SAP 1

8.3K 43 2
                                    

[Ree]

“Shayna hayaan mo na ang ate mo”

“Shayna sabi naman sayo samahan mo si Sheena diba?”

“Shayna sabay na kayo pumasok ni Sheena”

“Shayna bakit hindi mo sinabay pag-uwi ang ate mo?”

“Shayna sabayan mo ng kumain ang ate Sheena mo”

“Shayna ayaw mo daw kalaruin si ate Sheena mo?”

“Shayna baby bigay mo nalang yan kay ate mo”

“Shayna wag ng matigas ang ulo, hati kayo ni Shenna dyan”

“Shayna tabihan mo ng matulog si Sheena ha”

“Shayna be a good girl okay? Wag kang lalayo sa ate mo”

“Shayna tignan mo o ang taas ng grade ni ate mo, patingin nga ng sayo”

“Shayna”

“Shayna”

“Shayna”

Nakakarindi, puro sila Shayna, puro sila pagbigyan si ate Sheena, palagi nalang ako ang nagbibigay. Siya tong mas matanda sakin ako pa ang nagbibigay sakanya, nakakahiya naman talaga ng bonggang bongga sakanya.

Lumaki akong malayo ang loob sa ate Sheena ko, sobrang laki ng inis ko sa ate Sheena ko. lahat ng atensyon ng tao nasakanya, hindi ko nga alam kung special child siya e. Pero hindi naman siya special child, sadyang malaking epal lang siya sa buhay ko.

Slow si ate Sheena, pero matalino siya. Ang gulo nu?  Hindi din kasi namin alam kung bakit sa kabila ng pagiging matalino niya ay ganun siya, slow. Pero sana kahit slow siya hindi naman sila ganun samin ni ate. Pabor kasi sakanya ang lahat, si papa, si mama, sila tito, si lolo at si kuya.

Feeling ko wala akong kakampi sa bahay, pero hindi lang pala sa bahay ako walang kakampi. Kahit saan wala, laging kay ate sila nakatingin, laging siya yung tama, siya yung ganyna, siya yung ganun. Ako naman lumaking nagbibigay, nagpapaubaya.

Hanggang sa ngayong dalaga na ko, sobrang layo na ng loob namin ni ate sa isa’t isa. Well, ako lang pala, kasi siya, mabait parin siya sakin sa kabila ng pagiging maldita ko sakanya.

Yun pa ang kinaiinisan ko, masyado siyang mabait. Kaya lalo niya kong natatalbugan e, kaya lalong nagiging malapit ang lahat sakanya.

Alam kung hindi maiiwasan ang maikumpara ka sa kapatid mo, pero sa case namin ni ate, iba. Ramdam na ramdam ko yung ibang tingin ng tao sakin, ramdam ko yung pagkukumpara nila samin.

Ako maldita, si ate mabait

Ako matigas ang ulo, si ate mabait

Hindi ako sweet, si ate sweet

Nakakaloka lang, nasan ang hustisya? Lagi nila kaming pinagkukumpara ni ate, laging si ate ang higit.

Kaya isang araw nagsawa ko, hindi ko kinaya ang lahat ng naririnig at nararamdaman ko. sobra na kasi e. Hindi lang atensyon ng pamilya namin ang nawala sakin, pati yung lalaking mahal na mahal ko nawala sakin ng dahil kay ate.

Akala ko gusto niya din ako kaya siya lapit ng lapit sakin, akala ko kaya siya dlaw ng dalaw sa bahay ay para makita ko. mali pala ko, si ate pala. Si ate ang gusto niya, si ate ang dinadalaw niya, at dahil kay ate kaya siya nakipagkaibigan sakin.

That’s when I decided to go to State, para kalimutan ang lahat, para iwan ang lahat, para lumayo at para hanapin ang sarili ko.

Ngayon I’m back, hindi bilang si Shayna na kilala nila kung hindi si Ree na mas malala pa sa nakilala nila

A.N: sabi ko di ko siya babaguhin ng bonggang bongga, pero wala e, iba na talaga yung ployt na naisip ko para dito, hahahahahahahaha!!!!

Shayna on the side ---->>>>>>>>>>>

FIONA <3

Pucker Series #4: She's a PuckerWhere stories live. Discover now