Chapter 6

15 1 3
                                    

Moonlight Sonata

"Ano'ng meron?" nagtataka kong tanong at inikot ang paningin ko sa loob ng silid. Nanlaki ang mga mata ko nang mamataan ko si Salvatore sa may pintuan.

Kaya pala sumigaw si Krystal dahil nakita niya si Salvatore, akala ko may nagtangka nang pumatay sa Mayor at mga Congressman dito.

"Nakakagulat ka naman, Krsytal." Hawak-hawak ni Rissa ang kaniyang dibdib ng sinabi niya iyon kay Krystal. Ngunit agad namang nag-iba ang ekspresiyon niya nang makita niya si Salvatore. "Ay wow, may gwapo," sabi niya pa.

Napailing na lamang ak0. Nang tinignan ko si Salvatore sa gawi niya, nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makitang nakatingin din siya rito sa amin.

Papanoorin niya rin ba kaming magtanghal? Bigla tuloy pumintig ang puso ko. Madadagdagan na naman ng pares ng mga matang manonood sa amin. At ito pa ang unang gabi ah!

Nagising naman ako sa realidad ng magsalita ang Mayor. Sumulyap siya sa likod bago kami tinignan. "You may begin," aniya.

Mayroong kakaibang aura na bumabalot sa Mayor ngayon. Parang umiba ang kaniyang personalidad.

Nang makatayo na sa entablado, nakita kong binigyan ng upuan si Salvatore ng isa sa mga bodyguards ng Mayor. Manonood nga talaga siya.

Bago kami magsimula ay nagpalakpakan muna sila. 'Saka ko lang napagtanto na magsisimula na nga pala talaga kami.

Si Rissa ang mauunang kakanta habang ako ay tutugtog ng violin, at si Krystal naman ay tutugtog ng piano.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang tumugtog. Ang atensyon ko ay nasa violin lamang. Nakakaramdam ako ng tingin, ngunit alam ko naman na galing 'yon sa madla. Hinayaan ko na lamang at sinubukan na sanayin ang sarili ko na may nakatingin sa akin habang tumutugtog ako.

Nakapagtugtog naman ako sa harap ng maraming tao, ngunit marami kami no'n. Nasa may dalawampu ata kami no'n at nasa likod lamang ako. Ngayon ay kitang-kita kaming tatlo sa harap. Isang pagkakamali lamang at malalaman na nila 'yon. Nakakahiya naman para sa Mayor kung hindi namin maipapakita ang husay namin.

Nang matapos si Rissa, tumugtog muna kami ng instrumental bago nagpatuloy. Ako na ang kakanta.

Nagpalitan kami ni Rissa ng lugar, habang si Krystal ay nanatili sa kaniyang pwesto.

Nang humarap ako sa madla, bigla na lamang ako nanlamig. Ang tingin nila ay nakapako sa akin. Seryoso ang kanilang mga mukha, at alam kong umaasa sila na kasing ganda ng boses ni Rissa ang boses ko. Ngunit alam kong bibiguin ko sila.

Muntik pa akong hindi makasabay sa nota, buti na lamang at napansin nila 'yon at nagdahan-dahan sila sa pagtugtog. Nagsimula na akong kumanta, at napapikit na lamang ako para hindi ako kabahan sa mga tingin na nakapako sa akin.

Kakanta pa ako ulit mamaya, pero parang ayaw ko na. Nakakakaba, nakakatuyo ng lalamunan.

Nang matapos na ako sa pagkanta, para akong binalikan ng nawawala kong kaluluwa. Ngayon ay si Krystal na ang kakanta.

Hindi na akong nagtangka pang tignan ang reaksyon nina mayor sapagkat natatakot ako na hindi nila nagustuhan ang aking pagkanta.

Nang maubos na namin ang oras, at dumating na kami sa panghuling kanta namin, sumabay na kami ni Rissa sa pagkanta. Ibinigay namin ang pagkakataong ipahyag na si Krystal talaga ang bokalista sa aming grupo, ngunit dahil ito na ang huling kanta ay sumabay na rin kami sa korus.

Matapos naming magtanghal ay nagtayuan sina Mayor at nagpalakpakan. Andoon pa rin sa kaniyang mukha ang aurang nagpapahayag na may bumabagabag sa kanya. Kahit na pinilit niyang ngumiti, parang ngiwi ang naging kalabasan no'n. Bakit kaya biglang nag-iba ang timpla ng kalooban ng Mayor?

Glamanour HeightsWhere stories live. Discover now