaan nalang din nila ko na gawin ang gusto ko. Dahil di din naman na ko nakikinig sakanila.

Pero ngayon, after so many years, kinakabahan ako. Para kong papatawan ng parusang kamatayan, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pinagpapawisan na din ako, at halos di ko na din magawang humakbang pa sa sobrang kaba.

Ano bang pinag-iisip ko? Bakit nga ba ko kinakabahan kung isang buong araw akong wala, gabi na nakauwi at lalaki pa ang kasama? Bakit nga ba kailangan kabahan ang isang napaka gandang Pucker na ako?

Dahil lang naman yun sa tatay kong super duper protective.

"saan mo dinala ang bunso ko? bakit gabi mo na siya hinatid? hindi mo ba alam na Pucker siya? o ginagamit mo ang kaalaman mong Pucker siya? sino nag-utos sayo? anong ginawa mo sa bunso ko? did you rape her? o kusa niyang binigay sayo sarili niya?" eto na nga ba ang sinasabi ko, Clinton is still here and dad is interrogating him right now. And what's with my dad's question? Me giving myself? Rape? What the!! Pucker ako oo, pero teka naman, virgin pa ko nuh!!!

"WHERE THE FUCK IS THAT BASTARD!!" shit naman, dumagdag pa ang isang OA na Pucker na kuya ko.

"SHAUN!!" rinig kong sigaw ni mom at ng ate ko, OMG! I cannot!! Kahit papano naman may konsensya ko nuh. Ang laki laki kaya ni kuya Shaun tapos si Cloud ay lampayatot. Anong panama niya sa matipunong Pucker? Gosh!! Bakit ba kasi ang ganda ko? Nakakaloka!!

"SAN MO DINALA KAPATID KO KAGABI HA??!!" naku po, bakit ba ang hot ng mga Pucker?

Dali dali akong tumakbo papunta ng sala, at nadatnan ko don ang isang napaka gulong eksena. Si Cloud naka-upo sa sahig habang sapo-sapo ang pisngi niya, si mom naka-akap kay dad at pinapakalma ito, ganun din si ate Sheena kay kuya Shaun, ang demonitong pinsan ko namang si LA ay vinvideohan ang mga nangyayari habang ang iba ay walang pake't nanonood lang.

Gosh! Alam kong artistahin kaming mga Pucker, pero di naman siguro kailangan na araw-araw na may mala telenobelang eksena sa mansyong ito.

Parang kahapon lang pinalayas si kuya Liam for being a gay, then now, eto na naman ang bagong eksena. Bukas kaya?

"huminahon nga kayong mag-ama, hayaan niyo siyang magsalita" pagpapakalma ni mom kina dad at kuya.

At dahil di na ko makatiis ay lumapit na ko sakanila.

"seriously people, bawal na ba kong gabihin ng uwi ngayon?" mataray na entrada ko, lahat naman sila ay napatingin sa gawi ko, at ngayon ko lang din napansin na nagdudugo na pala ang labi ni Cloud. Seriously, ilang suntok na ba ang tinanggap niya mula sa mga Pucker na 'to?

"Were just asking him..." hindi na natuloy pa ni dad ang sasabihin niya

"asking him if he raped me?" nagulat naman 'to sa sinabi ko "duh dad! Pucker ako, magtataka pa ba kayo kung isang araw umuwi nalang akong buntis? Pwede ba" with that iniwan ko na sila habang hatak hatak si Cloud.

"nakakainis!!"  nakakainis, gagawa-gawa sila ng mga kagaguhan, tapos ngayon takot silang magago kami ni ate.

"ouch Ree wait lang naman" tumigil ako sa paglalakad at inis na hinarap si Cloud

"what?!"

"sorry" nakayukong sabi nito, bumuntong hininga muna ko bago muling hatakin si Cloud.

Pina-upo ko sa isang upuan sa dining si Cloud "manang, makikikuha naman po ng first aid kit at ng pagkaen" utos ko sa kasambahay na naabutan namin sa dining.

Agad ko namang nilinis ang sugat ni Cloud pagkabigay sakin ng first aid kit.

"aray naman, dahan dahan naman ohh" angal nito

"ohh ayaw ikaw gumamot sa sarili mo! leche!" leche to, siya na nga ginagamot ang sugat, demanding pa.

Nakatulala lang ako habang hinihintay ang pagkaen namin, at siya na nga ang gumamot sa sarili niyang sugat. Aba magtiis siya dyan gamutin ang sarili niya. Aarte arte siya nung ginagamot ko siya, kala niya unlimited ang kabaitan ko? Asa naman nuh!

"Ree" tawag nito sakin, at dahil mabait akong nilalang, nag"umm" lang ako ng di natingin sakanya.

"sorry kung hinatak kita kahapon, ginabi ka tuloy ng uwi ng dahil sakin" nakakainis! Bakit kailangan niya magsorry? Di niya ba alam na masaya ko sa mga nangyari kahapon? Yung mga first time na naranasan ko kahapon, kahit pang pobre ang iba don. Masaya ko sa mga bagong experience ko. Nakakapagod nga, pero nakakataba naman ng puso, lalo na ang makatulong sa mga bata sa ampunan.

"ba't ka nagsosorry dyan? Feeling mo magsosorry ako sa pagsuntok sayo ng kuya ko? Asa ka!" muli ko siyang inismiran at binalik ang tingin sa kawalan. Ngayon ko lang napansin na yung suot niyang damit ay yung suot niya pa mula nung makita ko siya sa school kahapon.

"ma'am Ree eto na po ang agahan, pinapatawag po pala kayo ng daddy niyo pagkatapos niyo pong kumaen" sabi ni manang pagkahain niya.

Haay! I'm not guilty for anything, kahit pagalitan pa nila ko, at kahit bugbugin pa nila si Cloud. Wala kong pinagsisisihan sa mga nangyari kahapon. Sabi nga nila "experience is the best teacher".

At yung mga naexperience ko kahapon, kahit na parang weird e nagustuhan ko naman all in all.

AN:

I'm so  sorry for the super late UD, sobrang hirap kasi gamitin ng wattpad sa mobile :((( sorry po talaga

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pucker Series #4: She's a PuckerWhere stories live. Discover now