Kabanata 5

57 7 0
                                    

•°• ✾ •°•

Minu-minutong pinagmamasdan
Ang orasan, kasabay ng pagtibok
Ng pusong nag-iingay, bukambibig
Handa na sa muling pagkawag ng kamay sa tubig

𝙇𝙖𝙣𝙜𝙪𝙮𝙞𝙣 // Autotelic

•°• ✾ •°•

Ikalimang Kabanata:
Ang Simula ng Awitin

Behind the Mask

Pagsisimula ko sa titulo.

Will you be able to know

Hindi ko alam kung sinasadya ba kanina ni Timaeus na sabihin ang pangalan ng banda nila. Agad ko namang iwinaksi ang ideyang iyon.

If I keep this hidden so long?

Imposible namang malaman niya ang nangyayari sa akin ngayon, hindi ba? Isang beses niya pa lamang nakikitang magkasama kami ni Timothy.

I guess, I'll just go with the flow

Pero oo nga pala, hindi ko alam kung mula kailan niya ako nakikita sa silid-aklatan at kung paano niya ba ako naoobserbahan. Muli na namang nanindig ang balahibo ko dahil sa ideyang may nang-i-stalk sa akin.

'Coz I know to me, you don't belong

Umiling-iling ako. Baka coincidence lamang ito at hindi sadyang maire-relate ko ang sarili ko sa pangalan ng banda nila.

Stretching my lips to make the widest grin

Wala silang sinabi kung ano ang ibig sabihin ng pangalan nila ngunit alam kong may kinalaman ito sa mga maskarang isinusuot nila.

Just for you to not notice

Habang nagsusulat, iisang tao at senaryo lamang ang tumatakbo sa aking isipan.

The feelings in my eyes, hidin'

Sa bawat kantang isinusulat ko, palaging dumadalaw si Tim sa aking isipan at nagiging inspirasyon ko. Parang wala nga yata akong tula at kantang naisulat na hindi tungkol sa kaniya.

If you look within, it's... endless

Umaakto lamang ako na tila walang nagbago dahil alam kong mapapalayo siya sa akin. Sa ganitong paraan ko lamang maaaring malayang maipahayag ang aking damdamin.

Sandali akong tumigil upang ikalma ang aking sarili. Sobrang bilis lang kasi ng tibok nito dahil sa pananabik habang isinusulat ko ang simula ng kanta.

Inabot ko ang gitara na nakapuwesto sa tabi ng aking kama.

Ngayon ay dadako na ako sa pre-chorus na kinanta ko.

If I could just

Dalawang beses akong nag-strum.

Unveil the mask

Dalawang beses pa ulit ang ginawa ko.

The facade will bust

Sa huling pagkakataon ay pinadausdos ko ulit ang aking daliri sa string ng gitara ng dalawang beses.

All the secrets will unmask

Tuloy-tuloy ang pagpapatugtog ko sa gitara bilang pag-build up ng chorus.

If you could only see
What's hiding underneath
You'll see the truest me
Behind the mask, I'm heath

Even if I smile, that doesn't mean I'm happy
Even if I laugh, that doesn't mean I think it's funny
'Coz I'm trying to hide the pain
That my mask always restrain

Wish I can say these words to you

Hininaan at binagalan ko ang paglalaro ng aking daliri roon sa gitara. Napatigil ako nang may bigla akong napagtanto. Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone at nag-record.

Nang nakipagtagpuan ako kay Timaeus kinabukasan ay hiningi ko na lamang ang e-mail nito at doon sinend. Hinintay ko muna siyang matapos na pakinggan ito bago umalis.

Alam ko kasing magtatanong siya.

Tulad nga ng inaasahan, kunot ang noo siyang tumingin sa akin habang tinatanggal ang kaniyang earphones.

"Walang lyrics ang verses," komento niya. Tumango ako bilang pagkumpirma. "Why?"

"May nabuo akong lyrics ng first verse pero nang isinulat ko 'yung chorus, may napagtanto ako. It's your song, kanta ng banda niya 'yan, kaya sa tingin ko ay mas maiging kayo ang bumuo ng mga salita para riyan," sagot ko. "Mas maganda kung ang laman ng kantang iyan ay mga karanasan o nararamdaman niyong hindi masabi-sabi."

"Behind the Mask, literal na kung sino kayo sa likod ng maskara," dagdag ko pa.

Ilang segundo siyang natahimik. Nakaawang lamang ang kaniyang bibig habang nakatitig sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung magagalit siya o namamangha. Hindi ko matukoy kung alin sa dalawa. Maliban na lamang kung nais niyang magsalita ngayon na.

"Well... That's amazing," saad niya. "It makes sense. Thank you so much, Erato!"

"Wala 'yon, basta ba ay tigilan mo na ako," sabi ko na muli niyang ikinagulat. "Hindi kasi ako sanay na may nagmamatiyag sa akin."

"Oh, sorry about that. Naghahanap lang talaga ako ng female vocalist namin noon tapos natiyempuhan kong nandoon ka sa koridor ng silid-aklatan at nakanta. Sino nga pala 'yung naggigitara rito?"

"Ako."

"What?! You also know how to play guitar? Man, what a waste. Mukhang kahit tanungin naman kita ulit ngayon, same pa rin ang answer mo, ano? Aayaw ka pa rin." Lumapat sa kaniyang mga labi ang isang maliit na ngiti. "Ano nga pala ang masasabi mo sa music namin? Is it weird na rock genre namin pero may oboe?"

"Uhm... Sa tingin ko, okay lang naman siya. Nagbe-blend naman 'yung tunog ng oboe sa ibang instruments."

Mas lalong lumapad ang kaniyang ngiti.

"So you really listened to our music? Sigurado akong napapasabay ka rin. Ni hindi mo man lang ba naramdaman na kaisa ka namin?"

Ramdam ko ang biglang pag-akyat ng aking dugo sa aking ulo at pagiging kapos ng aking hininga. Bahagya pang nanlaki ang aking mga mata.

"K-Katulad pa rin ng dati, ayaw ko sumali sa banda mo at kumanta. Nga pala, ABAB ang dapat na rhyming scheme niyan pero kung gusto niyong baguhin, okay lang din," sambit ko at umalis na.

"If you say so. However, your mask will always be with us, waiting for you to wear it."

Behind the Mask [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon