SAP 10

1.7K 25 3
                                    

[Ree]

Pagod na pagod ako sa pakikipaglaro sa mga bata. Sino bang mag-aakala na mapapagod ako ng ganto sa pakikipaglaro lang? Pero kahit na ganon kapagod at kaubos energy ay masaya ko. Masaya kong makitang masaya ang mga batang ito.

"nay alis na po kami" paalam ni Cloud sa head na si nanay Clarita.

Nagpaalam na kami sa iba pang volunteers na uuwi na kami ni Cloud. Si Helga na panay ang pacute kay Cloud, ayin mukhang di matae nang malaman niyang aalis na si Cloud ng di man lang siya tinitignan.

Bago kami tuluyang lumabas ng bahay ampunan ay inabutan ko ng cheke si nanay Clarita

"naku ija hindi na kailangan to" pilit nitong binabalik sakin ang chekeng inabot ko. Nginitian ko naman muna ito bago magsalita

"it's for the kids nanay Clarita, tanggapin niyo na po, kung tutuosin nga po ay maliit na halaga lang po yan. I'll let my parents know about this orphanage at sasabihin ko pong magisponsor sila dito" hindi ko alam pero magaan ang pakiramdam ko sa mga taong narito sa ampunan. Siguro isa ng dahilan ang pagiging ampon ni mommy kaya ako ganto, dahil somewhere from the bottom of my bitchy heart I feel something towards this people.

Matapos naming magpaalam sa mga tao sa ampunan syempre naglakad na naman kami ni Cloud. Hindi ko alam kung itong lalaking to ay mahirap ba o sadyang kuripot lang. Bakit ba ang hilig nito maglakad? Nakakapagod kaya!

"hindi ba talaga tayo sasakay man lang ng taxi or what?" sabihin niyo ng maarte ako, wala akong pake. Maanda at sexy ako may karapatan akong mag-inarte. Saka sino ba namang di mag-iinarte aba, kanina pa kami naglalakad. Nakailang liko na naman na kami. Kung tutuosin pwedeng pwede kong iwan ang isang to e. Kaso nakokonsensya naman ako kahit papano. Kahit papano lang ha.

"tara" as always hinatak niya na naman ako, ako namang si tanaga nagpahatak na naman. Seriously qouta na to sa kakahatak sakin ha.

"ano pong sa inyo sir?" napaangat ako ng tingin sa maarteng serbidora sa harap namin ni Cloud. Hindi ko namalayan sa kahahatak niya ay nakaupo na kami sa harap ng counter sa isang di ko kilalang kainan.

"dalawang order ng siomai rice ate, tapos isang order ng mix pork and beaf siomai tas dalawang black gulaman, okay na ba sayo yun Ree o may gusto ka pang idagdag?" baling sakin ni Cloud matapos niyang sabihin ang order niya, at ang malanding serbidora kahit na ako na ang magbibigay ng order ko titig na titig parin sa pagmumukha ni Cloud. Infairness kay ate ang manhid niya ha, di na nga siya pinapansin nung tao panay papansin parin siya.

"okay na ko don" aba hindi ko nga kilala tong kakainan namin tapos gusto niya pa na marame kong orderin? Excuse me, pang mayaman ang sikmura ko nuh.

"okay po sir, wait lang po kayo" nakakairita talaga ang mga babaemg pacute kagaya ng serbidorang yun. Kala niya naman cute siya. Edi ano pa ko niyan?

Kahit habang kumakaen kami ni Cloud si ateng serbidora aba panay parin ang pacute kay Cloud. May balak atang magdoctoral in B.S Landilogy tong babaeng to e. Nakakairita kaya, kawawa naman ang maganda kong mata nakakakita ng hindi kaaya-ayang tanawin at ang aking tenga nakakarinig ng boses palakang nagpapacute.

Hindi pa natigil si ate sa pagpapacute niya, yung inabot niya yung sukli kay Cloud aba at may cellphone number pang nakaipit.

"ano to? number for take out? At anong itetake out? Ikaw? Pwede ba miss mahiya ka naman ng konti. Recession na ba ng mga lalaki at pinapatake out mo na sarili mo sa costumer niyo? Infairness nakakaloka tong kainang to. Pwede itake out ang serbidora? Ayos dinaig pa ang club ha" hindi makatingin sakin ng maayos si ateng serbidora habang nagsasalita ako, yung ibang kumakaen naman ay nanonood na samin na kala mo may shooting at yung may ari nung kainan lumapit na samin.

"excuse me po ano pong problema dito?"

"problema? Wala naman, nangangati ata yang taga silbi niyo at nagpapatake out na dito sa kasama ko" mataray na sagot ko dito, hindi ako nageeskandalo o ano, nakakabwisut lang kasi yung ganito. Baka mamaya tularan pa siya ng iba, saka may resto kami. Aba patatalsikin ko agad agad kung sino mang staff namin ang gumawa ng ganyan. We don't promote sexual transaction, business is business and that thing is not part of our business.

Hindi na nagawang hintayin ni Cloud ang ano pa mang sasabihin ng may-ari, basta niya nalang ako hinatak palayo don.

Minsan ang sarap lang itulak sa ilog nitong lalaking to. Tingin niya sakin aso niya? Aba, amg ganda ko namang aso.

Pucker Series #4: She's a PuckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon