SAP 11

1.9K 37 6
                                    

[Ree]

Sa kahahatak sakin ni Cloud ay napigtal ang sandals ko. OMG!! Bagong bili ko pa man din tong sandals na to. Take note branded pa to at bago tapos mapipigtal lang? Aba kailangan ko na atang magreklamo sa pinagbilhan ko nito, hindi safe ang binibenta nila. I need to sue them right away.

"oy ba't ka huminto?" etong lalaking to, sarap tadyak-tadyakan. Siya na nga tong nanghatak ng nanghatak sakin tas dahil pa sakanya nasira ang bagong sandals ko. Leche talaga sarap ilublub sa kumukulong alcohol tong lalaking to e.

"tara" inirapan ko lang siya at hindi kumilos sa pwesto ko. Aba madudumihan ang paa ko nu. Like iww kaya ng bonggang bongga.

"tsk! sakay" nagulat ako ng bigla siyang pumwesto sa harap ko at pinapasakay niya ko sa likod niya

"wag ka ng maarte Ree, alam kong ayaw mong madumihan ang paa mo. Kaya sakay na" anong problema nitong tukmol na to? Siya pa ang badtrip e kanina niya pa ko hinahatak, at kanina niya pa ko pinaglalakad. Hindi niya ba alam na pagod na pagod na ko? Bakit siya ganto sakin? Dahil ba sa ginawa ko don sa kinainan namin? Aba dapat sinabi niya sakin kanina na type niya pala yung si ateng serbidora. Nakakabwisit siya na nga tong nanghatak sakin kung saan-saan siya pa may ganang magsungit at sabihan ako ng maarte. Anong akala niya sakin? Nakakainis!!!

"Ree? Hey bakit ka umiiyak?" nagulat ako sa sinabi niya. Ako si Shayna Ree Pucker umiiyak sa harap niya?

"Ree" pagka-akap na pagka-akap niya sakin ay lumabas lahat ng frustratiins ko sa maghapong to.

"you stupid!! Nakakainis ka. Kung saan saan mo na nga ko hinatak, gutom na gutom at pagod na pagod na ko tapos nasira pa yung sandals ko tapos ikaw pa may ganang magalit ngayon dyan at sasabihan akong maarte!! I hate you!!!" wala kong pake kung mukha na kong tanga dito habang ngumangawa. Sobrang frustrated ako tapos ganto pa tong kasama ko.

"shhh... I'm so sorry Ree. Please wag ka ng umiyak" sandali siyang lumayo sa pagkakayakap sakin at pinunasan ang luha ko.

I'm on my limit, limit ng bichiness ko, ng lakas ko at ng pagkairita ko.

"tahan na Ree, tahan na please" habang patuloy ako sa pagngawa na parang bata hindi naman magkandauaa si Cloud sa pagpapatahan sakin.

Kung ibang tao siguro to kanina pa ko iniwan. Kung ibang tao siguro to kanina pa nawalan ng pasensya sakin. Kung ibang tao siguro to hindi to magaaksaya ng oras na patahanin ako.

"ang iyakin mo naman e, tahan na ha" pinunasan niya ulit ang mga luha kong patuloy sa pagbagsak mula sa mata ko

"ang cute mo para kang bata" nakangiting sabi niya habang ako ngawa parin ng ngawa. Kanina pa nga kami pinagtitinginan ng mga tao dito e, pero wala kong pake. I need to let it go, dahil nafufrustrate talaga ko.

"tahan na Ree. Tara na iuuwi na kita sa inyo" lalo kong naiyak ng maalala kong sira ang sandals ko. Pano ko uuwi nito ngayon?

Pumwesto ulit si Cloud sa harap ko at inalalayan ako para sumakay sa likod niya.

Hindi ko na alam kung anong nangyari matapos ng pagngawa ko, nagising nalang ako kinaumagahan sa kama ko.

Napabalikwas ako ng bangon ng marealize kong nakahiga ako sa kama ko. Teka! Teka teka teka, pano kong napunta dito sa kama ko? Sinong nagdala sakin dito? Si Cloud? How did he manage to talk to my dad? Teka nga! Ano bang nangyri kagabi? All I can remember is yung pag piggy back ride sakin ni Cloud.

Nasan na kaya yung Cloud na yun? Did he manage to still be alive if ever mang naabutan siya ni dad na buhat ako kagabi? Or he was sent to prison after yesternight?

Geez!! Kahit naman maldita ko hindi ko maiwasang mag-alala don sa tao. Knowing dad's temper baka kung anong nangyari yun. Nakakakonsensya kahit papano ha, syempre he help me big time.

Teka nga bakit ba ang nega ng naiisip ko? Pwede namang si mom ang nakaharap niya kagabi pagkahatid niya sakin. At kung si mom nga yun pwedeng

"OHH SHIT!!!"

Agad akong nagpunta sa banyo para ayusin ang sarili ko. Kung tama ang naiisip ko, kung si mommy ang nakakita sakanya kagabi ng ihatid niya ko. Malamang Cloud is still here in our mansion at paniguradong dito siya pinatulog ni mommy.

Gosh!!! This is not happenning!! Knowing mom exag mag-isip yun, syempre si dad din. Anong iisipin nila? Na boylet ko yung si Cloud? At ano namang ginawa namin kahapon at kinailangan pa naming umabot ng gabi? At bakit tulog ako ng ihatid niya ko?

Geez!! Bakit di ko naisip ang pagiging OA ng parents ko.

Me being with a guy for almost the whole day ay ibang usapan na yun. Hindi naman ako kagaya ni kuya Shaun na umaabot ng ilang araw bago umuwi pagkatapos mag-sawa sa babae niya. O kaya naman ay ang uuwi ng may kasama.

Kahit na sabihin nating hinatid lang ako ni Cloud kagabi. Duh!! Utak Pucker ang dapat gamitin dito, knowing my dad ans my uncles who were all a big sex addict way back time. Baka iniisip nilang ganun din ako, dahil nasa dugong Pucker na yun. The sex urges.

OMG!! I cannot, baka mamaya ipakasal nalang nila ko sa Cloud na yun ng dahil lang sa paghatid niya sakin kagabi.

Dad, mom, please be open minded and let Cloud explain everything to you.

Pucker Series #4: She's a PuckerWhere stories live. Discover now