SAP 3

5.1K 41 5
                                    

SAP 3

[ Ree ]

Oo sweet ang kuya ko, pero duh!!! He’s so kuripot!!! Nakakainis, tama bang dalhinn niya ko sa park at kumain ng street foods? Kundi lang ako gutom na gutom di ko papatusin tong libreng to ng kuya kong to.

“Ree” tumingin ako kay kuya, andito kami sa swing, after naming pakyawin yung mga pagkain ni kuya fishball e natripan naming mag swing ni kuya

“yes?” naka tingin lang siya sa kalangitan

“paano kung ma in love ako? Maniniwala ka ba sakin?” hindi ko alam pero natawa ko sa sinabi ni kuya Shaun.

Duh!!! Siya si Shaun Pucker ma iinlove?joke yun?

“so hindi ka maniniwala sakin?” tumango ako bilang sagot, nilakasan niya ang pagduyan niya sa sarili niya, ewan ko ha. Pero ang weird nitong kuya kong to. We never talked about love, and duh!!! Love is not a Pucker thing.

“don’t tell me you’ve fallen? Who’s the lucky girl kuya? Or should I say the unlucky one?” tas tumawa ko, pero natigil din ako ng tignan niya ko ng masama

“I am not, I’m not in love, and I will never be. I’m just asking some possibilities here my dear sister” tapos ay tumayo na siya at nilahad niya ang kamay niya sakin, syempre inabot ko naman yun

“kuya, kung in love ka man, I’ll be the first person to be happy for you” nakangiting sabi ko sakanya

“nuh!! Don’t be happy for me when that time comes, paniguradong karma ko yun kung mangyari” ginulo niya ang buhok ko tas inalalayan niya na ko papunta sa kotse niya.

Ang weird nitong lalaking to, kanina lang feeling ko in love na siya, ngayon naman ayaw niya. Bahala nga siya dyan, basta ako hinding hindi na ko ulit ma iin love. Ayoko na, nakakadala na kaya.

Mabilis kaming nakarating sa mansion ng mga Pucker, geez!! Hindi naman kasi sapat ang salitang bahay sa mansyong ito e. Kalaki kaya nito, jusko kahit isang barangay pa ata pwedeng tumira ditto e.

“Shayna!!!” agad akong inakap ni tito Tim,

“tito it’s Ree” ngumiti lang siya sakin tas ginulo niya ang buhok ko. infairness sa mga to, mahilig silang manggulo ng buhok ha

“Shayna” si tito Tom naman ang umakap sakin, nginitian niya ko at inalalayan na papunta sa dining. As always kompleto ang pamilya namin, ang mga anak at asawa ng mga tiyuhin kong gwapo at syempre ang kapatid kong magkambal.

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain, kinamusta nila syempre ang stay ko sa States and kung anong balak ko ngayong bumalik na ko ditto sa Pilipinas.

Sinabi ko naman sakanila na balak kong mag-aral dito. Pumayag naman kagad sina mommy sa gusto ko. matapos ang kainan at kamustahan ay napagppasyahan na naming magsipagpahinga.

Pucker Series #4: She's a PuckerWhere stories live. Discover now