Chapter 11

24 9 0
                                    

"Hi po, Tita Monique" sabi ni Isabelle anak siya ni Reina at masaya siyang kasama, sana nandito si Prince para may kalaro siya at alam kong matutuwa siya pag nakilala niya si Isabelle.

"Isabelle wag kang pasaway kay tita Monique mo!" ani Reina saka kami binigyan ng meryenda.

"Hindi naman po ako pasaway mama" ani niya she's just five years old at nakaupo kami sa sofa habang nanonood.

"Hindi naman siya pasaway Reina, masaya nga siya kasama sana nandito din anak ko para may kalaro siya" ani ko habang nakatingin kay Isabelle ayaw ni Reina natawagin ko siyang Ate dahil tumatanda daw siya.

"Si Prince ba?" ani Reina kaya tumango ako.

"Miss ko na kasi siya"

"Siya lang ba talaga? O kasama at tatay?" habang may nakakalokong tingin.

"Syempre kasama, pero si Prince nalang talaga ang gusto kong Makita" I lied dahil alam ko sa puso ko na gusto ko paring Makita at makasama si Ravier.

"O sige, ikaw bahala" ani niya saka tumayo "maglilinis muna ako sa lamesa" saka siya umalis.

"Tita Monique sino si Prince? Anak mo po siya?" She innocently asked.

"Oo Isabelle saka mabait at gwapo siya" I said as I caressed her hair

"Talaga po? May picture po ba siya?" Tanong niya.

"Oo, pero wala kasi saakin ang phone ko naiwan ko sa bahay sa manila sasusunod nalang bibisita kami dito" sabi ko saka kinuwentuhan pa siya ng marami.

"Sana po makilala ko si Prince para may kalaro ako" ani niya saka biglang nagsalita si Ken.

"I heard you're talking with Prince" Ken said.

"Tito" ani Isabelle saka umupo si Ken sa tabi ko at kinandong si Isabelle.

"Yeah, nakwento ko lang si Prince" ani ko saka niya ako hinalikan sa pisngi it's just a friendly kiss niliwanag ko naman sakanya na hanggang kaibigan lang ang kaya ko naintindihan naman niya.

"Wait may picture ako ni Prince sa phone ko" ani niya saka kinuha ang Cellphone sa bulsa niya "ayan si Prince" saka niya pinakita ang litrato nila ni Prince na kumakain ng Ice cream.

"Totoo nga po ang sinabi ni Tita Monique ang gwapo niya" ani ni Isabelle saka kinuha ang phone ni Ken.

"Pwede ko po siyang pakasalan?" tanong saakin ni Isabelle.

"Isabelle, anong kasal ang sinasabi mong bata ka? hindi ka pa nga marunong mag sulat tapos magpapakasal kapa" ani Reina pag pasok kaya natawa kami.

"Mommy naman!" ani niya saka inupo ulit siya ni Ken sa tabi ko.

"Akyat muna ako pahinga lang sandali" bakas ang pagod sa itsura niya may problema kasi sa Company nila.

"Sige, magpahinga ka muna" malambing kong sabi tango lang ang sagot niya at hinalikan niya ulit ako sa noo.

"Ayieeee iba na ba?!!" ani Reina

"Magkaibigan lang kami, Reina" ani ko kahit na alam kong hindi siya naniniwala.

"Tita may tumatawag po!" ani Isabelle unknown number baka importante kaya sinagot ko at pumunta na muna sa garden.

"hello" ani ko

"Monique?!" ani ng malamig na boses

"Sino to?" tanong kahit na kilala ko na kung sino siya.

"Nakasama mo lang siya nakalimutan mo na agad ako?!" galit na sabi niya

"Ravier? Anong kailangan mo kay Ken? Sabihin mo nalang saakin ako nalang ang magsasabi sakanya dahil pagod siya at nagpapahinga!" maayos na sabi ko hindi dapat ako nakakaramdam ng tuwa dahil narinig ko ulit ang boses niya.

"Nasaan ka?!" galit na sabi niya

"Nasa kaibigan ko" pilit kong maging normal ang boses ko.

"Kaibigan?! Pumunta ka sa kabit mo at iniwan mo si Prince kila Tita? Anong klase kang ina? Iniwan mo ang anak mo sa iba?!" Galit na sabi niya nakaramdam nanaman ako ng paninikip ng dibdib.

"Wala akong kabit Ravier, at hindi iba sila Mommy para alagaan si Prince!" ani ko ayaw ko pa munang umuwi, dahil alam kong sakit lang naman ang mararamdaman ko.

"I don't care! about your damn excuses Monique, just go home and we'll talk!" he almost shouted in anger but my decision is final ayoko pang umuwi, I know it's selfish dahil mas inuuna ko ang sarili ko kesa sa anak ko-pero gusto ko munang magpahinga.

"No" I said in final. As I ended the call.

My DestinyWhere stories live. Discover now