SAP 5

3.2K 33 4
                                    

[Ree]

Dahil sa nabwibwisit ako sa mga kaeskwela ko at sa buong school na to, napagdesisyunan kong tumambaynalang sa music room. Agad kong kinuha ang drumstick and play random beats.

I don't know what makes me frustrated today, siguro sa gising ko? Sa inagahan ko? O sadyang nakakafrustrate lang talaga ang mga tao sa paligid ligid

"baka naman masira mo yang drums miss" one weird guy approach me

"and so? kaya ko namang palitan to nu" inirapan ko lang siya, I think

galing siya sa pagtulog, gulo gulo pa kasi yung buhok niya na halata mong bagong gising

"yan ang mahirap sa inyong mayayaman" napataas lalp ang kilay ko sa sinabi niya

"and what is that suppose to mean?" mataray na tanong ko sakanya

"na wala kayong pake kung saan niyo gastusin ang pera niyo, maninira kayo ng gamit tapos sasabihin niyo kaya niyong palitan. Di niyo ba naiisip na pwedeng may sentimental value ang mga bagay bagay?" nasa harap ko na ngayon si weird guy, I just roll my eyes heaven wards sa sinabi niya

"don't you know me?" inis na tanong ko sakanya

"bakit mahalaga ba kung kilala kita o hindi? Ako ba kilala mo?"

"like I care kung sino ka"

" that's it, inisip mo ba kung may pake ba ang tao kung sino ka?"

"duh!!! everyone knows me"

"at yun ay dahil sa isa kang Pucker, try to make your own identity, not just by nringing your surname"

" alam mo? wala kang sense kausap" tumayo na ko at akmang iiwan siya

" but atleast kinusap mo ko diba?" tinignan ko siya ng masama, nagkibit balikat lamang siya at nagsimula ng magtatatambol don

"whatever" at iniwan ko na siya doon

"Dameng satsat, close kami? Bwisit!!" iritang sabi ko habang naglalakad ako at hindi alam kung saang lupalop ng paaralan na ito ko dalhin.

Ako si Shayna Ree Pucker, I have everything, I have the looks, the body and of course money. But somewhere deep in my heart, I'm incomplete

Dinala ko ng magagandang paa ko sa open field ng school, nagpapractice ang mga varsity. Naupo nalang ako sa isang bench doon at pinagmasdan ang kabuoan ng school na ito.

Does money make everyone happy? Sapat na ba na mayaman ka para maging masaya ka?

Ahhh!! Kairita yung lalaking yun, napapaisip tuloy ako ng walang kwentang bagay.

Pucker Series #4: She's a PuckerWhere stories live. Discover now