Kabanata 3

63 7 4
                                    

•°• ✾ •°•

Ngunit kahit saan ka mapadpad
Kahit ilang taon ang lumipas
Kahit ika'y mapalayo sa piling ko
Ikaw pa rin ang pipiliin ko

𝙄𝙠𝙖𝙬 𝙋𝙖 𝙍𝙞𝙣 𝘼𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙥𝙞𝙡𝙞𝙞𝙣 𝙆𝙤 // Cup of Joe

•°• ✾ •°•

Ikatlong Kabanata:
Pinta

"Nag-away na naman kayo?" bungad ko kay Tim nang nakalapit ako sa kaniya.

Narito lamang siya sa isang sulok, tinatanaw mula sa malayo ang babaeng kaniyang mahal, habang iginuguhit ang larawang nakikita sa papel na nasa kaniyang harapan.

"Ano na naman ba ang nangyari?" Hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy lamang siya sa pagguhit doon sa kuwaderno.

Sa tuwing hindi magkasama ang dalawang 'to sa recess at hindi makalapit itong kaibigan ko kay Ash, siguradong may pinag-awayan na naman 'tong dalawa.

"Nakita mo na naman ba siyang nag-e-entertain ng ibang lalaki?" tanong ko. Hindi siya umimik. "Parang timang 'to, tinatanong ko tapos walang sinasagot. Bahala ka nga. Love life mo naman 'yan, ikaw na lang mag-isa mamroblema."

"Erato?" Napalingon ako nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Timaeus?" sagot ko.

Isang tunog na may tila nabali ang narinig ko. Napatingin ako sa mga kamay ni Tim kung saan tanging 'yung kalahati na may talas na lamang ang natira roon at 'yung isa pang kalahati ay nasa lapag.

"Sure ka na bang ayaw mo talaga?" tanong niya. "Baka p'wede namang ipilit, right?"

"Wala nga akong interes," sagot ko.

"Can we still be friends, tho?" Tumango na lamang ako upang matapos na. Dumako ang tingin niya kay Tim na nakatingin din sa amin, ibinalik ko ang aking atensyon kay Timaeus. "Thank you. Mauna na ako. Should you change your mind, sabihin mo lamang sa akin."

"Okay."

Hinayaan ko na lamang siyang maglakad papalayo sa amin. Nang hindi ko na siya matanaw ay itinuon ko ang atensyon ko kay Tim na nagpapatuloy lang sa pagguhit.

"Sabi mo, 'di nanliligaw," malamig niyang saad.

"Hindi naman talaga," sagot ko na tila nagugulumihan. "Tinatanong niya lang ako kung gusto ko raw bang magsulat para sa banda niya. Tumanggi ako."

"Bakit ka tumanggi?"

"Kasi ayaw ko? Saka hindi naman ganoong kaganda 'yung mga naisusulat kong tula."

"Nagsusulat ka ng tula? Bakit 'di ko alam? Ako kaibigan mo, 'di ba? Bakit nauna pa 'yung Timaeus na 'yun-eh kailan mo lang naman siya nakilala?"

"Hindi ko naman kasi sinasabi sa'yo."

"Ayun nga. Bakit 'di mo sinasabi sa akin?"

"Kailangan ba lagi kong sinasabi 'yun sa'yo?"

Mukhang hindi maganda ang dating ng mga huli kong sinabi sa kaniya. Hindi na siya nakaimik pa. Iniligpit niya ang kaniyang mga gamit at tumayo.

"Una na 'ko," paalam niya.

Nagpatuloy lamang ang pagiging wala ni Tim sa mood hanggang sa mag-uwian na. Nanatili muna kaming klase sa paaralan upang pasadahan 'yung magiging performance namin sa opening ng darating na Foundation Week, ilang linggo mula ngayon.

"'Uy, ano problema ni Timothy?" tanong ng isa sa mga kaklase ko. "Kanina pa hindi naimik 'yan. Puro sketch lang ginagawa doon sa dino-drawing niya kahit tapos naman na talaga 'yun."

