Kabanata 1

83 7 4
                                    

•°• ✾ •°•

'Pagkat itong puso ko
Hilong-hilo na sa kakaisip sa iyo
Hindi alam kung papa'no sasabihin sa'yo
Kung sasabihin ba sa'yo

𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙋𝙬𝙚𝙙𝙚 𝙇𝙖𝙣𝙜 // Soapdish

•°• ✾ •°•

Unang Kabanata:
Pagtatagpo

Sa huli, mag-isa lang akong umuwi. May mga kailangan din kasing gawin ang iba pa naming mga kaibigan sa kani-kanilang club kaya naman ay naiwan ako.

Wala kasi akong sinalihang maski anong club. Hindi ako interesado sa pakikipaghalubilo sa iba pang mga tao.

Kinuha ko ang payong ko at binuksan ito bago ako sumuong sa tanghaling tapat. Sinigurado ko rin na nakasuot sa aking tainga ang aking earphones. Hinayaan ko munang maging kaunti ang mga estudyante bago tuluyang naglakad mula sa paaralan hanggang sa sakayan.

Pinlay ko ang isa sa mga kanta ni Taylor Swift, isa sa mga pinagkukuhaan ko ng inspirasyon sa pagsusulat ng mga kantang kahit kailan ay hindi ko naman maitatanghal.

"And maybe we got lost in translation, maybe I asked for too much. But maybe this thing was a masterpiece 'til you tore it all up~" pagsabay ko nang nasa paborito ko nang parte 'yung kanta. "Running scared, I was there, I remember it all too well~"

"And you call me up again just to break me like a promise~"

Bigla akong natigilan nang may narinig akong nagpatuloy sa kanta. Dali-dali kong tinanggal ang nakasuksok sa aking tainga at lumingon.

Kumunot ang aking noo nang isang lalaki, na base sa kaniyang uniporme ay kapwa ko Grade 12 din, ang nakahinto at damang-damang kinakanta ang All Too Well. Nakapikit pa ang kaniyang mga mata habang nakatapat sa kaniyang bibig ang kaliwang kamay na tila ay may hawak-hawak na mic.

"So causally cruel in the name of being honest. I'm a crumpled up piece of paper lying here~" patuloy lang siya sa pagkanta.

Hindi ako sigurado kung alam niya bang may nanonood sa kaniya o hindi. Pero dahil nasa tabi lang kami ng kalsada, sa tingin ko ay gusto lang magpapansin ng isang ito.

Aalis sana ako ngunit mayroong pumipigil sa akin at gusto pa siyang pakinggan. Masarap kasi pakinggan ang boses niya. 'Yung tipong para siyang bokalista sa isang banda na mahilig manakit ng damdamin, ganoon.

"'Cause I remember it all, all, all too well~"

Nang matapos niya ang linya na iyon ay saka niya iminulat ang kaniyang mga mata. Sandaling segundo pa siya nagulat nang nakita akong nakatayo lang sa harapan niya.

"Haha, I didn't expect na mag-i-stay ka," saad niya. "I thought you'll be weirded out tapos tatakbo papalayo, eh."

Hindi ako nakasagot agad sa sinabi niya. Bigla akong nag-panic.

Sinubukan kong magsalita ngunit kahit na nakabuka naman na ang aking mga labi, walang kahit na anong salita ang lumalabas mula roon. May iilan ngunit nauutal lamang ako.

Kaya hindi ko gusto ang makipaghalubilo at humarap sa maraming tao. Hindi naman ako 'yung tipo ng tao na madaling kabahan pero kapag may kausap akong estranghero, nagiging blanko na lamang ang aking isipan at palaging hindi ko mahanap ang mga salitang sasabihin ko.

Pasimple siyang napangiti at rinig ko ang mahinang pagtawa niya.

Mabilis kong tinikom ang aking bibig at tinalikuran siya upang magpatuloy sa paglalakad.

"Wait!" rinig kong sigaw niya. Mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"I apologize, it was insensitive of me to laugh kanina knowing you're struggling to talk. But can you please listen to me? Kahit isang minuto lang, ganoon," nagpatuloy siya sa pagsigaw. Bigla tuloy napatingin sa amin 'yung mga taong nakasakay sa jeep na nakahinto sa gilid dahil sa traffic.

Yumuko ako at tinakpan ang aking mukha gamit ang buhok ko.

Nakakahiya. Baka akalain ng mga 'to ay magjowa kami na nag-aaway. Eh wala nga akong kaide-ideya kung sino ang isang 'to, maski pangalan niya ay hindi ko man lang alam.

"Ikaw 'yung palaging kumakanta sa corridor ng library kapag recess, 'di ba?"

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya.

"May gusto lang akong sabihin sa'yo. Can you spare me a minute? Just a minute, I promise," sambit niya.

Pinanliitan ko siya ng mga mata. Binuksan ko ang aking cellphone at nilagay sa timer.

"Spill," sabi ko sabay pindot para paganahin ang timer.

"Wait, hindi pa nga ako nakakalapit ulit sa'yo tapos magsisimula na agad?" Tumakbo siya papalapit sa akin pero humakbang naman ako papalayo.

Napatingin siya sa timer kaya napatingin din ako dito. Kulang-kulang apatnapu't limang segundo na lamang ang mayroon siya.

"Well, uhm... You see, I'm in a band," panimula niya. "Nang narinig ko ang boses mo, napasabi ako sa sarili ko na hindi ko dapat palagpasin ang pagkakataon at alokin kang maging band member."

"Pasensiya na, pero hindi ako interesado," sagot ko.

"Ito na lang... 'Yung mga kinakanta mo sa library, lahat 'yun ay gawa mo, hindi ba?" Tumango ako sa kaniya. "Kaya naman nagbabaka sakali ako, baka p'wede akong makahingi ng isa. Right now, 'yung songwriter kasi namin ay hindi makagawa ng kanta pero kailangan naming makagawa ng kanta bago 'yung Battle of the Bands."

"Huh?" hindi ko sinasadyang mabulalas.

"Uhm..." Kinalma niya muna ang kaniyang sarili. "'Yung banda kasi namin, may sasalihang Battle of the Band at isa sa mga rule doon na dapat ay may original song na kakantahin ang mga contestant. Ryo, our songwriter, cannot write a song right now dahil may family problem sila."

"Isang buwan na lang mula ngayon 'yung contest at wala pa kaming kahit na anong progress. We don't want to pressure Ryo naman kasi ang daming gumugulo sa isip n'on. Desperado na ako ngayon manghingi ng isa sa mga kanta mo. Rest assured naman, we will credit you."

"Wala akong kanta," sagot ko. "I mean, may mga nabubuo ako pero hindi ko natatapos."

"Ganoon ba?" Saktong tumunog naman na ang timer. "Seems like my one minute is over. Thank you for listening. I'm Timaeus, by the way."

"Erato."

Behind the Mask [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon