Wakas

88 14 5
                                    

•°• ✾ •°•

What if I told you that I've fallen
And I like the way you say my name?
My heart skips a beat when I hear you calling
And I like that it won't go away

𝙁𝙖𝙡𝙡𝙚𝙣 // Lola Amour

•°• ✾ •°•

Wakas:
Behind the Mask

"Ito ay isang confession. Hinding-hindi ko kayang sabihin ang mga salitang ito sa harap niya kaya naman sa ganitong paraan ko na lamang idadaan. Kung sakali mang nakikinig ka ngayon, tandaan mo lang na palagi akong maghihintay sa araw kung saan lingon mo ay ako na ang dahilan."

Kinuha ko ang isang acoustic guitar sa gilid. Nagbitiw muna ako ng isang malalim na hininga bago bigkasin ang unang bahagi ng kanta.

May mata ka naman
Ba't 'di mo gamitin iyan?
Lumingon sa akin
Suklian ang pagtingin

Hinayaan ko ang aking mga daliri na i-strum ang gitara.

Mapait na naman ang timpla ng iyong mukha
Tamis niya ay nagkulang na naman ba?

Hindi sinasadyang mapatingin ako kay Tim. Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang ngiting namumuo sa aking labi. Iniling ko ang aking ulo at nagpatuloy sa pagkanta.

Huwag mag-alala 'pagkat ako ay narito lang
Isang tawag mo'y 'di masasayang

Binilisan ko ang pag-strum ko na agad na sinundan ni Knuckles ng mabagal na beat.

Alam ko namang kaibigan ang-
Turing mo sa akin, 'gang doon lang
Ngunit mali ba kung 'king sasabihin
Na sana'y ako'y 'yong lingunin

Tinanggal ko ang gitara na nakasabit sa aking leeg at pinatong iyon sa kung saan ito nakalagay kanina. Inalis ko mula sa mic stand ang mikropono at pumunta sa gitnang stage na kumokonekta sa entablado namin at puwesto ng mga hurado.

Bumigat ang pagpalo ni Knuckles sa kaniyang mga tambol. Sumabay sina Mizori, Ryo, at Timaeus sa kaniya. Iwinigayway ko ang aking saya sa saliw ng kanilang musika. Umikot-ikot ako at ipinadyak-padyak ang aking paa sa bawat bitiw ng nota.

Hindi mo ba pansin
Mga ninanakaw na tingin
Mabuti na lang ito'y hindi mo alam
'Pagkat masira pagkakaibigan 'di inaasam

Naalala ko bigla ang mga pasulyap-sulyap ko sa kaniya noon. Akala ko, natutuwa lamang ako sapagkat ganoon naman ang mga magkakaibigan-palaging natatawa kahit na walang ginagawa ang mga ito.

Ngunit hindi nagtagal ay napagtanto kong hindi normal ang bawat nakaw-tingin ko sa kaniya. Hindi normal dahil may kung anong kuryente ang dumadaloy sa aking katawan sa tuwing ginagawa ko iyon. Hindi na rin normal dahil tila gusto nang kumawala ng aking puso sa aking dibdib kapag nakikita ko siya.

Kailan ba 'to nagsimula?
Sagot hindi ko alam
Kamalas-malasan taglay ko pa
Sa kaibigan ko nahulog nga

Hinayaan ko ang apat na ipakita ang kanilang talento. Samantalang ako naman ay dumiretso na sa mga manonood at inengganyo silang sumayaw. Umakyat ako sa mga hurado at inaya rin silang magsaya sa instrumental na pang-piyesta.

Tuloy-tuloy lamang sa pagsayaw ang aking katawan habang lumilipad naman ang aking isipan.

Bakit sa kinarami-rami ng p'wede kong magustuhan, bakit ang kaibigan ko pa?

Behind the Mask [ ✓ ]Where stories live. Discover now