Kabanata 2

74 8 6
                                    

•°• ✾ •°•

Ni isang beses ay hindi pa 'ko
Nakakakain ng paruparo
Ngunit tila bakit ang sikmura ko'y puno?

𝙎𝙖'𝙮𝙤 // Munimuni

•°• ✾ •°•

Ikalawang Kabanata:
Ikaw

"'Uy, Erato, may natawag sa'yo."

Lumapit sa akin ang isa sa mga kaklase ko at tinuro ang labas ng kuwarto. Tiningnan ko ang tinuturo niya ngunit wala namang katao-tao roon. Kunot-noo ko siyang hinarap.

"Gaga, mayroon nga! Mukhang mabango saka ang expensive ng pangalan. Ti-may-uhs," aniya na sinamahan pa ng paggalaw ng kaniyang kamay.

"Ano mayroon?" Lumingon sa amin si Tim. "May naghahanap kay Erato? Bakit daw?"

"Wow, bakit interested ka? Ikaw ba si Erato?" sabat ng kaklase namin. Napangisi na lamang si Tim na inirapan ng isa. "Ewan ko, hindi naman nagsabi kung bakit. Sabi niya lang, kung nandito raw ba si Erato."

"Kilala mo?" tanong ni Tim sa akin. Nag-aalinlangan akong tumango. "Timaeus ba kamo 'yung pangalan?"

"Ou. Kilala mo?"

"Parang narinig ko lang kung saan 'yung pangalan niya. Paano mo nakilala, Erato?"

"Nakasabay ko lang kahapon sa paglalakad."

"Ay, shala! Naglalakad din naman ako saka maraming nakakasabay pero bakit wala akong napupulot na ganoon? Santa Erato, ako ay iyong biyayaan," komento ng kaklase namin at kinuha pa ang kaniyang panyo upang ipahid sa aking braso.

"Buang," saad ko. Tumayo ako at hinarap sila. "Pupuntahan ko muna nang matapos na."

"'Te, kung ayaw mo, p'wede namang ako na lang sumalo." Napailing na lamang ako sa pahabol ng kaklase ko.

Lumabas ako ng silid. Nang una ay hindi ko siya agad nakita. Pumunta pa ako sa may dulo ng koridor ngunit wala siya roon. Kaya naman, napagdesisyunan ko na lamang na bumalik na rin sa aming silid.

Ilang minuto na lamang ay tutunog na ulit ang bell.

Papasok na ako ng aming silid nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Erato!" Nilingon ko si Timaeus na panay ang angat at baba ng kaniyang dibdib upang habulin ang kaniyang hininga. "Napadaan lang ako kasi hindi kita nakita roon sa library. Akala ko ay absent ka kaya I asked your classmate about you."

"P-Pero hindi mo naman ako hinahahap?" paglilinaw ko.

"Siyempre, hinahanap."

Ramdam ko ang biglang pag-akyat ng dugo sa aking mukha namg marinig kong may mga tumikhim sa tabi ko. Sabay-sabay pa silang naubo kuno.

Nawala sa isip ko na nasa pintuan nga lang pala kami kaya naman ay may posibilidad na naririnig ng mga nasa likod ang pinag-usapan namin. Mga malisyosa pa naman 'tong mga 'to.

Napatitig lamang ako kay Timaeus. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na sino ba naman ang gugustuhing bumalik sa isang lugar kung may estrangherong nanonood sa kanila roon?

Nakakatakot lang dahil pati section ko ay alam niya rin.

Mabuti na lamang at nag-bell na. Nagpaalam siyang umalis at tinanguan ko lang siya. Pagkatapos n'on ay bumalik ako sa upuan.

"'Uy, Erato, ano 'yun?" tawag sa akin ng isa kong kaklase. "Timothy, kaibigan mo ay luma-lovelife, oh!"

"Kadiri!" bulalas ko at sinamaan sila ng tingin. Padabog akong bumalik sa upuan dahil hindi pa rin sila tumigil sa pagkantiyaw sa akin.

"Ano sabi?" usyoso ni Tim.

Nilingon ko siya at wala sa sariling tumingin sa kaniyang mga mata. Purong kuryoso lamang ang nandoon na dahilan upang mas lalong lumala ang inis sa pakiramdam ko.

Kumunot ang kaniyang noo nang mapansing ilang segundo na akong nakatingin lang sa kaniya.

"'Uy?" muling pagtawag niya sa akin.

"Wala naman," sagot ko at dismayadong lumingon papalayo sa kaniya. "Chineck lang kung nandito ako. Wala naman siyang kailangan daw."

"Akala ko, manliligaw na sa'yo, eh," komento niya na ipinagtaka ko. "Sabihin mo sa akin kapag manliligaw sa'yo, ha? Nang magkaroon kami ng masinsinang usapang lalaki."

"Tangek, wala. Saka kahit manligaw siya, wala naman akong paki. Iba 'yung gusto ko." Mabilis kong inilapat sa aking mga labi ang aking mga palad nang mapagtanto ko ang aking mga huling sinabi.

"Iba ang gusto? Sino?"

Nagsimula akong kabahan nang sabihin niya 'yun. Sabi na nga ba at hindi niya 'yun papalampasin, eh.

"W-Wala," medyo kinakabahan kong sambit. "Eme lang 'yun para hindi mo na isiping manliligaw ko si Timaeus."

"Hindi ako naniniwalang wala. Sabihin mo na kasi!" pamimilit niya. "Kung makapagsikreto 'tong isang 'to, akala mo hindi tropa amp. Ayaw mo bang tulungan ka namin?"

"Wala ngaaaaa," patuloy lang ako sa pagtanggi.

"Weh?"

"Bakit? Ano ba mapapala ko kapag sinabi ko kung sino?"

"Tutulungan kita?"

"Hindi na kailangan. Wala naman akong balak i-pursue 'yun, eh."

"Kahit na! Hindi kita titigilan hangga't 'di mo sinasabi kung sino."

"Ikaw," diretso kong saad at itinutok sa kaniya ang mga tingin.

Nakita kong namuo ang pagkagulat sa kaniyang ekspresyon niya at ang unti-unting pagsisimula ng panic dito.

Pilit akong tumawa.

"Ikaw, ang kulit-kulit mo," agad kong binawi ang sinabi ko kanina. "Kung gusto mong malaman kung sino, si---"

"H-Hindi ko na kailangang malaman pa. Celebrity lang naman sasabihin mo," aniya kahit hindi pa tuluyang nakakabawi sa gulat na naramdaman niya kanina.

Naging maingay ang katahimikan sa pagitan namin matapos 'yun. Ramdam ko ang ilang sa kaniyang pagkilos at ang ilang beses niyang pagsubok na magsalita pero walang lumalabas na tunog sa kaniyang bibig na maya-maya ay tinikom niya na lang dahil dumating na rin ang aming guro.

Malungkot akong napangiti.

Alam kong hindi ko dapat siya magustuhan pero hindi ko naman mapipigilan ang damdamin ko. Ngunit base sa naging reaksyon niya ngayon, mukhang mas maigi na lamang na ipagpatuloy ko ang pagtatago rito.

Mas gugustuhin ko na lamang na itago ang nararamdaman ko at palihim na masaktan kapag nakikita siyang masaya sa iba kaysa naman masira ang kung anumang mayroon kami.

Sapat na sa akin na hanggang magkaibigan na lang kami, kaysa naman ang bumalik sa pagiging estranghero sa isa't isa kapag sinabi ko na ang nadarama.

Behind the Mask [ ✓ ]Where stories live. Discover now