"Hindi ko rin alam. Ayaw sabihin, eh," sagot ko.

"Gusto mo tanungin ko si Ash?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Natawa naman siya. "Joke lang, joke lang. Gagi, mukhang alam ko na kung bakit."

"Oh?"

"Grabe, 'di ka ba interested? "Oh?" lang talaga sinabi amp."

"Dami naman nitong sinabi. Ano nga 'yung sa tingin mo ay dahilan bakit galit 'yung isang 'yun?"

"'Di ba sabay silang umuwi kahapon?" Tumango ako. "Well, hindi naman nila solo 'yun, eh. Nandoon 'yung mga kaklase ng babae. Kilala mo si ano, 'di ba?"

"Si ano?" Itinaas ko pa ang isa sa aking mga kilay.

"Si ano, 'yung pinagseselosan ni Tim na kaklase ni Ash."

"Ah, si ano?"

"Oo, nakuha mo! Ayun, si ano... So ito na nga," panimula niya. Pasimple akong napangiti. Basta talaga tsismis, laging mangunguna ang isang 'to sa pag-spill ng tea. "For some reason, late na rin ako nakauwi kahapon at naabutan ko sila."

"Mare, mare!" bulalas niya. "Iniwan ng babae si lalaki at doon tumabi at nakipag-close sa pinagseselosan. Sobrang close nila, parang ganito."

Iniayos niya ang kaniyang mga daliri at pinagkrus ang hintuturo at gitnang daliri.

"Ganiyan!" saad niya. "Hindi ko nga alam kung nananadya ba o ano, eh. Kasi nandoon si Timothy tapos ibang lalaki kausap? Wow, manhid yarn?"

"Bunganga mo, baka may makarinig," pagpapahina ko sa boses niya.

"Aba! Dapat lang, ano? Dapat lang na marinig ng sangkatauhan ang balitang ito. Most likely, pinag-usapan nila 'yun kagabi tapos gaslighting na naman ginawa ni girl sa bff mo. Pustahan, sinisisi na naman ni Timothy sarili niya kahit 'yung isa 'yung wala sa katwiran."

Napabuga na lamang ako ng isang malalim na buntong-hininga. Mahirap mang sabihin ngunit mukhang tama nga ang sinabi ng kaklase kong ito.

Sa lahat ng beses na nag-aaway sila, lagi itong humahantong sa pagga-gaslighting ng isa roon sa isa. Mas lalo lamang lumalala ang nangyayari sa kanila dahil dito.

Siyempre, hindi ko naman ipagkakaila na may pagkakataong wala sa tama ang kaibigan ko at nasosobrahan na rin kung magalit o magselos minsan.

Pareho lang naman silang dalawa ang mayroong problema na hindi nila maayos-ayos dahil sa hindi ko alam na kadahilanan. Siguro ay sa kakulangan ng sapat na komunikasyon? Hindi ko naman alam kung paano sila nag-uusap kaya hindi ko mawari kung dahil ba iyon sa parehong sarado ang kanilang isipan?

Basta ang alam ko lamang, ang mga binabahagi sa akin ni Timothy at 'yung mga pagtitiis niya kasi hindi naman talagang opisyal na mayroon ngang sila. Ang tanging pinanghahawakan niya lamang ay pareho raw sila ng nadarama ngunit kailangan nilang maghintay hanggang sa p'wede na.

Naiinis ako sa tuwing hindi sila nagkakasundo. Binabalewala lamang ng babae 'yung kaibigan ko hanggang si Timothy na lang mismo ang siyang magbaba ng pride.

Hindi lang naman ako naiinis dahil kaibigan ko si Timothy.

Naiinis din ako dahil binabalewala niya 'yung pinagtutuonan ko ng pagtingin na kahit kailan ay hindi naman ako lilingonin.

Behind the Mask [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon