SAP 9

1.9K 27 4
                                    

[Ree]

Ano bang aasahan ko sa isang kagaya ni Cloud? Anong klaseng lugar ba ang dapat kong isipin na pagdadalhan niya sakin sa twing hahatakin niya ko?

Orphanage, oo hinatak niya ko papunta sa isang bahay ampunan. Hindi ko alam kung anong topak ng lalaking ito at dito niya ko dinala matapos niya kong gulatin sa mall kanina. Hindi ko nga din namalayan na nagawa niya kong paglakarin ng malayo.

Oo malayo, as in malayo. Ilang beses din kaming tumawid at lumiko mula mall hanggang dito sa ampunan. Sa buong buhay ko, ngayon palang ata ako nakapaglakad ng ganun kalayo.

Pucker ako, mayaman, sobrang yaman. Kaya naman hindi namin kinakailangang lumakad para makapunta sa lugar na gusto naming puntahan. Marame kaming sasakyan, sports car, service car, family car, personal car ni mom and dad, kotse naming magkakapatid at magpipinsan, sasakyang panghimpapawid at pang dagat, name it. We all have it.

Kaya naman halos takbuhan ako ng hininga ko sa pagod dahil sa layo ng nilakad namin ni Cloud.

"naku ija pagpasensyahan mo na't pinagod ka sa pagalalakd ng batang ito ha" paghingi ng umanhin sakin ng isa sa mga volunteers dito sa ampunan.

"ayos lang po" pilit akong ngumingiti bilang paggalang sa matandang volunteer. Maldita ako oo, pero marunong akong gumalang sa mga taong kagalang galang.

"kuya Cloud!!" napatingin ako sa mga batang sigaw sigaw ang pangalan ng kanilang kuya Cloud habang masisiyang nagtatakbuhan palapit sakanya.

Akala ko nung nakaraang makita ko ang mga ngiti niya ay yun na ang pinaka matatamis, nagkamali ako. Ang mga ngiting pinupukol niya ngayon sa mga batang ito ay hindi lang matamis, nakakagaan pa sa pakiramdam. Kita mo sa mga ngiti niya ang saya na makita ang mga batang ito.

"noona" napatingin ako sa batang lalaking lumapit sakin, ang tambok ng kanyang mapupulang pisngi, tamya ko'y nasa tatlong taon na ang batang lalaking ito

"yes?" nakangiting binalingan ko siya ng atensyon, hindi siya nagsalita imbes ay umaksyon na nagpapakarga

"Lee" napatingin naman ako kay Cloud na para bang pinagbabawalan ang cute na cute na batang ito na magpakarga sakin

"naku Ree ganyan talaga yan, mahilig magpakarga sa maganda"

"then I'll carry him" tumayo na ko saking kinauupuan at kinarga ang batang si Lee

"noona, pretty" hindi ito ang unang beses na may nagsabi sakin na maanda ako, pero feeling ko ako na ang pinaka magandang babae ng sabihin ito sakin ng cute na cute na si Lee

"you're cute" pinisil ko ng mahina ang kanang pisngi niya, bumungisngis naman ito at hinalikan ako sa labi

"naku talaga tongsi Lee, inunahan mo pa si kuya Cloud mo" biro ng isang volunteer, tinignan ko naman si Cloud dahil inaasahan kong may banat siya sa pasaring na iyon. Nagulat akong makitang pulang pula ang mukha nito at nanlaki ang mga mata habang hindi parin inaalis ang tingin samin ni Lee

"nanay Clarita naman" sabi niya ng makabawi na siya.

Ngayon ko lang nakitang magblush si Cloud, actually ngayon lang ako nakakita ng lalaking nagblush. Ang cute palang tignan sa isang lalaki kapag nagbablush siya.

O teka lang hindi ko sinasabing cute si Cloud ha, yung pagblush niya yung cute hindi siya.

Buong hapon naming kinalaro ang mga bata sa ampunan. Naroong magbahay bahayan kami, lutuan, takbuhan, at kung anu-ano pa. Kahit sa pagpapakain ng hapunan ay naroon parin kami ni Cloud at tinulungan ang matatandang nag-aalaga sa mga bata.

Hindi naman lahat ng naroong volunteer ay matatanda, meron din kaming kaedad ni Cloud at yun ay si Helga na kanina ko pa napapansing panay ang pacute kay Cloud. Samantalang ni isang sulyap ata sakanya ay hindi ibinigay ni Cloud.

Minsan nakakaawa din pala tong mga nagpapacute at nagpapapansin sa mga crush nila ano? Kahit anong effort mo kasi kung ayaw talaga sayo ng crush modi ka talaga papansinin. Buti nalang ako maganda ko, sexy, mayaman at isang Pucker. Hindi ko na kinakailangan pang mageffort para dyan. zdahil ang mga tao sa paligid ko ang nagbibigay effort para mapansin ko.

Pucker Series #4: She's a PuckerOnde histórias criam vida. Descubra agora