Kabanata 10

66 8 0
                                    

•°• ✾ •°•

Bago mahuli ang lahat
Sa bilang ng tatlo o apat
Sundan mo, sundan mo
Puntahan mo na siya
Bago mahuli ang lahat

𝘽𝙖𝙜𝙤 𝙈𝙖𝙝𝙪𝙡𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙇𝙖𝙝𝙖𝙩 // Never the Strangers

•°• ✾ •°•


Ikasampung Kabanata:
Laban

Dahil sa pagiging abala ko sa pag-e-ensayo kasama ang banda, hindi ko na namalayan pa ang mabilis na paglipas ng oras at bawat araw.

Ilang minuto na lamang bago kami mag-perform. Hindi pa nakatulong na kami rin ang mauunang sumalang sa entablado. Mula sa tatlumpung banda, bumaba na lamang ito sa sampu ngayon. Kasama kasi sa criteria ang popularity ng mga kalahok at iyon ang ginamit upang malaman kung sino ang mga tutuloy sa stage. Nakakagulat nga na Behind the Mask ang nanguna.

Ngayong live performance, mga judge na mismo ang manghuhusga kung sino ang tatanghalin nilang panalo. Dalawang buong banda, isang bokalista ng banda, isang songwriter, at isang soloist ang kanilang judges.

Binigyan naman nila kami ng listahan ng mga gagamitin nila sa paghuhusga. Impact sa mga manood, stage presence, performance, at lyrics ng kanta ang kanilang pagbabasehan upang malaman kung sino ang mananalo.

"Behind the Mask, you're up!"

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig iyon.

"Good luck sa atin!" pagpapagaan ni Timaeus ng aming pakiramdam. "Erato, huwag kang kabahan. Okay lang mag-crack boses."

"Hoy, huwag mo ngang ganiyanin, baka magkatotoo," ani Knuckles sabay katok sa kaniyang tambol.

Isang tunog dahil sa notipikasyon ang nagpatunog sa aking cellphone. Tiningnan ko ito at nakitang galing kay Timothy.

Larawan niya ito kasama ang entablado. Hindi siya ganoong kalayo sa stage, mabuti na lamang. Binasa ko ang mensahe niya na kasunod niyang sinend.

"Wala si Ash tapos ayaw mo naman. Okay lang nandito naman ang Behind the Mask," bigkas ko rito.

"Timothy?" Tumango ako kay Timaeus. "Eh 'di samahan mo mamaya pagkatapos natin. Pang-una naman tayo, eh."

"Bobo! Baka mahuli 'yang si Erato," puna ni Knuckles.

Noon isang beses ay nadulas ang dila ni Timaeus at nabanggit sa kanila ang tungkol sa mga ginawa kong kanta sa pagiging olats ko sa aking kaibigan.

"Hala, oo nga pala. Sorry, bobo," ani Timaeus.

"Tara na, mga FRIEND!" Sinamaan ko ng tingin si Mizori nang pinagdiinan pa talaga niya 'yung huling salita. "Joke lang, ito naman. Tara na kasi, baka ma-disqualify pa tayo kasi ang tagal nating lumabas."

Nasa backstage na kami. Sumilip ako kaunti. Napapikit na lamang ako dahil nahilo ako nang makita ko ang dami ng mga nanonood, nakakalula. Mabilis akong humawak sa pader nang naramdaman ko ang unti-unting pangangatog ng aking tuhod.

"Okay ka lang?" tanong ni Timaeus. "Huwag mong masiyadong isipin ang mga manonood o kaya mga hurado. Ang mahalaga, ma-enjoy mo ang performance ngayon. Your songs are not for them, right?"

Muli akong sumilip sa labas at kusang nilibot ng aking mga mata ang buong venue upang hanapin ang taong inaasahan kong magpapakalma sa akin.

Hindi pa ganoong kadilim ang paligid kaya naman ay madali ko rin siyang nahanap. Abala siyang nagtitipa sa kaniyang cell phone. Maya't maya ay inis niyang tinanggal ang atensyon niya rito.

Behind the Mask [ ✓ ]Where stories live. Discover now